CHAPTER 38: Unfamiliar

926 29 76
                                    

Chapter 38: Unfamiliar

Stell's Point of View

Kumuyom ang mga kamao ko at sobrang sakit na din ng dibdib ko dahil sa mga nasaksihan. Bawat sigaw na ginawa niya habang nasasaktan siya ay doble ang sakit sa akin.

Gusto kong sumigaw at ilabas ang lahat ng galit ko. Gusto kong ipag-higanti ang mga taong mahalaga sa akin. Gusto kong makita nila na mali ang ginawa nila. Gusto kong mag-sisi sila sa mga ginawa nila sa mga taong mahal ko.

Ano bang ginawa niya? Paano siya napunta sa kamay ng mga Schadenfreude? Anong ginawa niya para gawin nila sa kaniya 'yon?

Nawala na si LG, hindi ko na hahayaang mawala pa si Alexa. Siya nalang ang natitira sa akin. Siya at ang anak namin.

...

Alexia's Point of View

"Nanggigigil parin ako sa'yo hanggang ngayon." madiin niyang hinawakan ang panga ko. "Hindi pa sapat yung ginawa ko sa'yo kapalit ng ginawa mong pag-sira mo sa locket."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay malakas ulit niyang sinampal ang pisngi ko. Hindi na ako makagalaw dahil sa panghihina at sakit na nararamdaman.

Gusto ko nalang mamanhid at mawala ang lahat ng nararamdaman ko para hindi na ako masaktan.

Sigurado akong naapektuhan na ang bata sa sinapupunan ko ngayon. Malamang nasasaktan din siya ngayon. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kaniya.

Isang malakas na tunog ang nagpa-lingon sa kanilang lahat sa iisang direksyon. Maya maya ay may tumatakbo na palapit dito.

"Lord Ali Andrew, nandiyan po ang mga kasapi ng Wunsk!" balita ng lalaking tumakbo.

"Ano?!" sigaw niya. "Ano pang hinihintay niyo? Sugurin niyo!"

Halos wala nang natira sa kanila sa lugar na 'to dahil umalis na silang lahat para sumugod. Pwera nalang sa bwisit na lalaking 'to.

Sinakal nanaman niya ako. "Hindi ka aalis dito."

Binitawan din niya ang leeg ko at akmang aalis na nang mag-salita ako.

"Talagang hindi ako aalis dahil iikaw ang aalis." inangat ko ang ulo ko at tinignan ko siya, mata sa mata. "Ali Andrew." may diin kong sabi sa pangalan niya.

Tumawa siya ng malakas at nilapitan ako. "Poor girl. Talagang aalis na ako, dahil dito ka na mamamatay."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mauuna ka, Alejandro!"

Nanlaki ang mga mata niya at tinignan ang mga kamay niya. I can see that he started to panic when he saw his hands started to vanish.

"Hindi, hindi! Hindi pwede! Hindi pwede!" sigaw niya.

Tumingin siya ng masama sa akin tsaka siya tumakbo palapit sa akin. Pero bago pa siya makalapit sa akin ay tuluyan na siyang nawala na parang bula.

Nakahinga ako ng malalim matapos ang tagpong iyon. I made him vanished by just saying his real name. Sinabi iyon sakin noon ni LG. They're just using codenames that quite sounds like their real name. Because when a mortal said their real name, eye to eye, they'll vanish. And they'll be gone, forever.

Bahagya akong napangiti dahil sa nagawa ko. Akala ba nila porke simpleng mortal lang ako ay wala na akong alam tungkol sa kanila?

Medyo nawala naman na ang tinik sa puso ko. Kahit na papaano ay nagawa ko nang ipag-higanti ang nangyari kay sa amin. Lalo na kay LG.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now