KABANATA 7

1.7K 22 0
                                    

Kabanata 7

SUNOD-sunod na tunog ng telepono ang narinig ni Kelly. Ito ang bumungad sa kanya pagka-akyat niya ng kanyang kwarto. Pagka-uwi kasi nila ni Mr. Tolentino mula sa paghatid nila kay Alex, naghapunan agad siya kasama ang kanyang magulang.

Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit lamang siya ng plato at nagpaalam na aakyat na ng kwarto. Naiwan ang kanyang magulang na nanunuod pa ng kanilang sinusubaybayan na palabas sa telebisyon.

From: Alexandra

girl, isang thank you naman diyan.

Hindi iyon ni-reply ni Kelly.

From: Alexandra

magreply ka, kung ayaw mong totohanin ko.

Alexandra calling...

Inis na dinampot ni Kelly ang kanyang cellphone. "Bakit na naman?" Galit niyang bungad kay Alex. Ayaw sana niyang sagutin ang tawag ni Alex kaso kapag iyon ang kanyang ginawa, panigurado naman kasi na hindi siya titigilan.

[Ay, galit? Gustong manakit?] Mahihimigan sa boses ni Alex ang pang-aasar. Hindi na yata 'yon mawawala sa kanya.

"Oo. Gusto kitang saksakin ngayon!" Nanggigigil naman na tugon ni Kelly.

[Huwag naman. Papakasalan pa kita.] Pagbibiro pa ni Alex sa kabilang linya.

"Tigilan mo ako, Alexander, ha!" Hindi na napigilan ni Kelly ang sarili at napasigaw tuloy siya.

[Grabe naman 'to.] Mahihimigan sa boses ni Alex ang pagtatampo. [Sige na nga, bukas na lang. Pikon kana agad, eh. Good night!]

Buti naman at nakaramdam ka.

"Bye!" Sabay pindot niya ng end button.

Itatabi na sana ni Kelly ang kanyang telepono nang marinig niyang tumunog ulit 'yon.

Sino na naman kaya 'to?

From: Adam

You said you have something to do. But I guess it has something to do with that man.

Is he the reason? Why can't you say yes to me?

Did you allow him to court you?

Why is your phone busy?

I want to talk to you.

Who are you talking to, Kelly?

NILAPITAN kaagad ni Adam ang kanyang teleponong itinapon sa kama nang marinig niyang tumunog 'yon.

Ang mukha niyang hindi maipinta kanina ay napalitan ng ngiti sa labi.

My Kelly calling...

[Hello.] Mahinhin na boses ang bumungad sa kabilang linya.

"H-Hey." Sinubukan naman ni Adam na hindi pasiglain ang kanyang boses, tila ba nagtatampo.

[Naistorbo ba kita?] Nahihiyang tanong ni Kelly. Mukhang natunugan niya na wala sa mood si Adam.

"Nope." Nagawa pa na umiling ni Adam. "Why?" Walang emosyon niyang dugtong.

[Ayaw mo akong kausap?]

Tila na-alarma naman si Adam sa tanong na iyon ni Kelly. "I didn't say that." Agaran niyang tugon.

[Uhm... bukas na lang siguro. Pasensya na lang sa istorbo—.]

"Hey it's okay. You can tell me anything." Pagputol ni Adam sa posibleng sabihin pa ni Kelly. Malinaw kasi sa kanya ang pagtatampo sa boses nito.

[Parang wala ka namang gana.] Hindi maiwasang komento ni Kelly. Sa paraan kasi ng pakikipag-usap ni Adam sa kanya, halata na wala iyon sa mood.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now