CHAPTER 28: Suspicious

832 28 10
                                    

Filler chap, short lang.

Chapter 28: Suspicious

The weekend was done and it's time to go back to work. It's time to be stressed, to be tired, and to be busy again.

"Bye bye! Alis na ako."

Niyakap ko si LG at pagkatapos ay si Stell naman.

"Ingat ka." ani LG.

"Ingat din kayo dito."

"Ingat." sabi naman ni Stell.

Nginitian ko siya tsaka ako tumango.

Dumiretso na ako sa labas ng mansyon at sumakay sa kotse. Nag-drive nalang ako papunta sa trabaho.

Biglang pumasok sa isip ko yung tungkol kay Dan. Sasabihin ko ba kala LG yung tungkol sa kaniya? Pero pag sinabi ko sa kanila baka patigilin nila ako sa pag-tatrabaho. Anong gagawin ko?

Hay, hindi ko na nga muna sasabihin. Hahanap nalang ako ng tamang tiyempo para masabi ko sa kanila. Hindi pa naman sigurado kung parte nga ng schadenfreude si Dan eh. Mag-iingat nalang ako.

Pag-pasok ko sa opisina ay sinalubong agad ako ni Angel ng beso. Nasanay na ako sa kaniya dahil bessy na nga kami! Atleast may bessy parin ako dito kahit na napalayo na si Kylie. Babalik din naman 'yun eh.

"Hay, nakaka-stress! Ang dami nating work this month bessy. Tambak at sunod sunod! May mga reports at meeting pa tayo. Grabe, kulang na kulang ako sa tulog!" reklamo ni Angel.

"Oo nga eh. Nakaka-pagod, sobra. Hindi na rin ako makapag-pahinga sa bahay kasi hanggang doon trabaho parin. Minsan nalang ako nakakapag-pahinga ng maayos." sambit ko naman.

"True! Pero wow ah, blooming ka parin. Hindi ka mukang stressed." ani Angel.

"Ha? Hindi ah. Nakapag-ayos lang. Pero salamat." sagot ko naman.

"Asus, in love ka 'no? Mukang may inspirasyon ka sa pagiging blooming eh. Share ka naman!"

Mahina akong natawa. "Wala nga. Maayos lang yung tulog ko."

"Hmp! Ayaw pa-share ng secret." nag-flip hair pa siya kahit hindi naman mahaba ang buhok niya.

Natawa nalang ulit ako dahil sa kaniya. Bumalik nalang kami sa kaniya kaniya naming gawain. Ilang minuto pa ang dumaan nang opisyal nang mag-simula ang trabaho.

...

I am on the middle of working when my phone vibrated. I quickly grabbed it then looked at it.

Dan
Good day, Alexia. I have a topic to discuss about the company you are working and you're the only one that I can ask about it. I'm sorry, can we meet?

Napalunok nalang ako nang mabasa ko ang text niya. Ang sabi sa akin ni Clark, wag akong makikipag-kita kay Dan nang walang kasama.

Dan
And please, can you come alone this time? I wanted to have much serious conversation.

Napa-titig nalang ako sa sumunod pa niyang text. Ako lang ang gusto niyang pumunta. Anong gagawin ko?

Eh kung tumanggi kaya ako? Pero baka mag-pull out sila ng investment sa kompanya. Pero totoo nga ba na nag-iinvest ang Daddy niya sa kompanyang 'to?

Good day din Dan. I'll update you later if I can meet with you today. I'm just kind of busy this days but I'll check my schedule and update you asap. Sorry.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now