KABANATA 40

1K 13 0
                                    

Kabanata 40

KINABUKASAN naalimpungatan si Kelly sa tili ng kanyang anak, hindi pa siya tuluyan na nagigising pero nang marinig niyang muli na tumatawa ang anak. Napabalikwas siya sa pagkakahiga, at tama nga ang pagkakarinig niya dahil wala na tabi niya ang kanyang anak.

Sa puntong iyon hindi na siya magugulat kung paanong nakababa na ang kanyang anak mag-isa. Hindi naman kasi maipaliwanag ang reaksyon ng anak nang sabihin niya ang bagay na iyon.

*Flashback*

NANG makausap kasi niya ang yaya ni Riri na si Lyn sa telepono, hindi pa agad niya iyon sinabi sa anak. Pinaabot pa niya hanggang gabi.

Pagkalabas niya ng kusina pagkatapos makausap si Lyn, nadatnan niya ang anak na natutulog sa sofa. Nakatulog siguro dahil sa kakaiyak nito kanina. Habang si Alex naman ay nasa lapag nagbabantay para kung sakali man na gumalaw si Riri, hindi iyon mahulog.

"Kinakausap ka na niya?" Kyuryos na tanong ni Kelly nang makalapit siya kay Alex. Kinuha na rin niya ang pagkakataon na iyon para maupo sa tabi ni Alex habang pinagmamasdan ang kanyang anak.

Sa nangyayari, hindi niya maitatangi na ang dami na ng pumasok sa kanyang isipan. Hindi na niya mawari kung ano ang dapat unahin at kung ano ang nararapat niyang gawin.

Umiling naman si Alex. "Hindi, hindi ako lumapit. Ngayon lang noong nakita ko siyang nakatulog na," Tugon ni Alex, nanatili pa rin ang tingin kay Riri. "Anong nangyari sa pag-uusap niyo?" Dugtong pa niya, ang tinutukoy ni Alex ay iyong pag-uusap nilang dalawa ni Lyn.

Huminga saglit si Kelly. Para kasing tuwing naalala niya ang bagay na iyon, iba talaga ang kanyang pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag. "M-Maayos naman, pinapabalik ko na siya rito bukas."

Hindi niya nagawang balingan ng tingin si Alex nang sabihin niya iyon, pero napukaw ang kanyang atensyon sa naging tugon ni Alex. Punong puno ng paghanga ang mata ni Alex. "Bilib ako sa iyo, pagdating sa anak mo hindi mo talaga siya matitiis. Kahit pa man gaano mo ka-ayaw ang isang pangyayari o bagay."

Hindi maiwasan na mapangiti ni Kelly. Mula man noon, walang nagbago kay Alex. Iyong pag-intindi, tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan laging malawak ang kanyang pang-unawa. Kaya hindi rin niya maitatanggi ang paghanga sa pag-uugali na mayroon si Alex.

"Bilang nanay, ganoon siguro talaga. Hindi na mawawala ang katagang iyon, pagdating sa mga anak natin." Makahulugang sambit ni Kelly. Aaminin niyang hindi man siya naging handa nang dumating sa buhay niya si Riri. Pero kung may isang bagay na gusto niyang maisagawa at i-pangako sa kanyang anak, iyon ay ang punan lahat ng kagustuhan nito. Kahit pa man dumating sa puntong kahit ang kanyang sarili ay maging taliwas doon.

Hindi man niya inaasahan, ngunit masasabi niyang minsan na siyang nabigo o nagawang matiis ng kanyang magulang at iyon ang isa pang bagay na ayaw niyang gawin o maranasan ng kanyang anak.

Tumango-tango naman si Alex bilang pagsang-ayon sa punto ni Kelly. "Napapaisip lang ako, pag dumating kaya ang isang sitwasyon na hindi naman natin hinihingi pero hindi maiiwasan na mangyari, hindi na talaga matatakasan. Kaya mo pa rin bang pagbigyan ang anak mo?" Makahulugan na sambit ni Alex. Nang mapatingin siya kay Kelly, nakita niya kung paano ito natigilan. "Huwag mo na lang pansinin iyong sinabi ko, maghahanda na lang muna ako roon." Pagbawi ni Alex. Mabilis na siyang tumayo at tinungo ang kusina. Hindi na rin kasi nagawang pigilan pa iyon ni Kelly. Sa sarili kasi ni Kelly, hindi niya rin alam kung ano ang kanyang isasagot sa tanong na iyon ni Alex.

HINDI namalayan ni Kelly na nakatulog na pala siya sa sofa, tanging ang ulo lang niya ang nakapatong sa ibabaw ng sofa. Nakatulugan niya ang pag-iisip kanina, ngunit nagising dahil nararamdaman niya ang pananakit ng kanyang leeg dahil sa posisyon niya ng pagkakahiga.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now