CHAPTER 21: Missing

683 27 17
                                    

Chapter 21: Missing

"Since this is the last week na magkakasama tayong lahat, I wanted to say that thank you all so much for giving your best. As your adviser for the last year of college, I am proud of you all." sambit ng teacher namin.

Ang ilan sa mga kaklase ko ay napa-ngiti, ang ilan naman ay walang pakialam.

"Gusto ko din sabihin na mami-miss ko kayo. Galingan niyo pa sa pag-tatrabaho para sa future niyo." dagdag pa ni ma'am.

"Hindi ko 'to mami-miss." mahinang sabi naman ng katabi ko.

I chuckled. "Bitter ka talaga 'no?"

"Nah, just telling the truth. Like duh, who would miss school?" she rolled her eyes. "Not me."

Pagkatapos ng klase namin, actually hindi naman kami nag-klase, sabay kami ni Kylie na lumabas sa room.

"Ano na'ng balak mo pagkatapos ng graduation?" tanong ko sa kaniya.

"Edi time for myself! College was stressful. Nakaka-sira ng utak yung course natin. Kaya mag-babakasyon muna ako bago ako mag-trabaho. How about you?" she asked back.

"Hmm, susubukan ko na agad mag-hanap ng trabaho ngayon palang." sagot ko.

"I would recommend you to my Mom. Tutal masipag ka naman at matalino. Siguradong tatanggapin ka niya." aniya.

"Thanks for that."

"No prob. I wanted to graduate badly. Kaya ko lang naman tinake yung course na 'to para sa family business namin. If not, I would definitely became a nurse." she said.

"Edi mag-aral ka ulit."

"Ugh, are you nuts? No way." tanggi niya.

Mahina nalang akong natawa dahil sa sinabi niya. She really hates studying but she's still going to graduate with high grades. Sana all.

"By the way, I'm proud of you. Ang galing mo na mag-english ngayon." she said.

"I learned from the best teacher." sagot ko naman.

"I know right." she even flipped her hair.

Nang makarating na kami sa parking ay huminto na kami sa pag-lalakad. May sarili na siyang kotse at umuuwi na siya mag-isa. Tinuruan naman ako ni LG na mag-maneho at kinuhanan niya din ako ng driver's license. Pero susunduin niya daw ako ngayon.

"So, see you at the graduation?" aniya.

I smiled. "See you."

Kinawayan ko siya bago siya tuluyang sumakay sa kotse niya at nag-drive paalis. Ako naman ngayon ang pupunta sa kotse ni LG na kanina pa siguro nag-hihintay sa akin.

I can't wait 'till the graduation day comes.

...

"Punta lang ako sa mall ah? Kasama ko si Kylie." paalam ko kay LG.

Bigla kasing nag-aya si Kylie. Sabi niya exchange gift daw kami. Edi pumayag nalang ako. Mukang masaya din naman kasi 'yon eh.

"Ihahatid na kita." aniya.

"Hindi na. Mag-papasundo nalang ako sa kaniya sa kanto. May kotse naman siya eh." sagot ko.

"Are you sure?"

I nodded. "Hindi rin naman ako mag-tatagal. Uuwi agad ako, promise."

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon