KABANATA 53

1K 14 0
                                    

Kabanata 53

"MAGKAKILALA kayo?" Pag-uulit ni Kelly nang wala man lang narinig mula kay Adam o kay Lyn man lang.

"Adam," Baling ni Kelly rito, iyong tono niya isang babala.

Tumikhim muna si Adam bago alanganin na tumango kay Kelly. "N-Niloko ninyo ako!" Hirap na sambit ni Kelly, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nalaman.

Sa dami ng pinag usapan nila na nalaman niya mula kay Adam, parang ito ang balita na talagang mas gumimbal sa kanyang pagkatao.

Hindi niya iyon inaasahan.

"No, we didn't." Kabado man si Adam, nagawa pa rin niyang i-depensa ang sarili.

Umiling iling si Kelly at umatras mula kay Adam. Nakita niya kung paano nasaktan si Adam sa kanyang ginawa, pero mas nangingibabaw iyong nararamdaman niya. Hinarap niya si Lyn na tahimik lang at masamang tingin ang binigay niya. "S-Sino ka? At paano kayo nagkakilala?!" Hindi napigilan ni Kelly ang sarili at napasigaw dala nang galit na nararamdaman.

Hindi magawang makasagot agad ni Lyn. Nang mag angat iyon ng tingin kay Adam siya tumingin. Halatang nanghihingi ng tulong.

Nanlisik naman ang mata ni Kelly, mabilis siyang lumapit kay Adam at humarang para hindi sila magkausap. Ngunit, hindi iyon naging sapat dahil matangkad si Adam.

"Huwag mo siyang tingnan!" Pagtataray ni Kelly. "Sagutin mo ako, dahil ikaw ang tinatanong ko. Hindi naman siya!"

Sa una pa lang naman na pagkikita nila ni Lyn, may mali na talaga siyang nararamdaman. Ngunit, hinayaan niya lang iyon dahil nangibabaw ang tiwala niya kay Alex.

"Sagot!" Muling sigaw ni Kelly, nang wala pa ring nakukuha na sagot mula kay Lyn. "Simple lang naman iyong tanong ko, hindi mo pa masagot!" Dugtong pa niya.

Hinahaplos naman ni Adam ang braso ni Kelly para kumalma pero iwinaksi lang niya iyon.

Hindi mo ako makakuha riyan!

"B-Baby," Tila naalarmang sabi ni Adam.

Hinarap ni Kelly si Adam at inirapan iyon. "Bahala kayo riyan! Magsama kayong dalawa!" Handa na sanang humakbang si Kelly pero pinigilan siya ni Adam, niyakap niya iyon sa baywang.

"Don't be jealous, my baby. She's not my girl, she's my cousin..." Saglit na huminto si Adam. "She's Jaylyn."

Hindi kaagad nagsink-in kay Kelly iyon, hanggang sa lumabas si Riri. Hindi agad siya nakita ng kanyang anak, pero binalingan noon ang kausap niyang si Lyn.

"U-Usap na po kayo ni Nanay, Tita Ja?"

Napaawang ang labi ni Kelly, tinuro niya ang anak na parang hindi makapaniwala.

"A-Alam mo, anak?" Pagkuha niya ng atensyon ni Riri.

Nakita niya kung paano dahan dahan na umikot iyon sa kanyang gawi at tumango sa kanya. "S-Sorry po Nanay ko... ayaw ko po sinungaling sa iyo, kasi ayaw ko po galit ka. P-Pero pangako po ako kay Tita Ja, eh." Nanginginig ang labi na paliwanag ni Riri.

Sinenyasan naman iyon ni Kelly na lumapit. Hindi naman nag atubili pa si Riri na lumapit sa kanyang Nanay. "H-Hindi galit si Nanay, anak..." Tila hirap na sambit ni Kelly. Binuhat niya iyon, at hinalikan sa labi.

Iyong pakiramdam na gusto niyang manumbat, pero ang kaharap niya ay ang kanyang anak. Kaya hangga't kaya niyang isantabi ang galit niya, iyon ang kanyang gagawin.

Yumakap naman sa leeg niya ang anak, kaya naman hinaplos haplos niya ang likod nito.

"Alam ba 'to ni Tata mo?" Tanong ni Kelly kay Riri. Naramdaman naman niyang umiling ang anak.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora