KABANATA 18

1.3K 15 0
                                    

Kabanata 18

"KAINAN na!" Sigaw ni Jaylyn. Kaya naman doon natigil si Kelly at Adam na nagyayakapan.

Sumama naman ang timpla ng mukha ni Adam. Hindi tuloy niya maiwasang tanungin ang sarili kung bakit ganoon ang kanyang pamilya? Laging naninira ng moment at moment pa lagi nilang dalawa ni Kelly ang sinisira.

Natatawa na lang si Kelly sa reaksyon ni Adam. Napapansin din niyang laging ganoon ang reaksyon nito.

"Pagbigyan na natin sila... baka gutom lang talaga." Natatawa pa ring sabi ni Kelly.

Napabuntong-hininga na lang si Adam. "If only it's not your birthday, and if she isn't my cousin. I don't know what I will do to her!"

"Hayaan mo na..." Pagbabalewala naman ni Kelly. Hinawakan niya ang kamay ni Adam. "Tara na." Pinasigla pa nito ang kanyang boses para kahit paano mawala ang inis ni Adam. Napangiti naman si Adam at tinungo nila ang lamesa kung nasaan ang pamilya ni Adam.

Nang makalapit silang dalawa. Kaagad na dinaluhan ni Mrs. Dela Fuente si Kelly at niyakap. "Happy birthday, hija..." Masayang bati ni Mrs. Dela Fuente. Ginantihan naman iyon ni Kelly. "Thank you, tita."

Hindi pa rin makapaniwala si Kelly na hindi man lang siya nakaramdam na may binabalak pala sila sa kanyang ganito. Isa ba iyong dahilan kaya sila pinrank? Kasi may pang bawi naman?

"Can I also have a hug, hija?" Agaw pansin naman ni Mr. Dela Fuente. Humiwalay naman si Kelly mula sa pagkakayakap sa ina ni Adam at pinuntahan si Mr. Dela Fuente na nakabuka na ang dalawang braso. Naghihintay na lamang na siya ay yakapin.

"Happy birthday, hija. Thank you for coming into my son's life." Bulong ni Mr. Dela Fuente sa kanya. "Thank you, tito... I am also thankful for accepting me for you son."

"Dad, that's enough!" Singit na naman ni Adam. Hindi nakaharap si Kelly sa kanya, kaya hindi niya makita ang reaksyon ni Adam. Si Mr. Dela Fuente naman kasi mukhang trip niya ang anak. Sinasadya nitong patagalin ang yakap.

"Why can't you wait for your turn?" Tanong ni Mr. Dela Fuente sa anak at humiwalay na sa yakap. Baka kung saan pa kasi mapunta. Marahan na hinila ni Adam si Kelly, at niyakap muli. Parang ang tagal nilang hindi nagkita sa kanyang lagay, pero kanina pa naman niya iyon kasama.

"She's mine! I don't need to wait for my turn!" Masungit na tugon ni Adam sa ama, nagkasalubong na naman ang kanyang kilay.

"O-Okay. I'm sorry, son..." Madamdaming sabi ni Mr. Dela Fuente. "I didn't know you were this possessive." Nailing pang dagdag ni Mr. Dela Fuente, halatang natutuwa sa nangyayari pero hindi rin makapaniwala na may ganitong side rin pala ang anak.

"You're annoying me, dad!" Akusa ni Adam sa ama, na dahilan para tawanan lang siya. Sobrang nagustuhan ni Mr. Dela Fuente ang reaksyon ni Adam, bago kasi iyon sa kanya.

"Of course not!" Umirap na lang si Adam sa kanyang ama, ikinahalakhak iyon ng mga nakakita. Kahit si Kelly, hindi niya maiwasan na matawa dahil sa nakitang reaksyon ni Adam.

"You're also laughing," Nakasimangot na puna ni Adam kay Kelly. "No one's on my side... I'm alone." Himig sa boses ni Adam ang pagtatampo, animoy isang bata na hindi napagbigyan sa kanyang kagustuhan.

Ilang beses na umiling si Kelly. Napakagat pa siya sa kanyang labi, halatang nagpipigil pa rin ng tawa. "Of course not, I'm on your side." Pagpapakalma niya kay Adam pero tila sinapian pa rin si Adam at padabog na umupo.

"You can laugh. I know you're trying hard to stop it!" Mas napanguso pa ito lalo.

Mabilis na dinaluhan iyon ni Kelly at umupo sa harapan ni Adam. Pinaharap niya ang mukha ni Adam sa kanya, magkasalubong ang kilay nito at nakanguso pa rin. Pinanindigan ang pagtatampo niya.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora