KABANATA 48

947 19 0
                                    

Kabanata 48

"PWEDE ka bang sumama sa akin mamaya?"

Ang inaasahan ni Kelly ay iyong magugulat o magtataka man lang si Adam. Pero hindi niya inaasahan na ang makuhang reaksyon nito ay ang matuwa sa kanyang narinig.

"R-Really? You want me to come with you?"

Halos hindi alam ni Kelly kung anong magiging reaksyon niya. Halatang tuwang tuwa kasi si Adam pero siya hindi pa rin makapaniwala.

Nagawa namang tumango ni Kelly. "Oo,"

"Let's go!" Tumayo na si Adam at mabilis iyon na lumapit sa kanya, handa nang umalis.

Aligaga naman na pinigilan iyon ni Kelly. "Hindi pa ngayon!" Nataranta niyang pigil. Kumunot naman ang noo ni Adam. "Mamaya pa, kasi may trabaho pa ako."

Dinungaw siya ni Adam na parang hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. "Seriously? That's your reason..." Napailing na lang si Adam. "I am the boss here, Miss Tolentino." Hindi maitatago ang pagmamayabang sa tinig nito. "You should not forget that."

Mariin siyang napapikit. "A-Alam ko!" Napipilitan niyang sang-ayon. "Pero empleyado mo ako rito! Magkaiba tayo."

Hinuli naman ni Adam ang kanyang tingin. "Wala tayong pagkakaiba, Miss Tolentino!"

"Mayroon," Hindi niya nagawa na iwasan ang tingin ni Adam, talagang nagawa niyang salubungin iyon. "Ako empleyado... ikaw Boss ko!" Giit pa niya.

"I said none!"

Humakbang na si Adam, madilim ang kanyang tingin kay Kelly. Hindi maiwasan ni Kelly na mapalunok at mapaatras sa nakitang ekspresyon nito.

"Bakit mo ba pinipilit?! Wala nga!" Muling napaatras si Kelly ngunit pinto na mismo iyon, wala na siyang maaatrasan pa.

Napayuko na lamang siya nang makita niyang sobrang lapit na nila ni Adam sa isa't isa.

"Look at me," Marahan iyon na sambit ni Adam.

Hindi nagawang tumingin ni Kelly, sa mga oras na iyon pinili niyang magmatigas.

"Please..." Doon pa lang nagsusumamo na ang tinig ni Adam. "Look at me, even though you don't look at me the same way you looked at me before."

Halos manlamig ang buong katawan ni Kelly nang marinig niya iyon. Napaigtad siya nang maramdam ang kamay ni Adam sa kanyang baba at malaki man ang kagustuhan niyang hindi sumunod nagawa pa rin ni Adam na maiangat ang kanyang mukha para matapatan nito ang kanyang tingin.

Naglakas loob siyang tumingin kay Adam. Hindi man kayang aminin ng kanyang isipan pero kita ng mismong mata niya, iyong pananabik at pangungulila sa mata ni Adam.

"If there's one thing we have differences in," Nanatili ang tingin nila sa isa't isa. Mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ni Kelly. "That would be my and your surname."

Nagkasalubong ang kilay ni Kelly, para siyang nabingi sa kanyang narinig. Kahit man ramdam niya ang kanyang panghihina, nagawa pa rin niyang itulak si Adam.

"Excuse me, sir!"

Mabilis siyang lumabas ng opisina ni Adam at tinungo ang banyo. Sapo sapo niya ang kanyang dibdib nang makapasok, habang nakaharap sa salamin.

"Ano iyon Kelly? Bakit may ganoong pangyayari! Hindi ka marupok, 'di ba?" Sunod sunod niyang pagkausap sa kanyang sarili, napapailing na lamang siya at halos panlakihan din ng mata ang mismong sarili.

Marahas siyang huminga ng malalim bago piniling maghilamos ng kanyang mukha. Halatang halata kasi ang kanyang pamumula.

Minuto lang ang itinagal niya sa loob ng banyo at tahimik na tinungo ang kanyang lamesa. Ipinagpapasalamat naman niya na hindi naman nagtanong ang mga ka-trabaho niya. Isa pang maganda roon ay wala si Alex, dahil mukha yatang may pinag-uutos na naman sa kanya. Pero kung nandoon man si Alex panigurado na kung ano na naman ang itatanong at sasabihin noon sa kanya.

"NAKAUSAP mo na ba?"

Nakatalikod man si Kelly kilala niya na kung kaninong boses iyon, walang iba kung hindi si Alex. Kasalukuyan na silang nag-aayos ng gamit dahil malapit naman na ang kanilang uwian.

"Oo,"

"Oh, nasaan na?" Halata sa boses ni Alex na parang siya pa ang excited sa mangyayaring pagkikita ng mag-ama.

Hinarap naman iyon ni Kelly. "Ikaw na ba ang anak ko, mukhang excited ka pa sa kanya?" Sarkastiko niyang sabi.

Umirap naman si Alex. "Panira ka! Hindi ba pwedeng masaya lang?" Nanlaki pa ang kanyang mata.

"Sige na diyan," Parang walang buhay na tugon ni Kelly.

"Para namang hindi ka masaya," Hindi maiwasan na puna ni Alex. Hindi kasi maitatago sa mukha ni Kelly na mag-aburido. Kanina pa kasi niya iniisip kung paano na kakausapin muli si Adam, dahil alam niyang hindi naging maayos ang pag-uusap nilang dalawa. Hindi rin kasi nagawang lumabas ni Adam ng opisina simula kanina pagkatapos nilang mag-usap na dalawa, kung matatawag bang pag-uusap iyon.

"May nangyari ba?" Muling sambit ni Alex, mas lumapit na siya sa harap ni Kelly.

"Ikaw na lang kaya ang magsabi ulit sa kanya?" Bigla ay sabi ni Kelly.

Umarko naman ang kilay ni Alex. "Pwede naman," Nakangising sambit ni Alex, na hindi man lang napansin iyon ni Kelly dahil mas inintindi niya ang sinabing iyon ni Alex.

"Talaga ba?" Halata ang pagkamangha ni Kelly, na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

"Oo," Pag-uulit pa ni Alex. "Kung ako lang sana ang Nanay, edi ako na ang gumawa. Kaso hindi ako, eh!"

Matalim na tiningnan ni Kelly si Alex. "Kahit kailan ka talaga!" Gigil niyang sabi. Kulang na lang sapakin niya ito.

"Bakit?" Angal ni Alex. "Iyon naman ang totoo, eh!"

Inirapan na lang ni Kelly si Alex at muli nang naupo. Hindi na niya muli pang pinagtuunan ng pansin si Alex. Naisipan niyang hintayin na lang na lumabas si Adam, tsaka niya iyon kakausapin. Wala rin naman kasi siyang magagawa kung hindi hintayin, dahil kahit man puntahan niya sa loob ng opisina o hintayin. Wala pa rin naman siyang lusot doon, isa lang talaga ang babagsakan niya sa dalawang iyon. Ang kausapin pa rin si Adam dahil nangako siya sa kanyang anak.

Mukha naman kasing wala na talaga siyang kawala, lalo na't anak na niya ang nagsabi.

NANLAKI ang mata ni Kelly nang makita na lumabas na ng opisina si Adam, tiningnan pa niya si Alex nanghihingi ng tulong kung anong dapat niyang gawin.

"Habulin mo! Ikaw may kailangan, 'di ba?"

Pinanlakihan naman ni Kelly ng mata iyon, na siyang ikinahalakhak naman ni Alex.

Mabilis na siyang tumakbo palabas ng opisina, bago pa mahuli ang lahat. Nagmumukha pa tuloy na siya ang may kasalanan sa nangyari.

Kung hindi lang talaga para sa anak niya! Hindi naman siya aabot sa puntong ito. Mas gugustuhin pa kasi niya na siya na lang ang mahirapan kaysa ang makita na masaktan ang kanyang anak. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kanila, tulad na lang nang pagtanggal sa Yaya nito na si Lyn.

"S-Sir!" Sigaw niya, pero mukhang walang narinig si Adam at tuloy tuloy lang na naglalakad palayo sa kanya. Papunta ng kanyang sasakyan.

Muli siyang tumakbo. "Sir!"

"Sir Dela Fuente!"

Parang wala pa rin talagang naririnig iyon, tuloy pa rin sa paglalakad.

"Sir!" Sigaw niyang muli.

Huminto muna si Kelly bago siya bumwelo sa pagtakbo. Hindi naman kasi niya hinanda ang kanyang sarili ngayong araw na mapapalaban pala siya sa pagtakbo.

"Sir Adam!"

Inis na napapadyak si Kelly. Ang layo na kasi ang nilalakad ni Adam, parang walang silbi ang ginawa niyang pagtakbo dahil parang hindi siya nakakaalis sa laki ng bawat hakbang nito.

Huminga siya ng malalim, bago niya naisip na gawin iyong isang bagay na hindi kailanman niya naisip gawin. Buo man ang pagtutol niya. Iyon na lang talaga ang posibleng dahilan para tumigil si Adam. Naisip kasi niyang baka galit iyon sa nangyari kanina.

"B-Baby," Hindi niya nagawang isigaw iyon, pero ipinagtataka niya dahil lumingon sa kanya si Adam. Natutop niya ang kanyang bibig at mabilis na tumalikod, kaso huli na iyon para makatakas pa siya.

"Yes, my baby? Is there anything I can help you with?"

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz