WAKAS

2.2K 28 0
                                    

Wakas

"HIJA,"

Kasalukuyan na inaayusan si Kelly, at hindi man lang niya napansin ang pagpasok ng magulang ni Adam.

"Tita, Tito... kayo po pala," Saad niya, nang makita ang mag asawa sa kanyang likod.

"We're sorry about the reason why you and my son got far from each other." Madamdamin na sambit ni Mrs. Dela Fuente, habang hawak siya sa magkabilaan niyang balikat.

Ipinatong naman niya ang kanyang kamay sa kamay ni Mrs. Dela Fuente na nakahawak pa rin sa kanyang balikat, marahan iyon na hinaplos. "Tita, ako nga dapat po ang humingi ng tawad. Tungkol sa nangyari sa kompanya niyo."

Nalaman niya lang kasi iyon dahil sa sinabi ni Adam, noong panahon na nakapagusap silang dalawa pero hindi rin kasi siya sigurado kung maayos na ba iyon dahil hindi naman sinabi ni Adam sa kanya.

"Hija," Nabaling naman ang tingin niya sa Ama ni Adam. "We'd rather lose the company than lose our son."

Napaawang ang kanyang labi, hindi siya makabuo ng salita sa sinabi ni Mr. Dela Fuente. Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig. Kahit man hindi sabihin, alam niyang bago sila makapagpatayo ng sariling kompanya, marami pa silang pinagdaanan.

"If my son loses you, it means losing him." Dugtong pa ni Mr. Dela Fuente.

Naiilang na ngumiti si Kelly. Nakuha niya ang punto ni Mr. Dela Fuente, pero hindi niya mawari kung deserve ba niya?

"T-Tito, salamat." Nakangiti siyang sabi. "Hmm, maayos na po ang kompanya niyo?"

"Yes, hija... no need to worry about it." Tugon naman ni Mrs. Dela Fuente, nakita siguro na parang nag aalala pa rin siya sa nangyari sa kanilang kompanya. "We'll just wait for you outside, hija." Dugtong pa ni Mrs. Dela Fuente.

Tumango siya at ngumiti rin sa mag asawa. "I hope it will be okay with you if my grandson reaches the legal age. He'll probably have the company."

Nag aalangan siyang ngumiti. Hindi naman iyon pumasok sa kanyang isipan, pero hindi rin naman imposible dahil nga isang Dela Fuente ang mapapangasawa niya.

"I'll consider that, tito. Thank you."

Umiling si Mr. Dela Fuente. "No, hija... thank you for raising a Dela Fuente." Bumeso lang si Mrs. Dela Fuente sa kanya, ganoon din si Mr. Dela Fuente bago sabay na lumabas ang mag asawa.

PAGKABUKAS ng malaking pintuan ng Manila Cathedral, doon nagsimula na tumugtog ang napili nilang dalawa ni Adam na kanta para sa kanilang kasal. Iyon ang kantang, Forevermore ni Jed Madela.

Manila Cathedral ang pareho nilang simbahan na napili dahil iyon ang simbahan kung saan una sila pareho na pumasok. Dito rin sa simbahan na 'to natupad ang unang kahilingan ni Kelly, ang kanyang hiling ng isang kaarawan na hindi niya kailangan man makakalimutan. Pangalawa, ang magkaroon ng anak at huli niyang hiling, na siyang kinakaharap niya ngayon. Ang ikasal sa lalaking mahal niya, at bumuo ng pamilya kasama nito.

Sa haba ng kanyang lalakarin makalapit lang sa Altar, kahit may kalayuan kita niya ang lalaking kusang binigay sa kanya ng Diyos. Ang Diyos mismo ang nagdala sa kanyang harapan.

Suot ang kanyang Lace Wedding Dress, kung saan litaw ang hubog ng kanyang katawan. Nakangiti siyang naglakad habang hawak siya sa magkabilaan na braso ng kanyang mga magulang.

Nang makalapit sila sa kalagitnaan, inabot siya ng kanyang magulang kay Adam. Nagbilin pa ang kanyang magulang kay Adam, na malugod naman na tinanguan ni Adam iyon.

Nagsimula ang seremonyas, pero mukhang isa lang yata ang inaabangan nilang dalawa pareho. Iyon ang sabihin ang pareho nilang nararamdaman sa isa't isa.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now