KABANATA 47

958 14 0
                                    

Kabanata 47

NAPATAGILID si Kelly dahil naalimpungatan siya sa pagkakalabit sa kanya ng anak. Pipikit pikit niyang inabot ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table sa kanyang gilid at halos manlaki ang kanyang mata dahil alas kwatro pa lang ng umaga.

"Anak naman," Reklamo niya, bago niya iyon hinarap na inosente lamang nakatingin sa kanya. "Ang aga pa. Ano ba iyon?"

Napanguso naman si Riri. "Hindi ka pa naman matanda Nanay, pero kalimot mo na po agad."

"Ano ba iyon, anak?" Pag-uulit niya, wala pa rin talaga siyang ideya. Normal kasi talaga iyon sa kanya lalo na kapag kulang pa siya ng tulog at sapilitan na ginising.

"'Di ba po kikitain ko iyong nagbigay ng spaghetti sa akin, Nanay?"

Kumunot ang kanyang noo. "Sinabi ko ba iyon, anak? Parang wala naman akong maalala." Pagdahilan naman niya.

Kita naman niya kung paano bumagsak ang balikat ni Riri. Sapo-sapo pa nito ang kanyang noo, bago iyon inihilamos sa kanyang mukha na parang bigo dahil sa narinig na sinabi ng kanyang Nanay.

"Hay nako po... makakalimutin ka na agad Nanay." Problemadong sabi ni Riri. "Paano ko kaya iyon ipaalala sa iyo po?" Parang matanda nitong sabi, nakahawak pa sa kanyang baba na animo'y nag-iisip talaga.

Parang nagising ang kaluluwa ni Kelly sa nakitang reaksyon ng kanyang anak. Gusto niyang matawa, pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Naalala ko po."

Sinusubukan lang naman niya ang anak kung ano ang magiging reaksyon nito dahil hindi pa rin niya alam kung paano niya kakausapin ang nagbigay ng spaghetti sa kanyang anak.

Napasimangot naman si Riri. "Loko mo naman po ako Nanay, eh."

"Sorry na, anak..." Tuluyan na siyang bumangon at hinila iyon sa kanyang harapan. "Maaga pa kasi, anak. Mamaya pa naman iyon, matulog ka na muna." Suhestyon pa niya. Kahit saang anggulo kasi tingnan, inaantok pa siya. Talagang kulang pa ang kanyang tulog.

Nakatanggap naman siya ng iling sa anak. "Hindi na po ako makatulog Nanay, eh."

"Bakit naman?" Taka niyang tanong, tsaka siya napahikab.

Malawak na ngumiti ang kanyang anak, na minsan lamang niya kung makita. "Excited po ako, eh." Tsaka iyon humagikgik.

"Anak, hapon pa naman iyon kung sakali. Depende pa kasi, kung gusto niyang sumama sa akin mamaya pag-uwi." Nag-aalala na sabi niya.

Isa kasi sa dahilan kung bakit nagdadalawang-isip siya sa ideyang iyon dahil hindi siya sigurado kung mapapapayag niya si Adam na sumama sa kanya.

Humaba na naman ang nguso ni Riri. "Payag po 'yon, Nanay." Kita sa mata ng kanyang anak ang pag-aalangan, pero rinig naman sa boses nito ang kumpyansa sa kanyang sinabi.

Napangiwi naman si Kelly sa ideya na iyon. Sa pinapakita na pakikitungo sa kanya ni Adam, malabo na pumayag iyon. "Paano ka naman nakakasiguro, anak? Hindi mo naman kilala iyon."

"Tatay ko 'yon Nanay, eh. Sabihin mo lang po na gusto siya makausap ni Riri, papayag na iyon."

Hindi na dapat magulat si Kelly, kasi nasabi naman na niya iyon sa kanyang anak. Pero hindi niya maiwasan na pagtakhan kung saan nanggaling ang kumpyansa ng anak na mapapapayag niya agad si Adam. Idagdag pa iyong ideya na parang kilalang kilala niya si Adam sa paraan ng kanyang mga sinasabi.

Kahapon kasi nang masambit niya iyon sa kanyang anak, talagang wala siyang nagawa kung hindi mapaamin na lang.

*Flashback*

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon