KABANATA 44

883 13 0
                                    

Kabanata 44

MINSAN sa buhay, hindi natin alam kung saan ba dapat tayo lumugar. Iyong bang ikaw na ang lumalayo sa kanila, dahil ayaw mo na magkagulo o magkaroon pa ng problema sa pagitan ninyo pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Kasi kahit tayo na mismo ang lumalayo, sila pa rin ang lumalapit sa atin sa hindi malamang dahilan.

Tulad na lang nang pagbabalik ni Adam sa mundo kung saan umiikot ang buhay ni Kelly sa mahigit tatlong taon na. Hindi lamang iyon dahil mas naging malaki ang tsantsa na magkita sila palagi dahil si Adam na ang bagong boss ni Kelly sa pinapasukan niyang Kooperatiba.

Hindi mawari ni Kelly kung talaga bang unfair ang mundo. Sa dami ng kanyang pinagdaanan, nadagdagan na naman ang kanyang iisipin dahil alam niyang magiging mahirap na naman sa kanya na makasama sa isang opisina ang dating kasintahan. Lalo pa na ibang-iba ang pakikitungo sa kanya nito, kompara kung paano siya i-trato noon.

"G-Good morning, sir." Nag-aalangan na ngumiti si Kelly at bahagyang yumuko para magbigay ng galang sa kanyang boss na walang iba kung hindi si Adam.

Pagpasok kasi niya ng opisina, nadatnan niya si Adam na nakaupo sa kanyang upuan. Nagulat pa siya noong una, na parang gusto na lang niyang tumalikod at umalis pero hindi lang niya pinahalata rito. Ayaw niyang isipin ni Adam na naapektuhan siya.

Tumaas ang kilay ni Adam, seryoso na nakatingin sa kanya. "What do you think is good in the morning, Miss Tolentino? If you are early for tomorrow?"

Mabilis na napaangat ng tingin si Kelly at nakita niya ang pag singkit ng mata ni Adam. Doon pa lang, alam niyang may mali na naman siyang ginawa.

Nahuli kasi siyang nagising. Nagtataka pa nga kaninang umaga ang kanyang anak kung may pasok ba siya o wala, dahil mas nauna pa iyon na nagising sa kanya. Na masasabi niyang hindi naman normal na nangyayari.

Maaga naman siyang nagigising tuwing may pasok siya sa trabaho, kaninang umaga lang talaga siya pumalya. Hindi rin talaga niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman kanina, nang malaman niyang nauna na rin pala si Alex. Binilin lang sa Yaya ng kanyang anak dahil pinatawag daw siya sa opisina ng sobrang aga.

Sa dami kasi ng kanyang iniisip noong pagkatapos nilang mag-usap ni Alex, hindi naman niya inaasahan na mahihirapan siyang makatulog. Kaya ayon, ang inabot niya late na siya nagising.

"Is it hard to answer my question, Miss Tolentino?"

Napaigtad naman siya nang marinig na muling magsalita si Adam. Nahihiya siyang nag-angat ng tingin kay Adam. "S-Sorry, sir. Late lang po akong nagising," Dahilan niya, iyon naman kasi ang totoo. Ngunit, mukha yatang mali na naman siya nang sinabi dahil mas sumama ang mukha ni Adam.

Napatayo si Adam at hindi napigilan ang sarili na hampasin ang lamesa. Napasinghap si Kelly at halos mapatalon sa kanyang pagkakatayo. Hindi man siya makatingin sa ibang ka-trabaho, pero ramdam niyang ganoon din ang kanilang reaksyon dahil sa gulat. "Do you even think I would accept that?!" Mariin na bulyaw ni Adam. "I don't care about your personal life, Miss Tolentino. Do whatever you want; that's your life. I'm out of it! But, I just want to remind you..." Nakangising dagdag pa niya. "This is your job! I don't care by what process you got accepted. You should be professional enough. We aren't playing here; you can't come to your work anytime you want. This is a responsibility, Miss Tolentino. You should not forget that!"

Parang umakyat lahat ng dugo ni Kelly sa narinig. Sinalubong niya ang tingin ni Adam. Gusto niyang panlisikan ng mata ito, para maintindihan nito ang kanyang sinabi. "Are we talking about responsibility here?" Halos ibulong niya lang iyon, ngunit narinig pa yata ni Adam.

"You're saying something, Miss Tolentino?" Nanunubok na tingin ang natanggap niya mula kay Adam.

Umiling iling naman si Kelly. "Nothing, sir!" Mapait niyang sabi. "Ang sabi ko po, hindi na mauulit. Pasensya na po talaga," Halos idiin niya ang bawat salita, hindi maitatago ang panggigigil nito.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now