KABANATA 24

1K 13 0
                                    

Kabanata 24

"BECAUSE... she's a woman, worthy of being taken care of..."

Makahulugan naman na tinignan ni Adam si Alex. Hindi nito maiwasang maisip kung ano ang posibleng ibig sabihin ni Alex doon?

"I know! So, you don't have to remind me about that." Seryoso tugon naman ni Adam. Parang ang pinaparating kasi ni Alex ay hindi alam ni Adam ang bagay na iyon.

Ngumisi si Alex. "Baka lang makalimutan mo! Ayaw ko lang na magsisisi ka sa huli." Himig ang pagbabanta sa boses nito.

"What the hell are you saying?!" Sigaw ni Adam. Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Hindi niya alam kung trip ba siya? O talagang may nais iparating si Alex sa kanya, na hindi nito matukoy. Hindi malinaw kay Adam kung ano iyon.

Talagang naguguluhan na si Adam, kahit si Kelly na nasa tabi lang nito ay magkasalubong na rin ang kilay. Hindi nila pareho mawari kung anong gustong ipunto ni Alex sa kanilang dalawa.

Ngumiti si Alex na lalo lang ikinainis ni Adam. "It's nothing... Aalis na ako!" Bumaling si Alex kay Kelly na hinarangan naman agad ni Adam. Hindi man lang iyon masilip ni Alex. Sa laki ba naman ng katawan ni Adam, eh. "Makaharang ka naman, magpapaalam lang naman ako." Reklamo tuloy ni Alex.

"You don't have to! You can leave anytime you want... no one cares!" Tila nakalabit na ang gatilyo ni Adam. Kung hindi lang dahil kay Kelly, baka kanina pa dumapo ang kamao nito sa mukha ni Alex.

"Hindi ka sure!" Sabay sulyap ni Alex kay Kelly, kaya naman napatingin din si Adam sa nobya. Nagkibit balikat lang si Kelly, at pinaningkitan ng tingin si Alex.

Trip ba niya ako? Pati ako dinadamay niya sa mga kalokohan na naman niya!

Napahalakhak naman si Alex, kaya nangunot ang noo ni Adam. Naglipat lipat ang tingin sa dalawa.

"What are you two doing?" Iritadong sabi ni Adam.

Sasagot pa sana si Alex nang hindi nila napansin na lumabas pala si Mr. Tolentino. "Nandiyan na pala kayo, bakit hindi pa kayo pumasok?"

Nagpaalam kasi kanina si Adam na hintayin na lang si Kelly sa labas, ilang oras na rin kasi ang nakalipas kaya napalabas na si Mr. Tolentino para makita kung nakarating na ba ang anak. Nagdala kasi si Adam ng pagkain, mahirap kapag lumamig na. Doble trabaho na naman kung ipapainit pa nila.

"Good evening, papa!" Lumapit si Kelly at humalik sa pisngi ni Mr. Tolentino. Naningkit naman ang mata ni Mr. Tolentino na tumingin sa anak. "Bakit ngayon ka lang?"

"Uhm..." Napakamot sa ulo si Kelly. "M-May pinatapos lang po na trabaho." Tugon nito, na halos hindi matingnan ang ama dahil alam naman niyang hindi iyon totoo.

"Magandang gabi po, uncle." Bati ni Alex at lumapit kay Mr. Tolentino para makapagmano. Nakita kasi niyang magsasalita pa sana si Mr. Tolentino. Alam nitong sa punto na iyon ay hindi sapat ang sinagot ni Kelly sa ama, kaya naman kahit alam nitong hindi magandang makisingit sa usapan. Kinailangan ni Alex na gawin iyon. "Magandang gabi rin sa iyo. Nandito ka pala... tuloy ka muna." Walang pagdadalawang-isip na pag aya ni Mr. Tolentino.

"Hindi na po, uncle. Hinatid ko lang po talaga si Kelly," Dahilan ni Alex. "Pasensya na po, medyo nagabihan kami. May kailangan lang po talagang tapusin na trabaho." Dagdag pa nito. Alam naman ni Alex na hindi siya obligado na magpaliwanag, sadyang nararamdaman niya na itatanong muli kay Kelly iyon. Lalo na kapag sila na lang, wala na ang mga bisita nila. Isa pa, talagang ayaw ni Alex ng ideyang pumasok pa. Lalo na't nandito si Adam at kahit hindi niya nakikita ang mukha nito. Ramdam niyang hindi iyon sang ayon sa ideyang pumasok pa siya sa loob. "Tsaka po, naghihintay pa si manong." Pagtukoy ni Alex sa sinakyan nila ni Kelly na tricycle, na kanina pa rin naghihintay.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon