KABANATA 28

975 14 0
                                    

Kabanata 28

MAAGANG nagising si Kelly, dahil iyon ang usapan nilang dalawa ni Alex. Madaling araw ang kanilang byahe papuntang Manila.

Nang matapos niyang ayusin ang kanyang pinaghigaan, nagtungo muna siya sa kanilang kusina para kumuha ng mainit na tubig.

Medyo malamig kasi ang panahon, normal na iyon sa kanila lalo na't madaling araw pa lamang. Kung tutuusin ay alas-tres pa lang ng umaga.

Napahinto sa hagdan si Kelly nang makarinig siya ng kaluskos na nagmumula sa kanilang kusina. Kahit natatakot siya ay naglakas loob pa rin siyang maglakad, kinuha niya ang nadaanan niyang walis tambo.

Nanginginig ang kamay niya habang hawak niya iyon, handa na sana siyang itaas iyon nang makita niyang ang ama pala niya iyon, na nagpapainit ng tubig.

Doon lamang siya nakahinga ng maluwag, pero nagtataka naman na mukha ni Mr. Tolentino ang sumalubong sa kanya. "Mag wawalis ka ba anak?" Halos manlumo si Kelly nang marinig niya iyon, hindi niya alam kung biro ba 'yon or seryoso ang kanyang ama. "Maaga pa, ako na lang 'yan mamaya pag-alis mo." Nag prisinta pa talaga?

"Pa, hindi po ako mag wawalis." Pagtatama ni Kelly. Kung ano-ano na naman kasing naisip ni Mr. Tolentino. "Pang pukpok ko po sana, akala ko kasi magnanakaw." Nakangiwi niyang tuloy.

Umarko ang kilay ni Mr. Tolentino, at tinuro ang kanyang sarili. "Seryoso ka na niyan? Mukha ba akong magnanakaw sa lagay na 'to." Nagpogi sign pa si Mr. Tolentino na bahagyang ikinatawa ni Kelly.

"Alam ko po, papa." Hindi nagdadalawang-isip na pagsang-ayon ni Kelly.

Naging seryoso naman ang mukha ni Mr. Tolentino. "Hindi na ngayon, kasi may nobyo ka na... siya na ang pogi sa paningin mo." Medyo humina ang boses ni Mr. Tolentino nang sabihin niya ang huling salita sa binitawan niyang linya. "Pero ayos lang, pogi pa rin naman ako sa paningin ng mama mo..." Mabilis naman na pagbawi ni Mr. Tolentino.

Napanguso si Kelly, parang may kumurot sa kanyang puso. "Nagseselos ka, papa?" Tudyo nito sa ama.

Umiling naman si Mr. Tolentino. "Bakit naman ako magseselos doon? Masaya nga ako kasi hindi na lang ako ang pogi na nasisilayan mo."

"Nag-iisa ka lang naman po, papa." Mahina na bulong ni Kelly, pinapagaan ang loob ng ama. Kahit naman may nobyo siya, hindi pa rin niya ipagkakaila na walang papantay sa taglay na kapogian ni Mr. Tolentino.

"Alam ko 'yon." Sang-ayon naman ni Mr. Tolentino. "Pero hindi ko ipagkakaila na pogi rin naman si Adam."

Hindi makapaniwala na tiningnan ni Kelly si Mr. Tolentino.

"Mali ka ng iniisip!" Pinangunahan na siya ni Mr. Tolentino. Mukhang naramdaman nito ang nabubuong ideya sa kanyang utak. Tumango na lamang si Kelly.

Akmang titingnan niya ang lagayan ng mainit na tubig nang magsalita muli si Mr. Tolentino. "Pinag iinitan na kita ng tubig." Imporma nito sa kanya.

"Salamat, papa..." Nakangiting sabi ni Kelly. Sobra niyang na-appreciate ang bagay na iyon. "Gagawin ko pa lang po kasi sana."

"Maupo ka na lang doon. Magkape ka, o kumain ka na. Nagluto na ako para naman kahit papaano may laman ang sikmura mo, bago ka umalis."

Gulat na napatingin si Kelly sa ama. Ibig ba nitong sabihin, kanina pa siya gising?

"Anong oras po kayo nagising?" Kyuryoso na tanong ni Kelly.

Saglit siyang nilingon ng ama. "Alas-dos." Tipid na sagot ni Mr. Tolentino sa kanya. Hindi na nag-abala pa si Kelly na magtanong muli.

Inabala na lang niya ang sarili sa pagkain. Gustuhin man niyang mag kape na lang. Hindi naman iyon pupwede. Inalok pa niya si Mr. Tolentino. Ngunit, nakapagkape na raw ito bago pa siya bumaba kanina.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now