CHAPTER 40: Sleep

850 24 20
                                    

Chapter 40: Sleep

Ilang araw na din simula nung magising ako. Kakaunti parin ang nalalaman ko tungkol sa kanila. May bago na din akong nakilala, si Clark. Nag-kita na kasi kami nung nakaraang araw. Ang sabi niya sa akin, kaklase ko daw siya nung college ako.

At hindi ako makapaniwalang nag-college ako. Wala naman kasing pera para makapag-aral. Pero sabi sakin ni Stell, may mabuting puso daw na nag-paaral sakin. Pero hindi ko din siya maalala.

Kung sino man siya, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng panibagong buhay. Tinupad niya ang isa sa mga pangarap ko. Malamang sobrang thankful ako sa taong 'yon.

Ang nakakapag-taka lang, bakit hindi namin siya kasama?

Nakakapag-lakad lakad na ako. Nakaka-baba na din ako sa kusina para doon nalang ako kumain. Hindi naman na masyadong masakit yung sugat ko. Tsaka hindi naman iyon ganon kalalim.

For the past days, tinutulungan parin ako ni Stell na linisin ang sarili ko. Nakakaligo na din ako dahil sarado naman na ang sugat ko. Pero may times na nahihirapan akong yumuko dahil kumikirot parin, kaya ayon, tinutulungan niya ako. Nasanay na din naman ako eh.

Pababa ako ngayon sa hagdan kasama si Stell. Tanghali na kasi at kailangan ko nang kumain.

Noong una kong nakita ang labas ng kwarto ko, manghang mangha ako. Napaka-laki ng bahay na 'to! Actually, mansyon na nga ang tawag dito eh.

Nang makarating na kami sa baba ay nasalubong namin si Vanessa.

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ni Stell.

Nang tanungin niya iyon ay sari saring pagkain ang pumasok sa isip ko. Sa sobrang dami no'n ay hindi na ako makapili kung anong sasabihin ko.

"Uhm, kahit ano." sagot ko nalang.

"Alexia."

Napalingon ako kay Vanessa dahil sa sobrang seryoso ng boses niya.

"Wag mong pigilan ang cravings mo. Anong gusto mong kainin?" tanong niya.

Sabi niyo eh. "Ah, sige. Gusto ko ng tinapay na may palaman na strawberry jam at nutella. Tapos fries sa mcdo. Tapos carrots. Tapos peanut butter, hmm, tsaka yung ice cream na pistachio flavor. Tsaka triple chocolate cake!" sunod sunod at naka-ngiti kong sabi.

Unti unting nawala ang ngiti ko nang mapansing naka-tingin sila sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Baka may idadagdag ka pa?" tanong ni Stell.

Medyo nahiya naman ako. Ang dami na pala ng sinabi ko. Actually kaunti pa 'yon sa sobrang dami ng pagkain na gusto kong tikman.

Umiling ako. "W-Wala na." nahihiya kong sagot.

"Don't worry about it, just tell us what you want to eat. Kami na ang bahala. May gusto ka pa bang idagdag?" sabi naman ni Vanessa.

"Wala na, marami na 'yon eh." sagot ko.

"Don't resist your cravings Alexia." seryoso niyang sabi.

Sige, pinipilit niyo ako eh. "Gusto ko ng pizza na maraming cheese. Tapos apple na kulay red." dagdga ko pa.

"Ano pa?" tanong ni Vanessa na ngayon ay nag-tatype na sa cellphone niya.

"Uhm, wala na." sagot ko.

Nilingon niya ako. "Sigurado ka?"

Tumango ako. "Sa susunod nalang yung iba."

"Okay. Ipapabili ko nalang kay Clark. He'll be here in 30 minutes." ani Vanessa.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Where stories live. Discover now