KABANATA 38

902 12 0
                                    

Kabanata 38

"HINDI na siya babalik dito, anak. Hindi na siya ang magiging yaya mo."

Naalarma agad si Alex nang makita na nanginginig na ang ibabang labi ni Riri. Senyales na iyon na malapit na itong umiyak. Mabilis na lumapit si Alex kay Riri. Ngunit iwinaksi lang ni Riri ang kanyang kamay.

Umiling-iling pa ito kay Alex. "A-Ayaw!" Nagulat man si Alex sa pag sigaw ni Riri, nagawa pa rin niya na kontrolin ang sarili. Tulad nang gusto ni Riri, nagbigay siya ng distansya sa kanilang dalawa.

"A-Anak, ipapaliwanag sa iyo ni tata..." Tugon ni Alex, sa mahinahon na paraan. Akmang lalapit ulit si Alex ngunit hindi na niya nagawa pa dahil binato siya ni Riri ng kutsara na basta na lang niya na dinampot. Hindi naman siya pisikal na nasaktan, dahil iyong lakas naman ng pagkakatapon sa kanya ay lakas lang mula sa isang bata. Pero iyong ideya na binato siya. Sobrang siyang nasaktan!

"A-Ayaw ko! Ayaw ko sa iyo!" Patuloy na sigaw ni Riri, kasalukuyan pa rin na umiiyak. Naglilikot na sa kanyang upuan, kaya naman binaba na siya ni Alex dahil baka mahulog lang ito. Mas malaki niyang problema kapag nangyari iyon. Hindi man umalma si Riri sa ideyang iyon, pero nang maibaba siya ni Alex mabilis naman na tumakbo palayo iyon sa kanya.

"N-Nanay! Nanay!" Sigaw ni Riri nang makarating sa tapat ng hagdan. Sinundan lamang iyon ni Alex baka biglang umakyat mag-isa, pero parang nakaramdam si Riri at nang mabalingan siya ng tingin. Halatang halata ang namumulang mata ng bata at nakasimangot pa rin. Hindi rin nakaiwas ang sama ng tingin sa kanya ni Riri.

Iwinawaksi pa ni Riri ang kanyang kamay, senyales iyon na pinapalayo niya si Alex. "Layo ikaw! Huwag ka subok lapit sa akin! Bad ka! Ayaw ka na Riri!" Sunod- sunod iyon na sambit ni Riri, ramdam sa boses nito ang sama pa rin ng loob.

Huminga ng malalim si Alex, at pinili na lang na umatras. Parang pinapakita niyang sumusuko na siya. Sa puntong iyon wala siyang magawa kung hindi gawin ang sinasabi ni Riri. Kahit malaki ang kagustuhan niyang magpaliwanag kung bakit iyon nangyari, pero sadyang sarado ang isip ni Riri para pakinggan man lang ang kanyang paliwanag.

"Nanay ko!" Muling sigaw ni Riri. Mabuti naman at hindi iyon nagtangka na umakyat mag-isa. Sapat na iyon kay Alex, dahil kapag umakyat mag-isa si Riri pareho silang malalagot kay Kelly.

Hindi lubos maisip ni Alex kung anong dahilan. Alam niyang hindi lang simpleng dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Riri. May mas malalim pang dahilan.

Napaisip siya sa sinabi ni Kelly noong isang araw na nakakapagtaka, kaya naman hindi niya rin magawang pagdudahan ang sinabing iyon ni Kelly. Kung paanong naging mabilis nga na nakuha ni Yaya Lyn ang loob ni Riri?

*Flashback*

"LYN!"

Lumabas ng bahay si Alex para mahabol si Lyn. Sa mismong araw na iyon naisip niyang kunin ang pagkakataon na iyon para kausapin ang yaya ni Riri habang tulog na ang dalawa dahil alam niyang mahihirapan na naman siyang makakuha nang pagkakataon na gawin iyon.

Napatigil naman si Lyn sa pagtakbo. Nang hinarap niya ang tumawag sa kanya, hindi maitatago ang gulat sa kanyang mukha. "Sir! Sure na po ba kayo? Hahabulin niyo na talaga ako?" Halatang halata pa rin ang gulat sa mukha ni Lyn.

Mariin na napapikit si Alex. Sa isip niya, hindi pa rin pala tapos si Lyn sa kabaliwan niya. "Hindi 'yon..." Napakamot tuloy sa ulo si Alex. "G-Gusto ko sa--."

"Gusto mo ako, sir?" Napatakip si Lyn sa kanyang bibig, nanlaki pa ang kanyang mata.

Nasapo na lang ni Alex ang kanyang mukha. Nadale na! Napabuga siya ng marahas sa hangin. "Gusto kitang makausap, iyon ang gusto ko sanang sabihin." Pagtama ni Alex. Nakita naman niya kung paano bumagsak ang balikat ni Lyn. Tila nanghihinayang, pero mas litaw iyong kahihiyan na nararamdaman para sa kanyang sarili.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora