KABANATA 21

1.1K 14 0
                                    

Kabanata 21

"WHERE is Kelly?" Bungad agad ni Adam pagkalapit pa lang niya sa lamesa kung nasaan ang kanyang magulang. Hindi niya lang masilayan si Kelly, kinakabahan na siya.

"She went to the comfort room..." Tugon naman ni Mrs. Dela Fuente, na busy sa pakikipag-usap sa magulang ni Kelly.

Hindi na nagsayang pa ng oras si Adam at tinungo na niya ang comfort room. Sa unang comfort room na pinasukan niya, hindi niya roon nakita si Kelly.

Doon pa lang, iritado na ang mukha ni Adam. Iba ang kanyang pakiramdam, lalo na at ito ang unang beses ni Kelly sa kanilang building.

Nang marating ni Adam ang ikalawang comfort room. Galit ang namuo sa kanyang loob nang makita ang isang lalaki, na pilit tinatakpan ang bibig ng kanyang kasintahan. Nakita niya kung paano nagpupumiglas si Kelly dahil sa sobrang higpit ng pagtatakip sa bibig niya. Naikuyom niya ang dalawang kamay, kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa galit. Mabilis niyang nilapitan ang lalaking nakatalikod sa gawi niya, agad na hinila, at ginawaran ng suntok. Mukhang hindi inaasahan iyong ng lalaki, dahilan iyon para matumba siya at mawalan ng control. Hindi pa roon nakuntento si Adam dahil nilapitan pa niya at muli niyang sinuntok, talagang nanggagalaiti siya sa galit.

"Who the fuck are you?!" Sigaw ni Adam, habang hawak ang kwelyo ng lalaki. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya, kulang na lang mawalan na ng hininga ang lalaki.

"B-Bakit k-ko n-naman sasabihin s-sa iyo?" Nagawa pang tumawa ng lalaki, kahit halatang nahihirapan siya at mahigpit na ang pagkakasakal sa kanya. Hindi natuwa si Adam sa inasal ng lalaki, at hindi napigilan ang sarili na muling gawaran ng suntok ang lalaki.

"A-Adam..." Nanghihina na wika ni Kelly. Nang mapatingin naman si Adam sa direksyon ni Kelly, mabilis naman na nagbago ang kanyang ekspresyon at agad na dinaluhan ang kanyang nobya.

Kita sa mukha ni Kelly ang hirap niya sa pag control ng kanyang nararamdaman, hindi naman siya pinagpapawisan pero sadyang mainit ang kanyang pakiramdam.

"Did he do something to you?" Puno ng pag-aalala na tanong ni Adam.

Inilingan lang siya ni Kelly. "A-Ang init..." Hirap na hirap na sambit pa nito. Nataranta naman si Adam, hindi niya mawari kung ano ang nangyayari.

Dinampot niya ang telepono, at mabilis na tinawagan ang kanyang sekretarya. "Come here, first floor CR! NOW!" Mariin niyang bigkas, agad din na binabaan ng telepono ang kausap.

Dumating kaagad ang sekretarya ni Adam, habol pa nito ang kanyang hininga. "You know what to do!" Utos ni Adam, na tinanguan lang ng kanyang sekretarya. Huli niyang nakita na dinaluhan ng sekretarya niya ang lalaking nakahalumpasay pa sa sahig.

Binuhat ni Adam si Kelly na halos hindi na mapakali na nakahawak sa kanya. Naisipan niyang dalhin iyon sa kanyang opisina. Hindi naman kasi niya pwedeng dalhin sa lamesa nila, hindi iyon magandang ideya.

Kung ano man ang nangyayari sa kanyang nobya, hindi pwedeng malaman iyon ng magulang ni Kelly. Dahil iniisip pa lang niya iyon, alam niyang mali na. Baka kung saan pa mapunta o ano pa ang posibleng mangyari, mas lumala pa ang sitwasyon nilang dalawa.

"What is happening to you?" Litaw na litaw pa rin kay Adam ang pag-aalala. Maingat niya na ibinaba ang kasintahan sa mahabang sofa.

"A-Ang init..." Reklamo muli ni Kelly, panay pa ang galaw nito. "Hindi ko na kaya!"

Kumuha si Adam ng tubig at inabot iyon kay Kelly. Pero imbes na inumin ni Kelly iyon, ibinuhos niya sa kanyang ulo.

"B-Baby..." Tanging bulalas ni Adam. Talagang nagtataka siya sa kinikilos ni Kelly.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now