KABANATA 43

915 12 0
                                    

Kabanata 43

"MASAYA?" Wala sa sariling sambit ni Kelly. Kanina pa nila iyon pinagusapan ni Alex pero tila tumatak talaga sa kanyang isipan ang salitang iyon.

Normal naman talaga minsan na hindi maiiwasan na matanong ang iyong sarili pagdating sa ganitong bagay. Lalo na kapag kahit gaano mo hindi gustong pansinin pero talaga naman na may pagkukusa iyon. Wala kang magagawa.

Hindi nakuha ni Kelly na sagutin si Alex nang sabihin nito ang katagang iyon. Kahit kasi sa sarili niya hindi niya alam kung tunay nga ba siyang masaya. Nagdadalawang-isip siya nang marinig ang salitang iyon, hindi niya mawari ang dahilan kung bakit. Hindi tulad noon na direkta niya kung sagutin ang tungkol sa ganoong bagay.

Lalo na ngayon at pinagtagpo na muli silang dalawa ni Adam, ngunit hindi ganoon sa inaasahan niyang pangyayari. Iyong galit na ilang taon niyang dala-dala, pero parang naputulan siya ng buntot dahil parang mas ang may galit pa sa kanya ay si Adam.

Hindi naman din kasi niya magawang itaas ang kanyang pride dahil iyong hindi niya kayang isaalang-alang ang trabaho. Kaya ang tanging kaya niya lang gawin pansamantala ay tanggapin kung ano man ang maging pagsubok niya sa kanilang opisina na siyang pinamumunuan ng kanilang bagong boss na si Adam.

Idagdag pa iyong ideya na kung paano napunta si Adam doon? Paanong siya ang naging boss nila?

"Kelly..." Natigil si Kelly sa pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Alex mula sa labas ng kanyang kwarto. Kumakatok pa iyon pero sakto lang para marinig niya. "Gising ka pa ba?" Dagdag pa ni Alex.

Sinulyapan saglit ni Kelly ang anak na payapa ng natutulog. Hindi na siya nahirapan na patulugin iyon kanina, basta lang hindi niya makaligtaan na timplahan iyon ng gatas.

Binuksan ni Kelly ang pinto pero sakto lang iyong makikita ang kanyang mukha. Bumungad sa kanya si Alex na nakapantulog na. "Ano 'yon?" Nagtataka niyang sabi.

"Gusto sana kitang makausap, kung ayos lang sa iyo." Hindi nagdalawang-isip si Alex nang sabihin niya iyon. "At kung hindi ka pa naman inaantok."

Mas niluwagan pa ni Kelly ang pinto at tuluyan nang lumabas ng kwarto. "Tungkol ba saan iyon?"

Napakamot sa batok si Alex. Halatang may pag-aalinlangan niyang sabihin iyong gusto niyang pag-usapan nilang dalawa. "Uhm... tungkol sa bago nating boss."

Hindi makapaniwala si Alex nang makita niya na tumango si Kelly. Para kasing wala lang iyon kay Kelly. "Sa sala na lang tayo mag-usap, baka kasi magising si Riri at baka marinig niya. Hindi pa pwede sa ngayon, Alex."

Tumango naman si Alex. Naiintindihan niya ang punto ni Kelly. Pinauna naman ni Kelly na bumaba si Alex tsaka siya sumunod.

Nang marating nila ang sala, naupo lang silang dalawa sa pang-isahan na sofa at magkaharap iyon.

"Wala akong alam tungkol sa bagong boss natin," Iyon agad ang bungad ni Alex. Nangunot naman ang noo ni Kelly, hindi niya agad makuha ang ideya kung bakit iyon ang sinasabi ni Alex sa kanya.

"Bakit mo naman kailangan sabihin 'yan sa akin?" Nagtataka pa rin na sambit ni Kelly. "Hindi naman kita kinukwestiyon tungkol sa bagay na 'yan."

"Alam ko, alam ko..." Kontra naman ni Alex. "Pero hindi mo naman kasi maitatanggi sa akin, na baka isumbat mo 'yan sa akin dahil ako ang mas matagal ng nagtatrabaho roon. Ayaw ko lang dumating na maisip mo pa ang bagay na 'yon, kaya pinanungahan ko na. Ayaw ko pang isipin mo dahil alam kong nakakadagdag lang sa mga iniisip mo ngayon." Paliwanag ni Alex, sapat na iyon para makuha ni Kelly ang punto nito.

Hindi maipaliwanag ni Kelly ang nararamdaman tungkol sa sinabing iyon ni Alex. Para sa isang kaibigan na sobra ang pag-iisip sa iyo, kompara sa kanyang sarili. Malaking bagay iyon para kay Kelly, hindi sa kadahilanang kaunti lamang ang ganoong klase ng kaibigan pero iyong dahilan na totoong hindi na niya alam kung paano pa niya aayusin iyong mga iniisip niya. Na mas lalo na namang nadagdagan dahil muling nagtagpo ang landas nila ng dati niyang kasintahan.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें