SIMULA

7.9K 96 5
                                    

Simula

BRRRING brrrringg!

Pagkarinig ni Kelly ng tunog na iyon ay agad niyang binalingan at pinatay.

Halos pikit mata niya kung tingnan ang oras. Sobrang aga pa kasi. Ala singko pa lang ng umaga, pero wala naman siyang choice kung hindi bumangon na dahil may naghihintay pang trabaho sa kanya.

Bumangon siya at sinimulang inayos ang kanyang hinigaan. Nang matapos niyang iligpit ang mga iyon ay nagtungo na siyang banyo para gawin ang kanyang mga nakaugaliang gawain tuwing umaga.

Bumaba na siya kaagad, nang matapos siyang mag-ayos ng itsura.

"Good morning po, mama." Bati niya sa hindi kalayuan. Lumapit siya sa ina at hinagkan iyon sa pisngi.

"Morning," Tugon ni Mrs. Tolentino. Hindi man lang siya binalingan nang tingin. Ito ay abala sa paghahanda ng kanilang umagahan. "Umupo ka na riyan, para makakain ka na." Utos ni Mrs. Tolentino. Mabilis niyang sinunod ang utos ng ina, nagtungo ito sa kanyang pwesto para makapag-agahan na.

Ilang minuto nang matapos siya, tsaka naman pumasok sa kusina ang kanyang ama. Tumayo siya at nakangiting lumapit kay Mr. Tolentino. "Good morning, papa." Niyakap niya ang baywang ni Mr. Tolentino, at tulad ng ginawa sa ina hinagkan niya rin ito sa pisngi.

Kung tutuusin, mas malapit siya sa kanyang ama. Hindi naman istrikta ang kanyang ina, sadyang may pagka-masungit lamang ito.

Nakangiting ginawaran ng ama ang yakap ng anak. Marahan niyang tinapik ang likod niya. "Good morning din, anak." Malambing na tugon ng ama, at pinatakan pa siya ng magaan na halik sa noo bago ito kumalas sa yakap.

Nagpaalam siya sa magulang na aakyat muna ng kanyang kwarto, para makapag ayos ng sarili. Hindi naman siya nagtagal sa pag-aayos dahil ayaw nitong nahuhuli siya sa kanyang trabaho.

Pagkatapos niyang mag ayos, tinungo niyang muli ang unang palapag ng kanilang bahay. Nagpaalam ito sa magulang na papasok na siyang trabaho. Nag prisinta pa si Mr. Tolentino na ihatid pa sana siya, ngunit tinanggihan na niya ito. Kahit naman malapit sila ni Mr. Tolentino, ayaw pa rin niyang maka-istorbo dahil kasalukuyan itong naga-agahan kasama ang kanyang ina.

Nag-iisa siyang anak, kaya ang buong atensyon ay sa kanya. Simula pagkabata niya hanggang sa nagsimula siyang mag-aral. Bantay siya ng kanyang ama, habang ang ina nito ay nagtatrabaho para sa kanila. Kaya noon pa man, ang kanyang ama ang taga hatid at sundo tuwing papasok siya ng paaralan. Hanggang nitong nag-uumpisa pa siya sa kanyang trabaho. Pero noong tumagal, napagdesisyunan niyang huwag ng abalahin pa ang ama. Kaya't madalas ay halos tanggihan niya ang alok nitong ihatid pa siya sa trabaho.

Simula kasi nang pinatigil niya ang ina sa pagtatrabaho dahil siya ang pumalit sa posisyon ni Mrs. Tolentino sa kanyang pinapasukan. Nanatili lamang sa bahay ang kanyang mga magulang. Kaya iniiwasan niyang abalahin pa ang ama dahil ayaw niyang maiwan na mag-isa ang ina sa kanilang bahay.

Pagkalabas niya ng kanilang gate. Tumingin ito sa may kanto, kung saan nakaparada ang mga pang pasaherong tricycle na tutungo ng bayan. Kumaway siya bilang senyales na sasakay ito, at para lumapit si Manong Driver sa kanya.

Hindi naman sa ayaw niyang maglakad, hindi rin siya tamad. Sadyang pag naglakad siya, malaki ang posibilidad na masasayang lang ang effort niyang maglakad, dahil panigurado na i-didiretso pa ni manong sa pinakadulo. Nangyari na iyon ng isang beses sa kanya, kaya ayaw niyang maulit pa.

"Manong, bayan po." Nakangiting sabi niya kay manong. Sumakay kaagad ito pagkahinto pa lang ng tricycle sa tapat niya.

Hindi nga siya nagkamali dahil tinungo pa ni manong sa pinakadulo. Naiintindihan naman niya ang ganoong sitwasyon, dahil sa mahal ang gasolina. Kaya naghahanap pa ito ng ibang sasakay. Hindi naman nabigo si manong dahil may sumakay na isang lalaki, sa likod nga lang ito umupo.

Hindi naman na bago iyon. Sa tagal niyang sumasakay, nasanay na rin siya. Hindi mo lang talaga magugustuhan ang ganoong sitwasyon, lalo na kapag huli ka na sa trabaho o kung may hinahabol kang oras.

Nang makaikot ang tricycle at nakatapat sa kanilang bahay. Hindi nakaiwas sa kanyang tingin ang pigura ng isang lalaki. Nagtaka naman ito dahil may lalaking nakatayo sa balcony na tapat ng mismong bahay nila. Sa pagkakaalam niya, wala namang lumipat diyan o bagong may ari ng bahay. Nakatalikod sa kanya ang lalaki, kaya hindi niya matukoy kung sino ito, hawak-hawak kasi nito ang kanyang telepono na mukhang abala sa kanyang kausap.

Paanong magkakaroon ng lalaki diyan, eh, ang pagkakaalam ko babae ang anak Ma'am Dela Fuente?

Hindi niya maiwasang tanungin ang kanyang sarili. Tila gumulo ang kanyang isipan dahil doon.

Hindi niya maalis ang kanyang tingin, tanaw niyang nakakunot ang noo ng lalaki. Tipong nakadungaw na siya sa labas ng tricycle kahit ito ay dahan dahan na umaandar. Hindi niya maikakaila sa sarili kung gaano pinagpala ang lalaking natatanaw niya ngayon. Kahit medyo malayo, kita niya ang nagmamayabang na itsura ng lalaki. Isang tipo ng lalaki na pwedeng ihelera sa mga nag-gagwapuhang mga artista.

"A-Aw! Shit! Ang sakit." Daing ni Kelly. Hindi naman kasi niya inaasahan na biglang magpi-preno si manong. Muntik na siyang mahulog, mabuti na lang at nakahanap siya kaagad ng makakapitan. Kung hindi, ay alam niyang hindi sa opisina ang patutunguhan niya kung hindi sa hospital.

Napatingin naman siyang muli sa lalaki, na hindi niya inaasahang nakatingin na rin pala sa kanya.

Mabilis niyang inayos ang kanyang pagkakaupo nang makaramdaman siya ng kaunting hiya.

Paano na lang kung kanina pa pala ito nakatingin sa kanya? Pero hindi man lang niya namalayan, dahil siya ay tutok na tutok?

Araw mo yata ngayon, Kelly ha? Nauntog na nga, muntik pang mahulog. Mukhang nakita pa ng lalaki, kulang na lang tumulo ang laway mo!

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now