KABANATA 31

1K 15 0
                                    

Kabanata 31

MALINAW pa rin kay Kelly iyong gabi kung kailan siya pinalayas ng kanyang ama, dahil sa sobrang galit nito nang malaman na siya ay buntis. Dumagdag pa ang ideyang nilihim niya iyon sa kanyang magulang. Hindi naman siya nagulat sa reaksyon nila, kahit sino naman sigurong magulang na malalaman mong nabuntis ang kanilang anak. Posible at may karapatan na maramdaman iyon. Sadyang hindi lang niya kinaya na umabot sa puntong kailangan niyang umalis pa sa kanilang bahay.

Halos mahigit tatlong taon na ang nakalipas, pero parang kahapon lang iyon nangyari. Ganoon nga siguro talaga lalo na kapag iyong parte ng nakaraan na iyon ay sobrang hirap pakawalan sa buhay mo, at sobrang laki ng lugar nila sa iyong puso.

Sa loob ng dalawang pu't anim na taon niyang nabubuhay, iyon lamang ang isang araw na masasabi niyang parang pinagtambakan siya ng lahat ng problema at sama ng loob.

Makita mong niloko ka ng iyong kasintahan, idagdag pa iyong pinalayas ka ng iyong ama. Na buong buhay mo, tinuring mong kakampi sa bawat pagsubok na dumating sa iyong buhay pero hindi niya inaasahan na darating pala ang oras na tatalikuran siya. Kung sino pa iyong inaakala niyang totoo niyang kakampi, sila pa ang unang tumalikod sa kanya. Mas masakit at dumurog pa lalo sa kanya ang palayasin siya nito na parang siya na ang pinakamasamang tao. Dahil sa isang pagkakamali, nagawa siyang itakwil sa kanilang bahay.

Tama siya sa pag-iisip na ganoon ang mangyayari, ang hindi siya matatanggap ng magulang. Pero, hindi niya inaasahan na palalayasin siya dahil sa isang pagkakamali na hindi naman niya sinasadya. Hindi man lang nila nagawang pakinggan ang kanyang paliwanag. Kung nasa katinuan lang siguro siya noong gabi na iyon, hindi naman sila hahantong sa ganoong pangyayari.

Hindi rin mawala sa kanyang isipan kung paano siya nagmakaawa sa kanyang ina, noong umalis ang kanyang ama matapos magbitaw na sa tingin niya iyon na ang pinakamasakit na salitang narinig niya mula sa kanyang ama.

*Flashback*

Nang naka-akyat na si Mr. Tolentino, nanatili lamang si Kelly na nakaluhod. Hindi siya halos makatayo dahil sa panghihina na nararamdaman niya.

Sumabay ang pagod ng kanyang katawan sa sakit na dala niya bago umuwi, hanggang sa marinig ang mga masasakit na salita mula sa kanyang ama na buong buhay niya hindi kailanman niya inasahan.

Naramdaman niyang may lumuhod sa kanyang harap, inangat ni Mrs. Tolentino ang kanyang mukha.

Pagod niyang tiningnan ang ina, nagmamakaawa na tulungan siyang gumawa ng paraan para manatili sa kanilang bahay. Kahit iyon lamang, siya na ang bahala na sumuyo sa kanyang ama.

"M-Mama... pakiusap po, a-ayaw ko po na umalis dito." Halos mabasag ang kanyang boses, hindi na rin niya napigilan na mangilid ang kanyang luha. "H-Hindi ko po kaya m-mag-isa..."

Sobrang takot ang nararamdaman ni Kelly, ito iyong isang pangyayari sa buhay niya hindi kailanman niya pinaghandaan. Nasanay siyang kasama ang kanyang magulang, simula pa noon hanggang sa magkolehiyo at magkatrabaho siya. Kung tutuusin ayaw niyang lisanin ang kanilang bahay, kahit pa dumating ang araw na magka-asawa siya.

Ayaw niyang mahiwalay, dahil ang saglit lang na hindi niya kasama ang kanyang magulang. Sobra na ang takot na nararamdaman niya.

Kaya kung kinakailangan niyang gumawa ng paraan, kahit pa ibaba ang kanyang pride. Lumuhod siya, handa niyang gawin ang mga bagay na iyon hindi lang siya paalisin. Kahit pa ideyang makarinig siya araw-araw ng masasakit na salita mula sa kanyang ama, kapag pinilit niyang manatili. Kaya niya iyong tiisin, huwag lang malayo sa kanila.

Ngunit ganoon na lang ang panlulumo ng katawan niya, at pagbagsak ng kanyang luha nang makitang ilang beses na umiling ang kanyang ina.

"H-Hindi ko kayang s-suwayin ang p-papa mo, anak..." Nahihirapang sambit ni Mrs. Tolentino. Pilit na pinapaintindi ni Kelly sa kanyang sarili na intindihin ang kanyang ina. Alam niyang noon pa lang, hindi sila gaano kalapit. Mas malapit siya sa kanyang ama. "D-Dahil nakita mo k-kung paano siya i-inatake ng ayaw niya kay Adam... Alam kong d-dadagdag ako sa s-sakit na nararamdaman mo, p-pero patawad anak, m-mas h-hindi ko kakayanin kung atakihin n-na muli ang papa mo." Halos pumiyok na si Mrs. Tolentino, dahil sa naging emosyonal siya habang kaharap ang anak.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now