KABANATA 9

1.6K 23 1
                                    

Kabanata 9

NABANGGIT ni Kelly kay Adam 'yong tungkol sa birthday ng kanyang mama. Kasama na roon 'yong kung ano ang plano niya pero hindi niya binanggit kay Adam na kaarawan din niya sa araw na 'yon.

Hindi naman niya kailangan na ipaalam, dahil ang araw na iyon ay inilaan talaga niya para sa kanyang mama.

Nakatanggap na si Kelly ng mensahe mula kay Adam na malapit na raw iyon. Sakto naman dahil pwede na silang mag-out. Nagsabi kasi si Kelly kay Adam na kakausapin niya 'yong sa catering na kukuhanin niya para sa birthday celebration ni Mrs. Tolentino. Ang sabi naman ni Adam sa kanya ay sasamahan siya. Noong una ay tumanggi pa si Kelly dahil nga kasama na niya si Alex at baka may lakad pa siya pero dahil mapilit si Adam, wala na siyang nagawa kung hindi pumayag. Hindi nga lang niya nabanggit na kasama si Alex.

Bahala na lang mamaya!

"Let's go, girl." Sabay akbay ni Alex sa kanya.

Marahas naman na tinanggal ni Kelly ang braso ni Alex na nakaakbay sa kanya. "Huwag kang umakbay. Alam mo naman na—."

"Oo na." Napipilitan na tugon ni Alex, halatang halata ang hindi niya pagsang-ayon sa ideyang iyon. Ngunit, mukha yatang wala sa mood si Alex na mang-asar dahil hindi na siya nagpupumilit pa.

Pagkarating nila Kelly at Alex sa labas, sakto naman na dumating ang sasakyan ni Adam. Lumabas doon si Adam at agad na sinalubong ng ngiti si Kelly. Malugod naman na ginantihan iyon ni Kelly. Ngunit, nauwi naman iyon sa ngiwi nang makita ni Adam si Alex na nasa likod ni Kelly.

"He's coming with us." Anunsyo ni Kelly, at nag-aalangan na ngumiti.

"What?!" Naiinis na sabi ni Adam, hindi maitatago sa mukha niya ang galit. "I am already here; why does he need to come with us?" Iritado niyang dagdag na para bang isang sakit si Alex na ayaw na ayaw niyang makalapit sa kanya.

Sasagutin na sana niya si Adam para ipaliwanag nang biglang sumabat si Alex sa usapan ng dalawa. "Excuse me, sir." Panimula ni Alex. "Do you know the place?" Ramdam ang pagiging sarkastiko ni Alex, hindi rin nito naiwasan na magtaas ng kilay. "If you know, then I won't come." Naghahamon na dugtong ni Alex. Nanatili pa ang tingin ni Alex kay Adam, hinihintay ang posible pa nitong isagot sa kanya ngunit nang wala pa rin itong makuhang sagot mula kay Adam. Muli siyang nagsalita.

Ngumisi si Alex. "As far as I know, you're not a resident here. That means you're not familiar with places here."

Hindi pa rin nagawang makasagot ni Adam. Totoo naman kasing wala siyang ideya sa mga lugar dito sa Pangasinan, hindi naman kasi siya rito lumaki. "Fine! You can come with us." Mapait na sabi ni Adam, halatang napipilitan.

"Unpayag met lan lamang, dakel ni arte to!" Papayag din naman pala, ang dami pa niyang arte. Nilakihan naman ni Kelly ng mata si Alex, senyales na hindi niya nagustuhan sinabi nito. Ayaw kasi ni Kelly na isipin pa ni Adam 'yon, hindi naman kasi marunong si Adam ng kanilang lengguwahe.

Nagkibit balikat na lamang si Alex. "Tara na, Kirsten!" Iginaya siya ni Alex, palapit sa sasakyan.

Hindi naman na nakaangal pa si Kelly pero natigil silang dalawa nang hindi nila nakitang sumunod si Adam. Nanatili lamang iyon sa kanyang pwesto. "Sir, let's go. Umaandar ang oras!" Nangiinis ang tinig ni Alex.

Magkasalubong ang kilay na lumapit si Adam kay Kelly at Alex. "Kelly will stay in the passenger seat." Marahan nitong hinila si Kelly sa kanyang tabi. "You." Pagtukoy naman niya kay Alex. "Alone in the backseat." Pinag-diinan pa niya ang salitang alone, nananadya.

PAGKARATING nilang tatlo sa bahay noong may ari ng Catering Services. Si Alex na ang tumawag, siya naman kasi ang may kilala nito.

"Tao po..." Pasigaw na pagtawag ni Alex.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now