KABANATA 20

1.3K 15 0
                                    

Kabanata 20

DUMATING ang isang araw na pinakahihintay ni Mr. Dela Fuente, sapat na ang mga nakita at natuklasan niya para pakawalan ang titulo niya bilang isang CEO ng sarili niyang kompanya.

Dela Fuente Corporation.

Dugo at pawis ang naging puhunan ni Mr. Dela Fuente. Kaya kahit sa sarili niyang anak, hirap niyang pakawalan iyon. Hindi siya kailanman duda sa kakayahan ng nag-iisa niyang anak na si Adam. Sadyang ang pag-uugali lamang nitong hindi mo makikita ang interest, dahil ibang bagay ang kanyang inaatupag at pinaglalaanan ng pansin, noon.

Ngunit sa ideya na gusto niyang matauhan si Adam. Gusto niya itong matuto, gusto niyang makita ng anak ang hirap ng buhay. Kaya pinagbigyan ni Mr. Dela si Adam sa kahilingan na magbakasyon muna ng dalawang buwan, at pagkatapos noon ay tsaka niya tatanggapin ang kompanya na dapat ay matagal ng nakapangalan sa kanya. Ngunit kabaliktaran sa kagustuhan ni Adam. Ang kanyang kagustuhan ay sa ibang bansa, pero sa probinsya siya ipinatapon ng kanyang ama.

Walang nagawa si Adam, kahit din sa ideya na gusto siyang ipakasal. Pero sadyang sang-ayon ang tadhana kay Adam dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Nakatagpo siya ng isang dalaga, na kailanman hindi niya nakita ang sarili na gugustuhin at ipagpipilitan ang sarili sa buhay nito. Iyon ang unang beses na ginawa ni Adam ang bagay na iyon.

*Flashback*

"You can ask me questions. I know you have a lot on your mind." Sabi ni Adam, pagkatapos nilang mag picture. Nakayakap siya kay Kelly, habang nakapatong ang kanyang baba sa leeg nito.

"Hmm... pinagtataka ko kung paano kayo nagkabati ni papa?"

"The day you went there, he talked to me. Actually, he apologized for everything that he said to me." Paliwanag ni Adam. "At first, I was really shocked. Like, what made them change their mind? And then he told me, ''Noreen went to your house... and talked to your parents."

Hindi na nagulat si Kelly na humingi ng tawad ang kanyang ama. Ganoon kasi talaga si Mr. Tolentino, kapag nakatanggap ng paliwanag. Kung ano ang ikinatigas ng kanyang puso, lalambot kapag narinig nito ang paliwanag ng isang tao. Isang bagay na nagpabago ng kanyang isipan ay ang pagpunta siguro ni Noreen sa kanila, ang pagpapaliwanag na ibinigay ni Noreen sa kanyang mga magulang.

Kaya rin ba ako pinuntahan ni Noreen sa opisina?

"Galing din siya roon... si Noreen."

"She did something to you?" Nag-aalala ang tinig ni Adam. Maagap naman na umiling si Kelly, baka iba pa ang isipin ni Adam. "She apologized, and she even convinced me..."

"That?" Tila nauubusan ng pasensya na bigkas ni Adam.

"You love me..."

"I do..." Buong loob na sambit ni Adam. "But, you know, I still don't have any reason why she changed her mind that fast. Well, I know she's being desperate... and she's been following me for so long. I still don't get it, but it's not important anyway. What matters most is that we're good now."

"I agree, baby..."

Tila laging nagugulat si Adam kapag narinig niya na sinasambit ni Kelly ang salitang iyon. Isang musika sa kanyang pandinig, na kailanman hindi siya magsasawang pakinggan. Kahit paulit-ulit pa na sabihin sa kanya.

"Can you say it again?" Malambing na bulong ni Adam.

Buong puso na pinagbigyan ni Kelly ang kahilingan ng kanyang nobyo. "Baby..."

Hindi napigilan na hagkan ni Adam sa pisngi ang kanyang nobya.

*End of flashback*

"Is everything ready?" Seryosong tanong ni Mr. Dela Fuente.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon