KABANATA 29

984 16 3
                                    

Chapter 29

"UMALIS na tayo, hindi makakabuti sa iyo ang lugar na 'to!"

Hindi makapaniwala na nakatingin si Kelly kay Alex. Kahit nangingibabaw sa mukha ni Alex ang kagustuhan na lisanin ang building, pero talagang nagpumiglas si Kelly dahil bakit naman siya aalis? Kararating lang nila, si Alex na rin ang nagsabi sa kanya na hindi basta-basta ang lugar na 'to! Sinabi pa niyang hindi lang ito parang kabilang barangay tapos aalis lang sila agad?

Sa kalooban ni Kelly, galit ang litaw sa kanyang pakiramdam. Ano ang pinunta nila rito kung ganoon na aalis sila agad? Kung sana pala ganito lang din ang mangyayari, edi sana hindi na sila nag-aksaya pa ng oras para pumunta ng Manila. Wala naman pala silang mapapala.

"Bakit ba? Ipaintindi mo sa akin!" Giit ni Kelly.

Gusto niyang malaman ang dahilan ni Alex, kung bakit bigla na lang nagka-ganoon? Paano niya maiintindihan? Kung wala namang ipinapaliwanag si Alex sa kanya! Panay lang ang paghila sa kanya. Mabuti at wala halos mga dumadaan kung hindi kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao.

Mas lalo lang namuo ang galit sa mukha ni Alex. Hindi niya nagustuhan ang pagmamatigas ni Kelly. Ito ang unang beses na makita ni Kelly si Alex, sobrang tigas ng kanyang ekspresyon. Nagdidilim ang tingin sa galit.

Lumapit muli si Alex sa kanya para sana hilain siya ulit. Pero, humakbang siya paatras!

"Huwag mo ng ipilit. Umuwi na lang tayo!" Nakikiusap ang tinig ni Alex, pilit na kinokontrol ang sarili. Kahit hindi iyon ang pinapakita ng kanyang mata. Iniiwasan niyang hindi makagawa ng eksena, dahil mas hindi iyon magandang ideya.

Napaupo na lang si Kelly, kulang na lang sumalampak siya sa inis na nararamdaman para kay Alex.

"S-Sana hindi na lang t-tayo pumunta rito, kung ganyan din. Sana hindi ka na lang sumama, kung ganito lang din pala ang gagawin mo! A-Alam mo ang plano kong gawin, bakit ka ganyan? Akala ko ba suporta ka sa akin." Nanunumbat ang tinig ni Kelly, napayuko na lamang ito. Nakatakip ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha.

Nasapo na lang ni Alex ang noo, nang makita ang naging reaksyon ni Kelly. Mabilis na nilapitan ni Alex si Kelly, at hinila sa kanyang bisig. Nagpupumiglas si Kelly, pero hindi binigyan ni Alex ng pagkakataon na makaalis ito.

Nang nararamdaman niyang kumalma na si Kelly. Sakop nito ang kanyang mukha, at pinunasan ang takas nitong luha.

"Sorry na... suportado kita. Alam mo 'yan, sadyang ayaw ko lang na masaktan ka." Mahinahon na wika ni Alex, iyong galit sa kanyang mata tila mabilis na nawala dahil kay Kelly.

Naiinis pa rin na tinanggal ni Kelly ang kamay ni Alex. Nakanguso niyang hinarap ito, kasalukuyan naman na nakayuko si Alex sa kanyang harap.

Suportado? Pero ayaw masaktan? Anong ibig niyang sabihin?

"Bakit naman ako masasaktan?" Puno ito ng kuryosidad na tanong ni Kelly, mas gumulo ang kanyang isipan dahil sa katagang iyon.

Natigilan naman si Alex, ilang beses siyang napalunok. Halos nagbara ang kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin kay Kelly. Ayaw niyang dumating sa ideya na sinisiraan niya ito. Hindi kailanman niya iyon intensyon.

Sa kalagayan ni Kelly, mahirap magsabi ng sitwasyon na mago-overthink siya. Mahirap pa naman na patahanin siya, dahil napaka-emosyonal niya. Kahit naman normal iyon, hindi maiiwasan.

"Umakyat ka na lang, hintayin kita rito." Parang sumusuko na wika ni Alex. Wala na siyang intensyon pa na pigilan si Kelly. Ayaw niyang maging masama sa paningin ni Kelly. Iyong ideya na masira ang tiwala nito sa kanya, hindi kailanman niya kakayanin.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now