CHAPTER 9: Library

761 27 30
                                    

Chapter 9: Library

"Notebooks, check."

"Pad papers, check."

"Bond papers? Maraming ganiyan sa mansyon."

"Ballpens, check."

"Ano pa bang kulang?"

Nakamot ko nalang ang batok ko dahil sa mga pinag-kukukuha ni LG. Napaka-dami niyang kinukuha! Muka ba akong elementary?

"There!" turo niya sa mga lagayan ng mga bag. "Wala ka pang bag." aniya tsaka niya itinulak ang cart papunta doon.

"Pumili ka na ng gusto mo." sambit niya.

Tinignan ko ang bawat bag na nandito. Iba't ibang klase ang mga bag na nandito. May mga pang-bata at may mga simpleng bag din na nakikita kong ginagamit ng mga high school at college students.

"How about this? This bag is freaking cool Lex! Look at this!"

Natawa nalang ako nang lingunin ko siya. Hawak niya ang isang malaking bag na may apat na gulong sa ibaba. Itinutulak tulak niya iyon at manghang mangha ang itsura niya. Barbie pa ang design no'n. Sa sobrang laki ay pwede na siguro iyong gawing maleta pag pupunta sa ibang bansa.

"Siraulo ka ba? Pang-bata 'yan eh." sabi ko sa kaniya.

"Eh? This is cool. May gulong sa baba. Hindi ka mahihirapang buhatin kasi itutulak o hahatakin mo nalang." wika niya. Inupuan pa niya ang ibabaw no'n tsaka niya itinulak ang sarili niya. "Wow. You can even have a ride." malawak pa ang ngiti niya habang naka-sakay doon.

Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil may ilang tao dito na tumitingin sa amin. Gusto ko nalang siyang itanggi.

"Eh hindi nga pwede sa akin 'yan LG. Pang elementary lang 'yan. Kaya malaki yung bag nila, kasi marami din silang libro at notebooks na dala. Eh konti lang naman yung kailangan kong dalin sa school kaya hindi ko kailangan ng malaking bag." paliwanag ko. "Tumayo ka nga diyan! Baka masira mo oh, mahal 'yan." pag-babawal ko sa kaniya.

Tumango tango nalang siya tsaka siya tumayo doon. "Okay. Sayang naman. Ang cool pa naman nung bag." muka pa siyang nanghihinayang. Ibinalik na niya iyon sa dating pwesto pero hawak parin niya ang hawakan. Maya maya ay hinatak niya ulit iyon.

"Bilin ko kaya 'to?" tanong niya sa akin.

Hindi ko na napigilang matawa. Napaka-ignorante niyang tignan.

"Sira ka ba? Pang-bata nga lang 'yan. Tsaka tignan mo oh, barbie pa yung design." umiling iling nalang ako.

"Ano naman? It's cute. The barbie dolls are pretty." aniya habang naka-tingin sa design ng bag.

"Pang-babae lang 'yan LG."

Nag-salubong ang kilay niya nang lingunin niya ako. "Who told you?" tanong niya.

"Kasi Barbie yung design, kaya pang-babae 'yan. Ayun yung pang-lalaki, yung Bat man ang design." turo ko sa ganoong bag na Bat man naman ang design.

"Bakit naman pang-babae lang ang Barbie na design? Being a boy doesn't mean that you can't have a bag that has a Barbie in it." sagot niya.

"Hindi kasi normal sa paningin. Pag kasi yung lalaki ay may gamit na pang-babae, iisipin agad ng iba na bading o bakla yung tao. Ganon din naman sa babae. Pag nakita ng iba na may gamit yung babae na pang-lalaki, iisipin nila tomboy yung babae." paliwanag ko.

Mas lalong nag-salubong ang kilay niya. "That's not fair."

Eh? Hindi ko na talaga maintindihan si LG minsan.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now