KABANATA 4

2.5K 39 1
                                    

Kabanata 4

"SINO 'yon girl?"

Napatalon naman si Kelly dahil sa gulat. Kahit kailan talaga 'tong Alexandra na 'to napakagaling manggulat. "Marites ka na niyan?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Napahawak naman sa dibdib si Alex. "Judgemental naman 'to!" Akusa sa kanya. "Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?"

Napangiwi si Kelly. "Kung sa iyo, hindi na iyon tanong... Tsismis na ang dating noon."

Sumimangot naman si Alex. Tila hindi niya matanggap. "Sama mo!" Sinundan pa niya ng irap.

Inirapan din niya pabalik si Alex. "Itigil mo iyan!" Pagtukoy niya sa pagsimangot nito. "Hindi mo bagay!" Sita niya.

"Tse!" Inikutan siya ng mata ni Alex. "Diyan ka na nga!"

Nauna nang maglakad si Alex. Natatawa naman sinundan ni Kelly ang binata.

Baklang pikon!

NAG-AAYOS na ng gamit si Kelly. Ilang minuto na lang kasi, pwede na silang lumabas.

"Hindi ka naman halatang excited umuwi 'no?" Pang-aasar ni Alex. Mukhang siya naman ang binabawian ng binata ngayon. Kanina ay nagkaayos na silang dalawa, hindi naman tumatagal kapag sila ay nag aaway dahil hindi naman nila ginagawang big deal iyon. Sadyang maarte lang talaga si Alex, ang dami pa niyang nalalaman.

"Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo, ha?"

Natigilan si Alex, tila nag-iisip kung saan nga ba? "Hindi ako sure, eh." Saad niya, halata pa rin sa kanyang itsura ang pagtataka. Kahit kasi siya ay walang ideya kung saan nga ba.

"Hindi ba sa tsismis?" Sarkastiko na tanong ni Kelly.

Tumawa naman si Alex na napunta lamang sa ngiwi. "Funny ba 'yon, girl?"

"Tara na! Pwede na raw lumabas." Sabat naman ng isang ka-trabaho nila. Dahilan para matigil silang dalawa.

Muling tinignan ni Kelly ang mga pinaglagyan niya ng mga gamit kung may mga naiwan ba o may nakalimutang siyang tanggalin sa saksakan, bago niya tinungo ang labas.

"Tara." Sabay akbay sa kanya ni Alex.

"Hoy, anong trip mo? May nalalaman ka pang akbay." Nagtataka ni Kelly na tinignan si Alex. Pilit niyang tinatanggal iyong kamay ni Alex na nakaakbay sa kanya, kaso mahigpit ang pagkakakapit nito. Mukhang walang balak na alisin iyon.

"May gusto lang akong malaman." Bulong naman ni Alex. Halos magsitaasan ang balahibo niya, sobrang lapit naman kasi ng mukha ni Alex.

Inilayo naman niya ang mukha sa binata. Kung trip man siya, wala siyang panahon sa mga iyon. "Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo, Alexander ha!" Singhal niya.

"Ikaw rin magbebenefit nito. Promise." Panigurado pa ni Alex, animoy sigurado talaga na iyon ang magiging resulta ng kanyang gagawin.

Nakaisip naman ng kalokohan si Kelly. "Kung gusto mo ako—."

Lumayo naman kaagad si Alex sa kanya. "Girl, sorry. Pero hindi kita type." Kita pa sa mukha nito ang pandidiri sa ideyang 'yon.

"Wow ha, ikaw pa lugi niyan." Sarkastikong tawa ni Kelly.

Hindi nagkamali si Kelly na gagana 'yong kalokohan niya. Ganoon kasi iyong ibang ka-trabaho nila, lalo na kung pinagtitripan sila ni Alex. Mahirap kasi siyang pigilan lalo na kapag nasa mood siya mang-asar. Tuwing ganoon ang nangyayari, para mapatigil siya sasabihin lang nila ang bagay na 'yon. Kung minsan naman ay aasarin nilang hahalikan siya.

"Of course. Gold ako, eh." Buong pagmamalaki ni Alex.

NAKASANDAL naman sa kanyang kotse si Adam. Magka-krus pa ang dalawang braso niya. Habang hinihintay si Kelly na lumabas, dahil silang dalawa ay may usapan.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now