CHAPTER 22: Without The Mask

908 37 66
                                    

Chapter 22: Without The Mask

Muka akong pinag-sakluban ng langit at lupa habang naka-sakay sa kotse ni LG. Pabalik na kasi kami sa mansyon.

Hindi talaga siya pumunta. Hindi siya sumipot. Hindi siya umattend. Hindi niya ako pinanood. Pinaasa niya ako.

Napa-tingin nalang ako sa relo na suot ko. Ito yung regalo sa akin ni Kylie. Ang ganda, mukang mamahalin.

"Why do you look so sad?" pag-basag ni LG sa katahimikan.

I sighed then leaned on the window. "Hindi siya pumunta." walang gana kong sagot.

"I'm sure he has his reasons."

"Ano namang reason niya? Eh nasa mansyon lang naman siya." I bitterly said.

That moment is just once in a lifetime. At hindi pa niya nasaksihan 'yon. It was very important to me. Siya lang ang inaasahan kong makita kanina pero hindi pa siya pumunta.

"Kahit naman hindi siya pumunta, sigurado akong proud parin siya sa'yo." LG said.

"Sana nga." matamlay kong sabi.

He took a glance at me then he held my hand. He gave me a smile, sinuklian ko naman iyon ng maliit na ngiti.

Inaya ako kanina ni Kylie na pumunta sa bahay nila kahit na sandali lang kasi may celebration sila pero tumanggi ako. May sarili din kasi kaming celebration sa mansyon.

Kahit naman medyo nag-tatampo ako sa isa diyan, masaya parin ako kasi naka-graduate na ako.

Dumaan muna kami sa drive-thru ng McDo para bumili ng handa ko daw sabi ni LG. Pina-pili pa niya ako ng gusto ko.

Dinaanan na din namin yung isang cake shop dito. Syempre, hindi mawawala ang cake.

Pag-dating namin sa mansyon ay pumasok na agad ako dala ang ilan sa mga pagkain na hawak ko. Ibinaba ko ang mga 'yon sa mesa.

Napansin ko naman si Kuya Stell sa sala na naka-upo parin sa swivel chair niya. Naka-upo lang naman siya doon, tapos hindi pa siya pumunta sa graduation ko. Nakaka-tampo.

"Mag-bibihis lang ako." paalam ko kay LG.

Dire-diretso lang akong nag-lakad papunta sa hagdan. Hindi ko siya papansinin, hmp. Nag-tatampo talaga ako.

Inalis ko ang mga accessories na suot ko kasama na doon ang relo ko. Nag-bihis na ako ng pambahay tsaka ako nag-hilamos para maalis ang make-up sa muka ko.

Gusto kong mag-saya pero nalulungkot talaga ako. Mas matimbang ngayon ang lungkot na nararamdaman ko.

Bumaba na ako sa hagdan tsaka ako dumiretso sa kusina. Naka-ayos na ang lahat sa lamesa.

"Sakto, tara na. Kumain na tayo." ani LG.

Nginitian ko nalang siya. Ginagawa niya ang lahat para sumaya ako. Ayaw ko namang mag-mukang hindi masaya. I don't want to look ungrateful.

I hugged him from his side. I just wanted to thank him for everything he had done for me. My only brother.

"LG, salamat sa lahat." I said while smiling.

Ipinaikot niya ang braso niya sa likod ko tsaka niya ako nginitian.

"Unti unti nang namumunga yung mga naitulong niyo sa akin. I'm so lucky because I met you. Napaka-saya ko ngayon kasi may pamilya parin ako kahit hindi man tayo magka-dugo. I felt like everything was complete around me. You're always here for me." sunod sunod kong sabi.

He smiled much widely. Bumitaw siya sa yakap ko tsaka niya ako hinarap.

"I'm lucky to have you too. My life became much happier and much enjoyable because of you." pinisil pa niya ang pisngi ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now