CHAPTER 10: Ring

750 28 19
                                    

Chapter 10: Ring

Nag-mulat ako ng mga mata nang magising ang diwa ko. Nag-inat pa ako tsaka nag-hikab. Grabe, ang sarap ng tulog ko. Tinanghali na nga ata ako ng gising.

Wait, tinanghali na ako ng gising?!

Napa-balikwas ako ng bangon nang maalala ang oras. Anong oras na? Hala! Kailangan ko pang mag-linis sa fourth floor!

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa side table para tignan ang oras. Shocks, 8:30 na. Tanghali na! Wahhh!

Natigil ako sa pag-papanic nang maalala ang huling nangyari kagabi. Naaalala kong nag-rereview ako sa library kahapon at dumukdok lang ako sa mesa para sa ten minutes break. Antok na antok na kasi ako kagabi at ayaw nang pumasok ng mga impormasyon sa utak ko.

Paano ako napunta dito?

Pumasok agad sa utak ko si LG. Baka dinala niya ako dito kagabi. Wala naman nang ibang taong mag-bubuhat sa akin mula sa library hanggang sa kwarto ko kundi siya lang. Imposible naman kung si Kuya Stell 'yon eh hindi nga ako no'n pinapansin.

Nang makapag-isip isip na ako ay inayos ko na ang sarili ko at tinali ko din ang buhok ko. Bibilisan ko nalang yung pag-lilinis.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto tsaka ako bumaba sa hagdan. Sakto namang pag-baba ko ay nakita ko si LG na pababa din.

"LG!" tawag ko sa kaniya.

Huminto siya sa pag-baba tsaka niya ako nilingon.

"Oh, tinanghali ka ata ng gising ngayon." bungad niya.

"Oo nga eh. Medyo pagod lang kaka-review." sagot ko. "Siya nga pala, salamat sa pag-dadala mo sa akin sa kwarto ko kagabi ah." nginitian ko siya.

Dahan dahan lang ang pag-baba namin sa hagdan habang nag-kekwentuhan. Kumunot naman ang noo niya.

"Anong sinasabi mo?" tanong niya.

Ha? Nakalimutan na niya agad? "Kagabi. Kasi diba nakatulog ako sa library habang nag-rereview. Mabuti nalang pinuntahan mo ako doon tsaka binuhat mo ako papunta sa kwarto ko. Salamat ah." nginitian ko nalang ulit siya.

Muka siyang gulat at mangha sa sinabi ko. Ano bang klaseng ekspresyon 'yan? Maya maya pa ay tumango tango siya na parang may ideya siyang naintindihan, tsaka siya ngumisi ng makahulugan.

"Buhat pala ah."

May ibinulong pa siya pero hindi ko na iyon naintindihan. Ang weird niya ngayong araw.

Nang maka-baba na kami ay nasalubong namin si Kuya Stell na nanggaling sa kusina. Ngumiti ng malawak si LG tsaka niya nilapitan si Kuya.

"Hi Kuya! Sana all binubuhat." sabi ni LG kay Kuya Stell na para bang nanunukso.

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Kuya.

Pati ako naguguluhan na din sa ikinikilos at sinasabi ni LG eh.

"Sus, kunwari walang alam. Ayos lang, di mo na kailangan mag-deny." tumataas taas pa ang kilay ni LG. Lumapit siya kay Kuya at inilapit niya ang bibig niya sa tenga nito. "Sana all binubuhat mula library hanggang kwarto." may ibinulong nanaman siya na ikina-samid ni Kuya Stell. Hindi ko naman na iyon narinig.

Nang maka-bawi na ng lakas mula sa pagkaka-samid ay nag-salita ulit si Kuya. "Kung ano anong sinasabi mo." seryoso niyang sabi.

Natawa nalang si LG tsaka na siya tuluyang nag-lakad papunta sa kusina. Ako naman ay naiwang nag-tataka. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Kunot noo nalang akong nag-pabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon