CHAPTER 3: Insist

719 27 2
                                    

Chapter 3: Insist

It's already night time. I was about to go upstairs to rest when I heard a paper on my desk.

Gabi na. Dapat ay wala nang hiling na dadating ngayon dahil gusto ko nang mag-pahinga. Nakapatay at nakasinop na din ang mga gamit sa desk ko.

Bumuga ako ng hangin bago ako mag-lakad papunta doon. Kumunot agad ang noo ko nang makita ang pulang tinta sa papel.

Sana mawala nalang ako.

It's a death wish. Lahat ng hiling na nakakasama sa taong humiling ay nakasulat sa pulang tinta. Kaya pala dumating parin ito kahit na nakapatay na ang mga gadgets ko.

Agad akong naupo sa swivel chair tsaka ko binuksan ang information screen. Para lang iyong nakalutang sa hangin. Ang mga salita at impormasyon na makikita dito ay parang isang hologram lang.

Ipinatong ko ang papel sa information screen tsaka ko agad na isinearch kung sino ang taong humiling nito.

Ilang segundo lang ang lumipas nang lumabas sa monitor ang impormasyon tungkol sa mortal na humiling. Kung ano ang itsura niya, pangalan niya, edad at kung ano ano pa. Pati na rin kung nasaan siya ngayon.

Alexia. Iyon pala ang pangalan niya.

Bakit naman niya hihilinging mawala nalang siya? Parang nung nandito siya napaka-saya lang niya tignan. Hindi halata sa itsura niya na may problema siya. Well, lahat naman ng tao may problema. Hindi ko lang inaasahang hihilingin niyang mawala siya. Sigurado naman akong may dahilan kung bakit niya nasabi 'yon.

Siguradong tuwang tuwa nanaman ang mga Schadenfreude ngayong may taong napanghihinaan ng loob.

Kung ang trabaho ko ay tumupad ng mga hiling para mapasaya ang mga mortal, kabaliktaran naman no'n ang gawain ng mga Schadenfreude. Gustong gusto nilang nasasaktan, nanghihina at nawawalan ng pag-asa ang mga mortal. Kinamumuhian namin sila, at kinamumuhian din nila kami.

Hindi pwedeng mawalan nalang ng pag-asa ang batang 'yon. Masayang mabuhay at maraming dahilan para mabuhay. Naniniwala akong kaya niyang lagpasan kung ano man ang pinag-dadaanan niya.

Dahil tutulungan ko siya.

Dahil iyon ang trabaho ko.

...

Nagising ang diwa ko dahil sa sunod sunod na malakas na sigaw. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dito sa loob ng storage room. Nakasandal parin ako sa pader habang naka-patong ang ulo ko sa tuhod ko. Ganon ang ayos ko habang natutulog.

"Alexia! Lintik kang bata ka! Asaan ka!"

Sa di kalayuan ay naririnig ko ang pag-sigaw ni Ate Bernadeth.

Maya maya pa ay narinig ko na ang pag-bukas ng pituan ng storage room. Bumungad sa akin ang galit na galit na muka ni Ate.

Agad niyang hinablot ang buhok ko tsaka niya ako hinatak palabas doon.

"Ikaw! Anong sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Nag-kukulong ka diyan para maiwasan ang trabaho mo sa ampunan! Napaka tamad mo!" sigaw niya.

"Aray! Ate tama na po. Hindi po ako nag-kukulong! Aray!" daing ko.

"Anong hindi?! At sinong tanga ang matutulog sa loob ng storage room ha?!" bawat salita niya ay may kasunod na sabunot sa buhok ko.

"Eh hindi ko naman po ginustong matulog doon. Ikinulong lang po nila ako-"

"Ayan nanaman, mag-dadahilan ka nanaman. Ano bang gusto mong sabihin ha? Na masama ang ugali ng mga bata dito? Eh ikaw na nga lang yung nakikitira dito may gana ka pang gumawa ng kwento kwento sa mga tunay na naka-tira dito! Wala kang utang na loob! Humingi ka ng tawad sa kanila!"

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now