KABANATA 13

1.3K 19 0
                                    

Kabanata 13

"HELLO, tita." Kalmadong bungad ni Jaylyn. Pero sa loob-loob niya, kanina pa siya kinakabahan. Panigurado kasing hindi nila matawagan ang magaling nilang anak na si Adam. Kaya siya ang tinatawagan ni Mrs. Dela Fuente.

[Are you with Adam?]

Diretsong tanong ni Mrs. Dela Fuente sa kanya, hindi man lang nagpaligoy-ligoy pa. Napakamot tuloy siya sa kanyang ulo. Parang doon pa lang sa tanong na iyon, sumakit na agad ang ulo niya. Ayaw niyang magsinungaling kay Mrs. Dela Fuente, pero ayaw niya rin na malaman kung ano ang nangyari kay Adam.

Malakas siyang napabuntong hininga. "Uhm..."

[Please tell me, Jay. Where's my son?] Batid sa boses ni Mrs. Dela Fuente na seryoso siya, walang oras para magpaligoy-ligoy pa. Ayaw niyang nabibitin, gusto na makuha agad ang sagot.

Bahala na!

"He's sleeping, tita."

[It's already 10 in the morning... He's a morning person.] Totoo naman 'yon, dahil tuwing nagigising siya, lagi ng nasa hapag si Adam.

"Lasing po siya kagabi..." Pag-amin ni Jaylyn. Ang totoo hindi lang kagabi, dahil dalawang linggo ng umiinom si Adam. Hindi naman kasi nila kayang pigilan, kaya hinahayaan na lang nila.

Wala na siyang choice kung hindi sabihin ang totoo kay Mrs. Dela Fuente, dahil kapag hindi niya sinabi ang totoo panigurado na ang mommy naman niya ang tatawagan nito, para kulitin at makuha lang ang sagot sa mga tanong niya. Mas malilintikan siya kapag ganoon ang mangyayari.

[What?!]

Nailayo ni Jaylyn ang kanyang telepono sa tainga. Napakalakas naman kasi. "I'll be honest with you, tita. Dalawang linggo na po siyang nag-iinom. I don't know if he already mentioned to you... that he likes someone who lives here."

[Don't tell me, she's the reason?] Kahit hindi niya nakikita si Mrs. Dela Fuente, alam niyang nakakunot ang noo nito.

"Yes, tita..." Walang pagdadalawang-isip niyang tugon.

[How did it happen? He was very happy the last time he came here, telling something about that woman he likes.]

"Noreen went here, and Kelly found out that Noreen was her fiancé. That's actually the statement Noreen told us that night." Paliwanag ni Jaylyn. Saksi rin kasi siya na totoo ang sinasabi ni Mrs. Dela Fuente, dahil bago pa man mai-balita iyon ni Adam sa kanyang magulang. Nauna na silang nakasaksi noon. "Kaya siya pinatigil na manligaw. He can't even go near Kelly. Laging nakabantay ang papa niya."

[Oh God...] Mahihimigan sa boses ni Mrs. Dela Fuente ang pagkagulat. [I can't believe this is happening... Please tell him if he woke up. Call me, okay?]

"Sure, tita..."

[Thanks, Jay!] Doon lamang nakahinga ng maluwag si Jaylyn nang ibaba ni Mrs. Dela Fuente ang tawag.

KINAHAPUNAN kasama ni Kelly si Alex. Medyo late na rin kasi sila nakalabas dahil sweldo. Pagkalabas pa lang nila, napatigil si Alex. Kaya naman muntik na niyang mabunggo ang likod ni Kelly.

"Ano ba 'yan?" Reklamo ni Kelly. "Trip mo ba maging tren?"

Irap naman ang tinapon sa kanya ni Alex. Pinitik naman ni Kelly ang noo nito. Wala itong karapatan na irapan siya. "Aray ha!"

"Bakit kasi tumigil ka pa riyan?" Puna ni Kelly, naguguluhan pa rin.

"Nakakapanibago kasi..." Komento ni Alex.

Ang dami niyang napapansin!

Kumunot ang noo ni Kelly. "Alin?"

"Hindi ka sinundo." Nakangiwing sagot ni Alex.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now