CHAPTER 37: Apology

828 26 25
                                    

Chapter 37: Apology

Ilang oras matapos ang naging sagutan namin ni Stell, pumasok sa kwarto ko si Angel. He said that I can go home now. Nabayaran na din daw ni Stell ang bill ko.

"Salamat Angel ah. The best ka talaga." sambit ko tsaka ko siya nginitian.

"Wala 'yon. Ano ka ba, bessy tayo eh. Basta pag may kailangan ka tawagan mo lang agad ako ha? Kahit anong oras pa 'yan. Kahit na alas dose ng gabi o madaling araw, wag kang mag-dadalawang isip na tawagan ako." aniya.

Tumango ako. "Salamat ulit."

Naalis na kanina ng nurse ang IV fluid na naka-kabit sa akin. Kanina ko pa hindi nakikita si Stell mula nung lumabas siya sa kwarto ko. Mabuti na din 'yon dahil nasasaktan talaga ako tuwing nakikita ko siya.

"Uhm, bessy. Pwede bang mag-tanong?"

"Ano 'yon?"

"Yung nasa labas, siya yung Stell diba?"

I nodded.

"Siya ba yung... y-yung pader ng baby mo?" alinlangan niyang tanong.

Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko. Dahan dahan din akong yumuko dahil naalala ko nanaman ang pangyayari kanina.

"Ah, sorry ah. Sige, ayos lang. Wag mo nang sagutin. Napaka-chismosa ko talaga." alinlangan din siyang tumawa.

Nginitian ko ulit siya. "Ayos lang, bessy naman tayo."

He smiled because of that.

I nodded. "Oo, siya nga yung Papa ng baby ko." there's a hint of pain in my voice.

"Sabi ko na nga ba eh. Feeling ko ang gwapo niya kahit na naka-suot pa siya ng face mask. Tsaka ang ganda ng mata bessy, nakakatunaw yung tingin! Tsaka ang seryoso niya ha, parang bad boy type." napa-hinto siya sa pag-sasalita nang kingunin niya ako. Naka-tingin lang naman ako sa kaniya at bahagyang naka-ngiti.

He smiled awkwardly. "Hehe, sorry. Ang daldal ko nanaman."

Mahina nalang akong natawa. "Ayos lang. Nakakatuwa ka nga eh."

"Ows? Baka naman pinag-lilihian mo na ako kaya ka natutuwa sakin." naka-taas pa ang kilay niya.

Parehas kaming mahinang natawa. Natahimik lang kami nang marinig namin ang pag-bukas ng pinto. Parehas pa kaming lumingon doon.

"Uuwi na ata kayo bessy." mahinang sabi ni Angel. "Halika, sasamahan ko na kayo papunta sa parking."

Tumango nalang ako tsaka ako tumayo at inayos ang sarili ko. Angel insisted to carry my things. Hindi na ako nag-pumilit para hindi na humaba ang usapan.

Habang nag-lalakad kami ay walang nag-sasalita sa amin. Nararamdaman ko naman na gustong mag-salita ni Angel pero pinipigilan lang niya dahil siguro nahihiya siya kay Stell.

Hindi rin nag-tagal ay nakarating na kami sa parking. Huminto kami sa harap ng isang napaka-pamilyar na kotse sa akin. Ang kotse ni LG.

"Bessy, yung mga bilin ko sa'yo na bilin din ng doktor ah? Lagi mong alalahanin. Wag kang mag-papagod at wag mong stressin ang sarili mo. Mag-pahinga ka nalang muna. Wag ka munang pumasok bukas, ako na'ng bahala sa leave mo." ani Angel.

I nodded. "Thank you so much Angel. Ang dami mo nang naitulong sa akin." nilapitan ko siya tsaka namin niyakap ang isa't isa.

Malawak ang ngiti ko nang bumitaw kami sa yakap.

"Sige na, umuwi na kayo. Kain ka ng healthy foods ah. Wag puro prito." bilin pa niya.

"Yes ma'am." wika ko.

Under The Mask • SB19 Stell [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon