KABANATA 8

1.6K 20 0
                                    

Kabanata 8

"KANINA ka pa tulala girl." Puna ni Alex.

"Nag-iisip ako. Huwag kang magulo!" Iritado naman na tugon ni Kelly.

Nasa isang Milk Tea shop kasi silang dalawa ngayon. Nag-aya si Alex. Sumama naman si Kelly dahil libre naman iyon ni Alex. Nagtext din kasi si Adam sa kanya na hindi siya masusundo nito dahil may kailangan daw itong ilakad sa Manila. Sinabi naman niyang okay lang, may sarili namang buhay si Adam. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo nito at naiintindihan naman ni Kelly iyon.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Alex. "Sino?"

"Marites ka talaga." Inis nitong sabi. "Birthday na kasi ni mama, 50th birthday."

"It means, birthday mo na rin." Natutuwang tugon ni Alex.

"Anong regalo mo sa akin?" Bigla naman ay tanong ni Kelly.

Naging seryoso naman ang mukha ni Alex. "Sarili ko."

"No, thanks." Irap ni Kelly.

"Choosy ka pa girl, ha." Tudyo ni Alex.

Kinurot naman ni Kelly si Alex sa kanyang tagiliran. "Shit! Ang sakit." Daing ni Alex, na nakasimangot pa. Diniinan kasi ni Kelly. Panay kasi ang tudyo niya, hindi na natigil.

"Tulungan mo na lang kaya akong magplano 'no." Suhestiyon ni Kelly. "Para naman kahit papaano may ambag ka."

Umarko ang kilay ni Alex. "Ay ganoon? Anak din ba ako?" Sarkastikong tugon pa niya.

"Umalis ka sa harap ko ngayon!" Mariin na sabi ni Kelly.

"Eto naman, hindi mabiro..." Bigla ay bawi ni Alex. "Ano ba kasing naiisip mo?"

PAGKARATING ni Adam sa kanyang opisina. Nadatnan niya roon ang kanyang daddy na prenteng nakaupo sa swivel chair habang ang mommy naman niya ay nakaupo sa couch.

Kaya siya biglaan na bumalik ng Manila ay dahil tumawag si Mr. Dela Fuente sa kanya. May kailangan daw silang pag-usapan na hindi pwede na sa telepono lang. Kaya't kahit ayaw niyang iwan si Kelly. Wala siyang choice kung hindi harapin ang mga magulang niya. Talaga yatang ginigipit siya ni Mr. Dela Fuente.

Lumapit sa kanya si Mrs. Dela Fuente at hinagkan siya sa pisngi. Humalik naman siya sa noo ng ina. Tanging tango lamang ang iginawad nito kay Mr. Dela Fuente.

"I want the wedding in 2 weeks." Bungad sa kanya ni Mr. Dela Fuente. Hindi man lang siya nagawang paupuhin muna dahil pagod siya sa byahe. Ilang oras din kasi ang kanyang naging byahe.

"What?!" Hindi napigilan ni Adam ang sarili at napasigaw.

"Don't shout at me!" Bulyaw ni Mr. Dela Fuente at nagawa pa niyang hampasin ang lamesa. Si Mrs. Dela Fuente naman ay nanatili na tahimik sa gilid. Kapag ganitong usapan, hindi na siya nakikialam pa. Pwera na lamang kapag hindi na siya sang-ayon sa desisyon ng kanyang asawa. "We already talked about this, Ruzel! I'm not getting any younger anymore." Galit na sabi ni Mr. Dela Fuente. Halos lumilitaw na ang kanyang ugat dahil sa galit. "You're my only son, but before you can have this company. I want you to marry someone. You introduced Noreen to me. You said you'd be marrying her. Right?" Sunod-sunod na sabi pa ni Mr. Dela Fuente, tila hindi na niya napigilan pa ang sarili. Gusto niyang ipa-realize kay Adam na matagal na nilang napag-usapan ang bagay na 'yon dahil mukhang nagiging malabo iyon kay Adam. "After that, you asked me for a vacation for 2 months. I allow you to have your vacation. That is what you are doing right now..." Paalala ni Mr. Dela Fuente. "I know you wanted the company, but what was taking you so long?" Pagpapatuloy pa ni Mr. Dela Fuente.

Huminga ng malalim si Adam. Pilit niyang ikinakalma ang kanyang sarili dahil hangga't maaari ayaw niyang makipag sagutan sa kanyang ama. Ayaw niya 'yong ideya na nakikita sila ng kanyang ina na nagsisigawan. "I've changed my mind, dad."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now