KABANATA 55

1K 16 0
                                    

Kabanata 55

"ARE you really sure about this?"

Hindi mabilang ni Adam kung pang ilang tanong na niya iyon kay Kelly. Kahit pa man ilang beses na niyang narinig ang sagot mula kay Kelly, talagang hindi pa rin siya mapakali. Hindi pa rin mapanatag ang kanyang kalooban lalo na't usapin iyon tungkol kay Kelly.

Ilang buwan na kasi ang nakalipas, ang totoo niyan pinalipas talaga nila. Noong araw kasi na pagkatapos nilang makausap ang magulang ni Alex, sa bahay pa rin naman ng kanyang Tita Johan niya dinala si Kelly at ang kanilang anak.

Gustuhin man niyang dalhin silang dalawa sa Manila, hindi niya sinamantala ang pagkakataon dahil alam niyang may kailangan pang ayusin si Kelly sa Pangasinan.

Iyon ay ang tungkol sa kanyang magulang.

Nagising na lang kasi si Adam na gusto na raw makausap ni Kelly ang kanyang magulang. Kaya niya sinisigurado.

"Oo nga!" Iritado na sagot ni Kelly, kanina pa kasi talaga paulit ulit si Adam. Parang sirang plaka na ito. Kaya hindi na rin maitago ni Kelly ang kanyang inis. "Isa pang ulit talaga, ewan ko na lang."

Napanguso naman si Adam. "I'm sorry, I was just worried."

Napa buntong hininga si Kelly. "Naiintindihan ko naman, pero kasi matagal na rin simula noong nakauwi tayo rito. Ilang taon ko rin silang tinaguan, siguro ito na iyong tamang pagkakataon para harapin ko sila." Lakas loob na paliwanag ni Kelly.

Noong sinabi kasi ng magulang ni Alex iyong nagpupunta ang kanyang magulang doon, hindi iyon agad nawala sa kanyang isipan. Ilang araw, linggo o masasabi niya na buwan din na ginulo siya ng balita na iyon.

Dumating din naman sa punto ng buhay niya na pinag isipan niya ang bagay na ito, at masasabi niyang dumating na ang araw para roon.

Tipid na ngumiti si Adam. Ang marinig niya ang pagkompirma ni Kelly, sapat na iyon sa kanya. "I'll just check on our son," Paalam ni Adam.

"P-Pwede ako na lang muna?" Sambit ni Kelly, dahilan para matigilan si Adam.

Nag aalala ang ekspresyon ni Adam. "You mean, you want to go alone?" Paglilinaw niya.

Tumango si Kelly. "Oo, kakabila lang naman ako." Dahilan niya. "Tatawagan na lang kita kapag maayos na, tsaka mo dalhin si Riri."

Napa buntong hininga si Adam, iyon bang wala siyang pagpipilian kung hindi ang pumayag na lang. "Sure, baby." Tila napipilitan niyang sabi. Lumapit pa siya at hinagkan sa noo nito bago niya hinayaan na makalabas ng bahay.

NANG makalabas sa bahay si Kelly, tinawid na agad niya ang kalsada para makalapit sa bahay nila. Tapat lang naman iyon ng bahay nila Tita ni Adam.

Ilang beses siyang napalunok, bago niya nagawa na pindutin ang doorbell. Ilang minuto siya naghintay, bago may lumabas doon sa pintuan. Iniluwa noon ang kanyang Ama, hindi pa agad siya nakita ni Mr. Tolentino dahil nakatingin pa iyon sa baba habang nagsusuot ng kanyang tsinelas.

"Ano iy--." Hindi nagawang maituloy pa ni Mr. Tolentino ang kanyang sasabihin, dahil natigilan siya nang mag angat siya ng tingin. Doon niya malinaw na nakita kung sino ang nag doorbell, ang kanyang anak na matagal niyang hindi nakita.

"A-Anak," Halos hirap na sambit ni Mr. Tolentino, dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Kelly.

Hindi agad nakapagsalita si Kelly, unti unting nanlalabo ang kanyang mata dahil sa nagbabadyang luha niya. Habang papalapit ang kanyang Papa, doon niya malinaw na nakita na pumuti na ang buhok ng kanyang Papa. Litaw na rin ang katandaan sa kanyang mukha.

"P-Papa," Saad niya nang makalapit na ang kanyang Ama. Tanging gate na lang ang humaharang sa kanilang dalawa. "N-Nandito po ako para makausap kayo." Dugtong niya, doon niya hindi na napigilan pa ang sarili at tumulo na ng tuluyan ang kanyang luha.

Maagap naman siya na pinagbuksan ni Mr. Tolentino. Nagdadalawang isip pa siya kung papasok ba siya, dahil natatakot siyang baka hindi pa siya napapatawad ng kanyang Ama o baka hindi pa siya kayang kausapin ng magulang.

Natigilan si Kelly nang hilain siya ng kanyang Papa sa bisig nito. Nang makabawi siya, mas napa hagulgol siya sa bisig ni Mr. Tolentino at ginantihan din niya iyon ng yakap.

"P-Papa..." Hirap niyang sambit. "S-Sorry po, Papa. S-Sana po mapatawad niyo na ako, sana hindi ka na galit sa akin Papa."

Naramdaman niyang marahan na hinahaplos ni Mr. Tolentino ang kanyang likod. Umiling iling ang kanyang Ama, kahit hindi siya sigurado kong nakikita ba iyon ni Kelly. "A-Ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo, anak. B-Binigo kita..."

Nang mag angat nang tingin si Kelly, litaw ang namumula niyang mata at nakanguso niyang labi. "P-Papa, ako po iyon, eh. H-Hindi naman po kayo magagalit sa akin kung wala akong ginawa na hindi niyo ikakagalit."

"A-Alam mo anak, kung mayroon man akong napagtanto habang wala ka sa piling namin... Iyong sana bilang magulang, ako ang unang nakakaintindi sa iyo. Ako ang unang tinakbuhan mo, bago ibang tao. N-Noong panahon na iyon, sobra ang naging pagsisisi ko dahil nakakatakot pala na baka hindi ka na bumalik dahil pinagtabuyan kita." Hindi na napigilan pa ni Mr. Tolentino ang kanyang luha. "S-Sana naiintindihan mo kung saan galing iyong galit ko noong panahon na ipinagtabuyan kita. N-Nag iisa ka lang na anak namin, kaya sobra kung ingatan kita kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ko... h-hindi pa ako handa ng panahon na iyon, masyado pang maaga, anak..." Natatawa na suminghot si Mr. Tolentino. Pailing iling pa. "K-Kaso wala, eh. Iyong loko na iyon, dinale ka na... sinigurado ng hindi ka na makakawala pa."

Hindi napigilan na matawa ni Kelly, pero hindi rin nakaiwas sa kanya ang magtaka. Base kasi sa kwento ni Adam sa kanya, hindi sila magkaayos pa ni Mr. Tolentino. Kaya nagtataka siya, kasi parang ang layo naman noong sinabi ni Adam sa kung paano banggitin ng kanyang Ama ang tungkol kay Adam.

Akmang magtatanong pa sana si Kelly, kaso hindi na niya nagawa pa na maituloy dahil may narinig siyang nagsalita. Nakuha nito ang buong atensyon niya, dahil sa pamilyar ang boses.

"Kennedy!" Sigaw iyon mula sa loob ng bahay. "N-Nako ka talaga, halata ngang tumatanda ka na. Iniwan mo na naman na bukas ang pintuan!"

Nagkatinginan silang mag ama at hindi napigilan na matawa.

"Wala pa rin pong pinagbago si Mama," Natatawa na komento ni Kelly.

Napatango naman si Mr. Tolentino. "Anak, hindi si Mama mo 'yan. Kung hindi siya masungit." Tsaka humagalpak pa ng tawa.

"M-Mahal, saglit lang." Tila nagpipigil pa rin sa tawa si Mr. Tolentino nang isigaw niya iyon sa Asawa.

Binalingan muli ni Mr. Tolentino ang anak, at akmang aakayin na papasok nang makita na lumabas na si Mrs. Tolentino. Tulad kanina, kung paano iyong reaksyon ni Mr. Tolentino ganoon din ang ekspresyon ni Mrs. Tolentino. Iyong kanyang mata, puno ng pagsisisi, takot, pagmamahal... halo halo ang kanyang naging emosyon.

"K-Kelly, anak," Tila hirap na sambit ni Mrs. Tolentino. "I-Ikaw ba 'yan? N-Nakauwi ka na ba talaga?"

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now