KABANATA 22

1.1K 13 1
                                    

Kabanata 22

NAGING normal ang takbo ng relasyon nila Adam at Kelly. Ganoon naman talaga ang isang relasyon, minsan may pagsubok. Minsan iiyak, minsan masasaktan ka. Minsan magugulat ka na lang sa mga posibleng kaya nitong ibigay sa magkasintahan.

Bumalik na sa trabaho si Kelly, ganoon din si Adam. Bilang siya nga ang bagong CEO, naging mabigat ang kanyang trabaho. Minsan na lang sila magkita, minsan na lang din makauwi si Adam sa probinsya nila Kelly. Kahit ganoon man ang nangyari, palagi pa rin naman silang nag-uusap. Wala pa rin namang palya, sa pagpapakita si Adam ng kanyang intensyon kay Kelly kahit na nobya na niya ito.

Naiintindihan iyon ni Kelly dahil alam niya at nakita niya ang sinumpaan nitong trabaho. Sa isip ni Kelly, maayos naman na ganoon para hindi sila magkasawaan. Mahirap din kasi lagi kung palagi silang magkasama.

Kasalukuyang nasa trabaho si Kelly, at lumabas silang dalawa ni Alex para bumili ng ulam. Kanina pa sila nakaupo sa karinderya, pero kanina pa rin naiinis si Alex dahil pipili lang ng ulam. Hindi pa rin nakakapili si Kelly.

"Girl, pumili ka na! Ano pang hinihintay mo riyan, balak mo pa yatang hintayin ang pang-meryenda nilang benta, eh?" Sarkastikong sabi ni Alex, na bumubulong-bulong pa!

Nairita naman si Kelly. Ayaw niya ng pinangungunahan siya. "Manahimik ka nga!" Sita niya kay Alex. "Paano ako makakapili kung ang ingay mo riyan!"

Gulat na napaharap si Alex, at pinagtaasan pa siya ng kilay. "Ano? Ako pa?" Turo ni Alex sa sarili, tila hindi makapaniwala. "Bakit parang kasalanan ko pa ngayon, ha?" Madamdamin nitong sabi. "Alam mo ba girl, napadaan na natin lahat ng customers. Iyon ngang mga nadatnan natin dito nang dumating tayo tapos na kumain, eh!"

"Hindi ko nga kasi gusto 'yan! Wala akong gusto!" Iritadong dahilan ni Kelly.

"Wala ka naman pa lang gusto, pinatagal mo pa!" Naiinis na sambit ni Alex, kulang na lang talaga masapak niya si Kelly. Kung hindi lang siguro ito babae, at wala sila sa publikong lugar. Kanina pa niya nagawa, nagpipigil lang talaga siya dahil ayaw niya ng eksena.

"Sa iba na lang." Suhestiyon pa ni Kelly.

Pagak na tumawa si Alex. "Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala na tumingin ni Alex kay Kelly, halos ikabagsak pa ng balikat niya iyon. "Kanina ka pa rito, tapos ngayon mo lang sasabihin." Himig sa boses nito ang pagkainis. Hindi naman masisisi si Alex, kasi kanina pa nga sila sa karinderya pero halos abutin na sila ng isang oras pero wala pa rin napili si Kelly.

Napairap na lang si Kelly. "Kung ayaw mo lang akong samahan edi huwag! Mag isa akong maghahanap!"

Akmang aalis na si Kelly, nang mabilis naman siyang hinawakan ni Alex. "Huwag kang attitude girl, ha!" Umirap pa ito. "Ayaw mo ba niyan? Chicken, oh... marami ka pang pagpipilian!" Pangungumbinsi pa ni Alex, para hindi na sila lumipat pa sa ibang tindahan.

"Sabi ko nga wala akong gusto riyan. Iba ang hanap ko!" Giit ni Kelly. Pinagpipilitan talaga niya ang gusto.

Dati naman kasi tuwing bibili sila ng ulam sa karinderya, basta nakakita si Kelly nang kahit anong luto ng chicken. Bibili na agad siya, pero ngayon na halos manok ang nakalagay. Hindi naman niya gusto, at talagang pinauna pa niya ang mga ibang customers.

"Arte, ha!" Puna ni Alex. "Girl, sabihin mo nga! Anong pinaulam sa iyo sa Manila? Try nating maghanap..." Sarkastiko pang suhestiyon ni Alex.

"Gaga, wala namang pinagkaiba!"

"Aba malay ko ba kung kumain ka roon iyong nakikita ko sa mamahaling restaurant, na sinisindihan iyong karne." Seryoso pa ang pagkakasabi ni Alex.

Hindi tuloy napigilan ni Kelly na pitikin ang noo ni Alex. "Siraulo, steak iyon!"

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now