KABANATA 26

933 12 0
                                    

Kabanata 26

"SIGURADO ka ba, girl?" Paniniguro ni Alex, baka kasi nabibigla lang si Kelly. Mahirap pa naman kasi Manila iyon. Hindi basta-basta ang lugar na iyon, hindi pa naman nila kabisado pareho.

"Oo, buo na ang loob ko!" Desidido na tugon ni Kelly, hindi man lang niya binalingan ng tingin si Alex.

Nasa kwarto kasi silang dalawa ni Kelly, nag-aayos ng gamit na dadalhin niya papuntang Manila. Hindi pa nga siya sigurado kung papayagan, pero nag-aayos na ng kanyang gamit.

"Paano mo sasabihin sa mga magulang mo?"

Kahit kasi saang anggulo tingnan. Nakakagulat talaga. Biglaan kasi masyado ang desisyon ni Kelly. Hindi naman kabilang barangay lang ang Manila.

*Flashback*

Nang mapaupo siya, inalalayan kaagad siya ni Alex papunta sa pinakamalapit na upuan. Ipinagkuha niya muna ng tubig, at pinainom iyon kay Kelly.

"Ano bang sabi?" Nag-aalala na tanong ni Alex, talagang nagulat siya nang makitang matutumba si Kelly. Nabitawan pa nito ang kanyang telepono.

"Hindi raw siya makakapunta," Sagot ni Kelly, doon lang naging normal ang kanyang paghinga pagkatapos makainom ng tubig.

Bakit hindi man lang niya naalala?

Iyon ang bumabagabag sa isipan ni Kelly. Hindi naman niya kailanman nakalimutan, sadyang si Adam lang lagi ang unang bumabati sa kanilang dalawa.

Pero, ngayon? Kahit bati man lang, wala. Kung may trabaho man siya, maintindihan niya iyon, eh!

Nangunot ang noo ni Alex, nagtataka kung paanong hindi makakapunta si Adam. Ito ang unang beses na mangyari iyon, nakakagulat lang. "Bakit?"

"May meeting..." Wala sa sariling sagot ni Kelly, sobrang lalim ng kanyang iniisip.

"Iyon naman pala, edi intindihin mo muna. Hindi pwedeng mag-isip ka ng kung ano-ano, hindi makakabuti sa iyo. Tandaan mo hindi lang sarili mo ang iniisip mo ngayon, dalawa na kayo." Paalala ni Alex sa kanya.

Kapag kasi emosyonal ang babae, lalo na sa ganitong eksena. Panigurado na hindi niya maiiwasan na mag-overthink. Iyon ang iniiwasan ni Alex na mangyari ngayon kay Kelly, dahil buntis siya at hindi magiging maganda ang reaksyon noon sa kanyang sarili.

"Pupunta akong Manila." Bigla ay sambit ni Kelly. Para bang iyon na talaga ang solusyon sa iniisip niya.

"Ano?" Hindi napigilan ni Alex na mapasigaw. Seryoso ba talaga siya? Dahil lang hindi nakapunta ng dinner nila si Adam, susugurin na niya sa Manila?

Akala mo naman napakadali na gawin, eh.

"Alam kong hindi ka bingi, hindi ko na uulitin pa." Pagtataray ni Kelly, mukhang nawala na naman siya sa mood dahil sa nangyari.

Nauna nang naglakad si Kelly paakyat ng kanyang kwarto. Napailing na lang si Alex, at walang nagawa kung hindi sundan si Kelly.

*End of Flashback*

BIGLA na lang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kelly at iniluwa noon ang magulang niya, nanlaki ang mata ni Mr. at Mrs. Tolentino.

Magkalayo naman sila ni Alex ng pwesto, pero ang ideyang magkasama silang dalawa sa iisang kwarto ay hindi kailanman iyon pwede lalo na kay Mr. Tolentino.

"Anong ginagawa mo, Kelly?!" Buong-buo ang boses ni Mr. Tolentino, nag-iigting ang panga nitong nahinto ang tingin sa inaayos ni Kelly na gamit niya.

"Makikipagtanan ka, Kelly?" Sunod na tanong ni Mrs. Tolentino, nakahawak sa kanyang dibdib. Animo'y nahihirapan na huminga.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now