KABANATA 36

934 14 0
                                    

Kabanata 36

"A-ANONG mayroon?"

Kahit mahina lang ang pagkakasabi ni Kelly, sapat na iyon para marinig ng dalawa. Halos mabitawan ni Lyn ang kanyang telepono, at nakita rin Kelly kung paanong naging mabigat ang paghinga nito. Ang anak naman ni Kelly ay napatigil sa paghagikgik, iyong reaksyon na pinapakita niya ngayon kay Kelly ay sobrang layo sa kung ano ang nadatnan ni Kelly kanina nang mabuksan niya ang pinto.

"N-Nanay, aga ka po ngayon," Puna ni Riri, parang kabado pa ang bata sa lagay na iyon. Hindi maiwasan ni Kelly na kumunot ang kanyang noo. Parang ang naging dating sa kanya, ayaw nito iyong ideya na maaga siyang umuwi. Nag-iwas ng tingin ang kanyang anak, at binalingan ng tingin ang kanyang Yaya Lyn. "Tulong po, Ti-Yaya Lyn... Baba po ako."

Pansin ni Kelly ang panginginig ni Lyn, pero nagawa naman niyang ibaba ng maayos ang kanyang anak. Narinig pa niya kung paanong nagpasalamat ang kanyang anak at kung paano tipid lang na ngumiti si Lyn. Nawala nang tuluyan ang kanyang atensyon kay Lyn nang nakalapit na pala sa kanya si Riri.

Sinalubong siya ni Riri nang mahigpit na yakap. Lumuhod naman si Kelly para mapantayan ng tingin ang anak at malugod niyang ginantihan ng yakap ang bata. Nang humilay siya, hinalikan niya iyon sa noo at dinampian ng halik sa labi.

"Bakit ang aga mo po, nanay? Hindi po marami work mo?" Litaw ang kuryosidad sa mukha ni Riri, nang itanong niya iyon.

Tipid na ngumiti si Kelly sa anak. Sinuklay pa niya ang buhok nito gamit lamang ang kanyang daliri. "Hindi naman anak, tsaka miss na kita..." Ramdam sa tinig ni Kelly ang paglalambing.

"Nanay, ilang oras lang naman po iyon."

Doon na hindi napigilan ni Kelly ang sarili. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Inosente ang pagkakasabi ng anak, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito. Nagtataka niyang tiningnan ang anak. "Ayaw mo ba akong umuwi ng maaga, anak?"

Umiling naman si Riri. "Hindi naman po, nanay. Taka lang po ako kasi aga mo po umuwi, eh... Noong nakaraan naman tulog na po ako."

Totoo naman iyon dahil halos noong nakaraang linggo, hindi na nadatnan ni Kelly na gising pa ang anak. Dahil isa iyon sa mahigpit niyang bilin na kung gagabihin man sila nang uwi, dapat patulugin na siya ni Lyn.

"Ganoon ba?" Tumango muli si Riri. "Dapat masanay ka na, maaga na ako uuwi lagi."

"Bakit parang hindi ka masaya, anak?" Muling nagsalita si Kelly, wala kasi man lang siyang nakitang reaksyon mula sa kanyang anak. Hindi rin nito nagawang sagutin ang sinabi niya.

Kung ikukumpara man kasi dati, ayaw ni Riri na umaalis sa tabi niya ang kanyang nanay. Pero sa inaakto ng bata ngayon, parang pinaparating niyang ayos lang sa kanya ang ideyang iyon.

"Masaya po ako, nanay ko." Ngumiti pa si Riri, at nagawa pa nitong ilabas ang kanyang ngipin. Parang maging kapani-paniwala.

"Hindi iyon ang nakikita ko, anak." Hindi maiwasang punahin ni Kelly ang anak, puno ng hinanakit ang kanyang boses. Na siyang ikinanuot noo lang ng kanyang anak.

"Riri, sama ka na lang muna kay Yaya Lyn mo, ha," Singit naman ni Alex sa usapan ng dalawa, na kanina pa nakikinig at may parte sa kanyang hindi niya nagustuhan ang inaakto ni Kelly. Masunurin naman na tumungo ang bata at hindi man lang na nagsalita pa. Tinalikuran silang dalawa at lumapit iyon sa kanyang Yaya Lyn.

Hinintay nilang tuluyan na makaakyat muna si Lyn at ang bata. Bago hinarap ni Alex si Kelly na magkasalubong ang dalawang kilay.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Seryosong sambit ni Alex, hindi mo makikitaan nang bakas ng pagbibiro ang kanyang mukha.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now