KABANATA 27

955 14 0
                                    

Kabanata 27

"MAGPAPAALAM po akong pupunta kaming dalawa ni Alex sa Manila."

Biglang napatayo si Mr. Tolentino. Sinong hindi magugulat? Sabihin ba naman iyon ni Kelly sa kanya. Ano ba ang tingin niya, na madali lang pumunta roon? "Manila? Anong tingin mo sa Manila, Kirsten? Kabilang barangay lang? Tsaka alam ba 'to ng nobyo mo?" Sunod-sunod iyon na tanong ni Mr. Tolentino, habol tuloy niya ang kanyang hininga. "Tubig nga, Alex!" Sigaw pa nito, si Alex kasi ang pinakamalapit sa kanya. Nataranta naman na pumunta si Alex sa banyo. Para kumuha ng tubig.

Hindi siya makapaniwala na tiningnan ni Mr. Tolentino, nang makabalik siya dala-dala ang timba na naglalaman ng tubig. "Mukha ba akong maliligo, Alex? Nanadya ka yata dahil sinamaan kita ng tingin kanina?" Sarkastiko na sabi ni Mr. Tolentino.

"H-Hindi po, uncle. Hindi ninyo po kasi nilinaw, eh." Nakangiwing tugon ni Alex, napakamot pa sa ulo.

"Iniinom Alex, hindi ko ipangliligo!" Pagdiin pa ni Mr. Tolentino sa salitang iniinom. Hindi nito maiwasang tapunan ng masamang tingin si Alex. Mukha ba niyang kailangan nang maligo? At timba na naglalaman ng tubig ang ibibigay sa kanya?

Taranta namang bumaba si Alex para makakuha ng inumin. Sapo ni Mr. Tolentino ang kanyang dibdib, mabigat ang kanyang hininga. Hindi nga sumasakit ang kanyang ulo, pero mukhang aatakihin siya dahil sa kanyang anak.

"Ito na po uncle..." Mabilis ang tibok ng puso ni Alex, tinakbo ba naman niya ang unang palapag hanggang sa kwarto ni Kelly.

"Salamat, ha!" Hindi pa rin nawawala ang sarkasmo sa himig ni Mr. Tolentino, pagkatapos niyang inumin iyon. Mukhang dinidibdib pa rin niya ang ideyang binigyan siya ng timba ng tubig, imbes na baso na may lamang tubig.

Naiilang lang na tumango si Alex kay Mr. Tolentino. Ikaw ba naman biglang tatawagin, hindi ka ba matataranta?

"Kelly anak, alam mo bang isa lang talaga ang ginawa namin ni mama mo... para hindi sumakit ang ulo ko. Pero mag-isa ka na nga lang, grabe na iyong sakit na binibigay mo." Hindi maiwasang sabihin ni Mr. Tolentino ang kanyang saloobin sa anak. Tinungo nito ang pinakamalapit na upuan, iginaya niya ang kanyang asawa.

"Ano ba kasi ang gagawin mo roon?" Nagtataka na tanong ni Mr. Tolentino. Kakauwi lang nila, tapos iyon ang bubungad sa kanilang mag asawa. Iyon ngang may kasama ang anak niyang lalaki sa kwarto nito, halos magimbal na ang kanilang mundo. May mas gugulat pa pala sa kanilang mag-asawa.

Sa mga ganitong bagay naman, hangga't kaya nilang payagan ang anak dahil alam nila na noong panahon na nag-aaral pa siya. Alam nilang may mga punto roon na ipinagkait sa kanya, dahil sa ideyang mag-isa lang siyang anak.

Hindi rin kasi masisisi ang mga magulang, kung bakit kailangan nilang higpitan ang kanilang mga anak. Lalo na sa pagpunta kung saan-saan, dahil ang iniisip lamang nila ay iyong kanyang kaligtasan.

Nanghihinang umupo si Kelly sa kanyang kama. Alam niyang mahihirapan na naman siyang ipaintindi sa kanyang magulang ang gagawin niya sa Manila. Panigurado na marami na naman silang katanungan, hindi naman iyon maiiwasan lagi lalo na sa ganitong sitwasyon. Noon pa man, hindi na bago iyon kay Kelly.

"Pupuntahan ko po si Adam." Mahina na sambit ni Kelly. Wala namang patutunguhan kung itatanggi pa niya ang totoong dahilan.

Nangunot ang noo ni Mr. Tolentino. Kahit ang katabi niyang asawa, ay puno ng pagtataka kung bakit kailangan na puntahan ng anak nila si Adam sa Manila. "Bakit kailangan mo siyang puntahan? Pumupunta naman siya rito..." Nagtataka na tanong ni Mr. Tolentino, at sinandal ang kanyang likod sa sofa.

Hindi agad nakasagot si Kelly, kasi iyon ang totoo. Kahit hindi man sabihin ng kanyang ama, nararamdaman niyang nagkakaroon ng pagkakataon na nag-uusap ang dalawa sa telepono. Iyon ang panahon na wala siyang ideya na darating pala si Adam. Tulad na lang nang hinatid siya ni Alex, iyong araw mismo na nalaman niyang buntis siya.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYМесто, где живут истории. Откройте их для себя