KABANATA 3

3.2K 47 0
                                    

Kabanata 3

HINDI kaagad nakasagot si Kelly sa sinabing kataga ni Adam. Napaawang ang bibig niya ngunit muli niya itong tinikom nang hindi matukoy kung ano ang tamang salita ang dapat niyang isagot sa mga sinabi ni Adam.

"I'll leave." Paalam ni Adam. Napansin niya na hirap sagutin ni Kelly ang kanyang mga sinabi. Naiintindihan naman ni Adam na hindi agad iyon masasagot ni Kelly. Ipinarating lang naman niya ang mga salitang iyon para matanggal sa dalaga ang mga pag-aalinlangan niya tuwing maghaharap sila. Kung paano ang inasal niya nang una nilang pagkikita, gusto niyang iyon ang Kelly na lagi niyang makikita tuwing magkaharap o magkasama sila.

Tanging tango lamang ang naisagot ni Kelly sa binata. Nakita pa niya kung paano iyon ngumiti sa kanya. Wala siya sa tamang pag-iisip, para tugunan iyon. Ginulo kasi ng binata ang kanyang pag-iisip. Bakit kailangan niyang sabihin ang mga ganoong bagay? Para saan? Ano ang kanyang intensyon?

Tumalikod na kaagad si Kelly, pagkasarado pa lang ng kanilang gate. Tinapik tapik niya ang kanyang pisngi, baka sakaling bumalik siya sa tamang wisyo.

Grabe ang lalaking 'yon. Nakakapang-init ng mukha. Pwede na akong mag-init ng tubig.

Grabe ka naman kasi Kelly, masyado kang halata. Ano na lang kaya ang sasabihin niya?

ABOT langit ang ngiti ni Adam pagkabalik niya sa bahay ng kanyang Tita Johan.

"Good morning, Jay!" Masayang bati niya kay Jaylyn. Kasalukuyan itong kumakain ng kanyang umagahan.

Pagtataka naman ang rumihestro sa mukha ng kanyang pinsan. Talagang naninibago. "Morning..." Bati niya pabalik. Nakakunot noo pa rin siya, tila hindi pa rin makapaniwala. "Good mood, huh?"

"Yup." Nakangiti na naghila ng upuan si Adam.

Nanatili pa rin na nakatingin si Jaylyn kay Adam. Ibang iba ang kinikilos ng kanyang pinsan. "Saan ka ba galing?" Pag-usisa niya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Adam. "Kelly's house."

"At ano namang ginawa mo roon?" Tumaas ang kilay na tanong ni Jaylyn.

Ngunit hindi nagpatinag si Adam at tinaasan din niya ng kilay si Jaylyn. "Why will I tell you?"

"Because, I'm asking you!" Naiinis na ani Jaylyn. "And, please Adam..." Umiiling pa niyang sabi. "If you're planning to—."

Hindi pa man natutuloy ni Jaylyn, may ideya na agad si Adam kung anong nais sabihin ni Jaylyn. Iyong ngiti niya kanina ay biglang naglaho. Anong karapatan niyang pangunahan at kuwestyunin siya? "I have no intentions to make her one of my girls." Mariin niyang sabi. Alam niyang iyon ang gustong ipunto ng kanyang pinsan. "She deserves to be my only one."

"Mabuti kung ganoon." Mahihimigan sa boses ni Jaylyn ang kaginhawaan. Kilala kasi niya si Adam na hindi sineseryoso ang mga babae. Noon pa man. "Matagal ko na siyang kilala and she don't deserve a man who will hurt her in the end. A man who is intended to marry some—."

"I know that!" Matigas na putol ni Adam. "But like what I said, I have no intentions to hurt her!" Pinagdiinan pa niya ang salitang No. Padabog na tumayo si Adam at binalik ang upuan, nawalan ng ganang kumain muli. Iniwan na mag isa sa hapagkainan si Jaylyn.

DUMATING ang araw ng lunes, nakatayo si Kelly sa labas ng kanilang bahay. Naghihintay siya ng kanyang sasakyan, ngunit wala pang tricycle sa may kanto.

Nang ilang minuto na siyang nakatayo sa harap at wala pa ring tricycle. Naisipan na niyang maglakad na lang, kaysa maghintay ng ilang minuto pa tapos wala rin pala siyang mahihintay.

Beep beep beep.

Ano ba 'yan? Nasa gilid na nga, eh!

Mas gumilid naman si Kelly dahil baka maliit ang daan para sa sasakyan ng kung sino mang kanina pa nagbubusina sa kanya.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon