KABANATA 45

991 14 0
                                    

Kabanata 45

HINDI matansta ni Kelly kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas simula noong makaalis si Alex na siyang inutusan ni Adam. Kanina pa siya nakaupo sa harapan ni Adam habang paminsan minsan niyang sinusulyapan, dahil hindi niya maintindihan kung anong dahilan na nasa loob siya ng opisina ni Adam pero wala naman siyang ginagawa o pinag-uutos sa kanya.

Kanina pa siya nakaupo lang, pinaglalaruan ang kanyang kamay. Kung hindi pa siguro siya tatayo, posibleng malapit na siyang makabutas ng upuan.

"S-Sir," Lakas loob niyang agaw atensyon kay Adam. Hindi naman siya nabigo dahil nakuha niya agad ang atensyon nito. Nakataas ang kilay nito nang harapin siya. Busy kasi iyon na pumirma ng mga papeles.

"Yes?"

Tumikhim si Kelly bago muling sumagot. "Hindi pa po ba ako lalabas? Wala naman akong ginagawa dito, sir." Gusto niyang ngumiwi sa ideyang iyon, pero tutok sa kanya si Adam. Parang sinasaulo ang bawat sasabihin niya.

Kumunot naman ang noo ni Adam. "Are you bored?"

"M-Medyo, sir." Nakangiwi niyang tugon.

"Okay, stand up." Siya naman ang pinangunutan ng noo dahil sa sinabi ni Adam. Hindi niya maiwasan na arkuhan iyon ng kilay. "H-Huh?" Hindi niya maitago ang kanyang kaba. "Bakit? Ano pong gagawin ko, sir?"

"I want you to massage me. I'm kind of tired of signing those papers." Pagtukoy ni Adam sa sandamakmak na pinipirmahan niya. Hindi agad nakakilos si Kelly dahil sa sinabi ni Adam. Hindi niya alam ang kanyang gagawin lalo na noong tumalikod na sa kanyang gawi si Adam, medyo inadjust pa niya ang kanyang swivel chair.

Hindi niya rin maiwasan na tanungin ang kanyang sarili.

Professional pala, ha? Kailan pa naging taga-masahe ang pinasukan kong trabaho?

"Oh, come on, Miss Tolentino. Start it now! Don't think of someone else."

Aligaga siyang umikot papunta sa pwesto ni Adam. Ilang beses siyang napalunok. Hindi niya alam kung hahawakan na ba niya ang balikat ni Adam o hindi pa.

Halos bukas sara ang nangyayari sa kanyang kamay, nakatingin lamang siya doon.

"Give me your hand, please." Natigilan si Kelly, hindi dahil sa sinabi ni Adam. Kung hindi dahil sa paraan ng pagkasabi ni Adam, sobrang gaan. Malayong malayo sa kung paano siya kausapin noong mga nakaraang araw.

Kahit wala siyang kasiguraduhan sa gagawin ni Adam, nagawa niyang i-abot ang dalawang kamay niya rito.

Napaigtad siya sa pagdampi pa lang ang kanilang kamay.

"Your hands are cold," Puna ni Adam. Dinala ni Adam ang kamay ni Kelly sa kanyang balikat. "Your hand will be hot, once you start massaging me." Gustong ikutan ng mata iyon ni Kelly dahil ramdam niya sa tono ni Adam na nang-aasar iyon.

Iniisip ba niyang marupok ako? Ginagawa ko lang naman ito, dahil ayaw kong mawalan ng trabaho! Kung may iba pa sanang pagpipilian, hindi ko naman hahayaan ang sarili kong makita na kasama siya sa isang opisina lang.

Ngunit hindi na pinagtuunan pa ng pansin iyon ni Kelly. Sa mga oras na iyon, nangingibabaw ang kagustuhan niyang matapos na ang pinapagawa sa kanya ng magaling niyang Boss.

Inayos niya ang pagkakalapat ng kanyang kamay sa balikat nito. Dahan-dahan niyang ginagalaw ang kanyang kamay. Nakapikit pa si Adam, na siyang ipi-nagpapasalamat niya dahil medyo nakahiga ang upuan nito dahil nga inadjust ni Adam kanina.

"Do you really have to do that?"

Mabilis na inalis ni Kelly ang kanyang kamay. "Ay, sorry sir. Nasaktan po ba kayo?" Medyo taranta ang kanyang tinig. Hindi naman kasi siya nakatingin sa balikat ni Adam. Iniwas talaga niya ang kanyang tingin at hinahayaan lang na igalaw ang kanyang kamay.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now