KABANATA 57

1.5K 16 0
                                    

Kabanata 57

TINANGHALI nang gising si Kelly dahil sa nagkulitan pa ang mag ama kagabi, kaya hindi rin niya nagawa na makatulog agad. Hiniling din kasi ng kanyang magulang na roon sila matulog, kaya naman doon sila natulog sa dati niyang kwarto.

Nag ayos muna siya ng kanilang hinigaan, bago niya tinungo ang banyo para makapaghilamos. Nang magising kasi siya, wala na sa tabi niya ang anak at si Adam. Nadaanan niya ang orasan at doon niya malinaw na nakitang malapit nang mag-alauna ng hapon.

Pagkababa niya ng hagdan, nagtataka siya kasi walang tao. Kahit ang kanyang magulang ay wala sa sala. Kung noon kasi lagi niya silang nadadatnan sa may sala lamang dahil malabo naman na lumabas ang kanyang magulang ng ganoon na oras. Alam niyang sobrang init sa labas, kaya imposibleng tumambay sa labas ang kanyang magulang.

Tinungo niya ang kusina nila at nakita pa niyang may iniwan na pagkain ang kanyang magulang. Kahit man imposible na nasa likod ang kanyang magulang, tinungo pa rin niya roon nagbabakasakali na nandoon sila. Doon kasi nakatanim iyong mga halaman, at mga gulay na tanim ng kanyang Ina. Nandoon din ang ginawang maliit na kubo ng kanyang Ama, pero napakalinis ng paligid. Wala rin doon ang kanyang mga magulang, kahit ang kanyang anak at si Adam.

Doon pa lang hindi niya maiwasan na kabahan, pero naisip din niyang baka nasa kabilang bahay lang sila. Bumalik na siya sa loob at saktong pagpasok niya, doon niya narinig ang tunog ng isang telepono.

Maagap niyang dinaluhan iyon. Nang makita niya, nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya o hindi dahil mula ang tawag sa hindi kilalang numero. Kahit pa man nagdadalawang isip siya, parang may tumutulak pa rin sa kanya na sagutin iyon kaya naman sinagot pa rin niya.

"H-Hello," Tila kabado niyang sabi.

[Si Kelly ba 'to?] Bungad agad sa kabilang linya.

Nangunot ang kanyang noo, napalunok pa siya. "O-Oo, sino ka? At bakit mo ako kilala?" Boses kasi ng isang lalaki ang nagsalita, hindi iyon pamilyar sa kanya.

[Gusto mo pa bang makita ang magulang mo?]

Nagsitaasan ang balahibo ni Kelly sa narinig. Hindi rin maitatago ang panginginig ng kanyang katawan. "S-Sino ka?" Pag uulit niya, halos pabulong niya iyon nasabi. Natatakot na baka may makarinig sa kanya. "Anong ginawa mo sa magulang ko?! Nasaan sila!" Dugtong pa niya.

[Lumabas ka, may makikita kang van sa labas. Sumakay ka, dadalhin ka niyan sa mga magulang mo. Huwag ka nang magdalawang isip pa, kung ayaw mong maging huli ang lahat para sa iyo.]

Bago pa man makapagsalita muli si Kelly, pinatayan na agad siya sa kabilang linya. Halos panghihina ng kanyang katawan ang nararamdaman. Napatingin siya sa pintuan na sarado pa, kahit nanghihina ang kanyang katawan. Nagawa pa rin niyang maglakad papalapit doon.

Sinilip niya muna, at napatunayan niyang hindi nga nagbibiro ang lalaking tumawag sa kanya. May puting van nga sa labas ng kanilang bahay. Nagtatalo man ang kanyang isipan kung pupunta siya o hindi, pero nagawa pa rin niyang maglakad patungo sa labas ng kanilang bahay.

Nangingibabaw ang pag aalala niya para sa kanyang magulang.

Hindi pa man niya nabubuksan ang mismong pinto ng kanilang gate, may iniluwa na agad na lalaki mula sa loob ng sasakyan. Halos buong katawan nito ay itim dahil sa itim niyang suot, tanging puti lamang ang maskara na tumatakip sa kanyang mukha. Gustuhin man niyang sumigaw, pero kahit ibuka niya ang kanyang bibig hindi iyon sapat para marinig siya ng ibang tao.

Wala siyang nagawa pa nang buksan ng lalaki ang pinto, at hinila agad siya. Hindi na rin niya nagawa na magsalita pa o mag pumiglas pa dahil sa matulis na bagay na nakadikit sa kanyang tagiliran.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now