KABANATA 46

953 16 0
                                    

Kabanata 46

NAUNA nang lumabas si Kelly nang sabihin na pwede na silang umuwi, sinadya niya talagang iwan si Alex dahil hindi talaga siya tinigilan nito kanina. Akala mo kung bumalik sa pagiging bata, kung makapang-asar sa kanya.

"Hindi mo sinagot iyong kanina, siguro may balak ka?"

Mariin na napapikit si Kelly sa narinig. Nauna na nga siyang lumabas para lubayan siya ni Alex pero nagawa pa rin siyang sundan nito. Buong akala talaga niya tapos na si Alex sa pang-aasar sa kanya. Hindi pa pala, nagawa pa niyang ipagpatuloy sa labas.

"Pwede ba?!" Nanggigigil niyang tugon. Inirapan pa niya si Alex nang harapin niya iyon, pero napahalakhalak lang naman si Alex. Mukhang tuwang tuwa sa pang-aasar sa kanya.

"Alam mo girl. Support naman kita, kung sakaling maging marupok ka na naman." Nang-aasar talaga ang tinig ni Alex, may patapik tapik pa siyang nalalaman sa braso ni Kelly.

Napahilamos naman sa mukha si Kelly. "Wala akong balak!" Hindi na niya napigilan at napasigaw na lamang. "Tsaka hindi ako marupok 'no!" Giit pa niya.

"Excuse me."

Natigil naman sa pag halakhak si Alex nang marinig niya ang boses na iyon. Halos manlaki pa ang kanyang mga mata. Kahit pa man nakatalikod pa si Kelly, kilalang kilala na niya kung kaninong boses iyon nanggaling.

Walang iba kung hindi ang kanyang Boss na si Adam.

Sa mga oras na iyon, ipi-nagdadasal niyang walang narinig si Adam sa kanilang pinag-uusapan. Nahihiya man siyang harapin iyon, pero naglakas loob pa rin siya.

Huminga siya ng malalim bago ito hinarap, nagawa pa niyang irapan si Alex na alam niyang nagpipigil ng tawa at nanunudyo ang tingin. "Sir?"

"Where are you heading?" Halos manuyo ang lalamunan ni Kelly sa narinig na sinabi ng kanyang Boss.

Bakit naman ganito kaaga?

Hindi niya maiwasan na kabahan. "B-Bakit po, sir?"

"I want to send you home." Hindi nagdalawang-isip naman na tugon ni Adam, animo'y siguradong sigurado.

Agad naman siyang umiling. "Ah, hindi na po, sir. Kaya ko na umuwi, tsaka kasama ko naman si Alex. Ayaw ko pang makaabala sa inyo." Ramdam na ramdam sa kanyang boses ang pagtanggi.

Bigla namang sumama ang mukha ni Adam, mukhang may hindi na naman nagustuhan sa kanyang sinabi. "You're not a disturbance to me!"

Tipid siyang ngumiti at umiling muli. "Hindi na talaga, sir." Muli niyang tanggi. "Sige po una na kami," Aligaga niyang paalam at bahagya pa siyang yumuko. Mabilis na niyang hinila si Alex na mukhang natutuwa pa sa kanilang pag-uusap.

Hindi na niya naisip pa ang sasabihin ni Adam, kasi alam niyang kapag hinayaan pa niya ito. Wala na siyang magiging kawala pa. Alam niyang kapag may sinabi pa si Adam, hindi na niya matatakasan pa iyon.

"GIRL, mag dahan-dahan ka naman. Para kang nakikipag habulan sa mga kabayo sa lagay na 'yan, eh!" Suway ni Alex. Kanina pa kasi niya sinusundan ni Kelly na sobrang bilis maglakad. Kabababa lang nila ng tricycle at kung maglakad parang nakikipag-unahan.

"Eh, baka kasi sinundan tayo." Saglit na hinarap iyon ni Kelly bago nagtuloy ulit sa paglalakad.

Mabilis naman na hinabol iyon ni Alex at pinigilan ito sa paglalakad. "Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan." Suway ni Alex. "Kung dumating man sa puntong iyon, wala ka nang magagawa pa."

Napairap naman si Kelly. "Wala kang naitulong, mas lalo lang akong kinabahan!" Sumbat pa niya kay Alex.

Natutuwa naman si Kelly na nandiyan si Alex kapag kailangan niya ng katulong sa mga iniisip niya, pero sadyang pagdating sa ganitong bagay mukha yatang ganoon na si Alex. Hindi pa rin talaga nagbabago.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now