KABANATA 39

881 11 0
                                    

Kabanata 39

"I-IKAW nagpatanggal po, nanay?"

Hindi kaagad nakagalaw ang dalawa nang marinig ang boses ni Riri sa kanilang likuran, lalo na si Kelly. Malinaw naman kasi sa kanyang sinabihan ang anak na manatili lamang doon at siya ang kakausap kay Alex pero hindi niya iyon pinakinggan.

Nang makabawi si Kelly, hinarap niya ang kanyang anak. "Bakit ka umalis doon?" Seryosong sambit niya. Ngunit parang hindi natinag ang kanyang anak at magkasalubong pa ang kilay nito. Para bang inaakusa si Kelly sa narinig lang na sinabi ni Alex. "Hindi ba't bilin ko sa iyo na doon ka lang dahil ako ang kakausap sa tata mo," Dagdag niya na parang pinapa-realize sa anak iyong bilin niya kanina. "Masama ang makinig sa usapan ng matatanda, anak. Nakalimutan mo na?"

"Alam ko po 'yan, nanay!" Parang binatilyo nitong tugon kay Kelly. "Pero masama rin po ang sinungaling, nanay!"

Nagkasalubong ang kilay ni Kelly, hindi rin maitatanggi na nagulat siya sa sinabi ng kanyang anak. "Sinungaling, anak? Saang parte ako nagsinungaling sa iyo?" Halos ikabasag ng kanyang boses iyon.

"Ikaw pala ang may gusto na alisin yaya ko!" Nanunumbat ang tinig ni Riri, ramdam ang sama ng kanyang loob sa narinig na pinag-uusapan ni Alex at ang kanyang nanay.

"Hindi totoo 'yan!" Apila agad ni Kelly, pilit na kinokontrol ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mas sumama ang loob sa kanya ng anak. "Dahil hindi ko pa naman siya nakakausap, anak..." Pagtuloy niyang depensa sa sarili.

Iyon naman ang katotohanan na hindi pa nakakausap ni Kelly ang yaya nitong si Lyn. Pero dahil siguro sa sinabi ni Alex kay Riri, iyon ang pinanghahawakan ni Riri. Hindi rin kasi masisisi si Riri dahil malinaw niya iyon na narinig.

"Ano tawag mo po riyan, nanay?" Muling sumbat ni Riri, talagang may pinaglalaban siya. "Narinig ko kayo ni tata!" Naglipat lipat pa ang tingin sa kanila, hindi pa roon nakuntento dahil tinuro pa silang dalawa. "Usap kayo! Ikaw po ang may gusto, nanay. Kaya huwag mo ako loko na hindi mo alam! Rinig na rinig ko iyon, nanay! Hindi ako bingi!" Ramdam ang pagbilis nang tibok ng puso ni Riri, nakanguso pa iyon at nananatiling magkasalubong ang kanyang kilay. Hindi rin nakaiwas ang pagbabadya ng kanyang luha.

Akmang lalapitan ni Kelly ang anak, ngunit mabilis iyon na tumalikod sa kanya at tumakbo. "A-Anak, ipapaliwanag ni nanay sa iyo!" Tarantang tugon ni Kelly.

Saglit na huminto si Riri at hinarap siya. Nakasimangot pa iyon na nagpahid ng kanyang luha. "A-Ayaw! Sama kayo ni tata, loko niyo si Riri!"

Handa na sanang humakbang si Kelly pero hinawakan siya ni Alex sa kanyang braso. Nakakunot ang noo ni Kelly nang harapin niya si Alex.

"B-Bakit mo ako pinipigilan?" Nagtataka pa rin si Kelly. Pilit na inaalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Alex pero mas lalo lang iyon na hinigpitan ni Alex. "Kakausapin ko ang anak ko!"

"Hayaan mo muna siya. Huwag mong ipilit na maayos agad ang isang bagay lalo na at bago pa lamang. Masama pa ang loob niya, kahit sa akin ganyan din ang reaksyon niya kanina." Paliwanag ni Alex. "Hayaan mo munang gumaan ang kanyang pakiramdam."

Lumamlam ang mukha ni Kelly. May parte namang naiintindihan niya ang punto ni Alex, pero sadyang hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. "Hindi ko kayang tiisin, Alex. Ang mawalay nga lang siya sa akin ng ilang oras kahit pa sabihin na nagtatrabaho ako para sa kanya, mahirap na. Iyon pa kayang sumama ang loob ng anak ko sa akin."

Tumango naman si Alex, tipid siyang ngumiti. Nakuha niya ang punto ni Kelly at kahit man kaibigan siya hindi naman pwedeng ipagkait niya iyon kay Kelly, o kahit sino man. May kauting pagtutol man sa kanyang puso, nagawa pa rin niyang pumayag dahil litaw ang pag-aalala niya kay Kelly. "Sige, ikaw ang bahala... Pero alam ko na alam mo na ikaw lang ang kayang magbigay ng solusyon diyan, tiwala akong alam mo ang gagawin sa puntong 'to. Lalo na't anak mo ang involve."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now