KABANATA 14

1.3K 17 0
                                    

Kabanata 14

PUNO ng pagtataka ang mukha ni Kelly nang pumasok siya sa kanilang opisina. Lumabas kasi siya dahil initusan ng kanilang boss. May sasakyan kasi na nakaparada sa harap. Hindi ito pamilyar sa kanya, pero nagmamayabang ang klase ng sasakyan.

"May naghahanap sa iyo."

Iyon kaagad ang bungad sa kanya ng isang ka-trabaho nito. Inilibot naman niya ang kanyang tingin, at nahinto sa isang babae na kausap ni Alex. Babaeng hindi niya inaasahan na nasa opisina nila ngayon. Likod pa lang alam na niya kung sino iyon, hindi kailanman niya makakalimutan iyon. Ilang pulgada lang ang layo nila sa isa't isa, kaya hindi na rin siya nahirapan na makilala kaagad ang babae.

"Kelly, nandiyan ka na pala." Si Alex.

"Nakita mo naman ako, 'di ba?" Sarkastiko na tugon ni Kelly. Nawala naman ang ngiti ni Alex sa inasal na iyon ni Kelly. Hindi niya iyon inaasahan mula kay Kelly, nakakapanibago. Malayo sa pag-uugali ni Kelly ang sumagot nang ganoon lalo na at may kaharap silang ibang tao.

Bumaling naman si Kelly kay Noreen, na kasalukuyang nakangiti sa kanya. "Good morning, ma'am." Nginitian niya ito. Isang pekeng ngiti, iyon ang tingin niya na nararapat. "Anything we can do for you?" Pormal niyang sabi.

Sa gilid niya kita ang gulat sa mga mukha ng kanyang ka-trabaho, kahit si Alex na katabi ni Noreen. Hindi rin maitago ang gulat sa kanyang mukha.

"Good morning." Nakangiting tugon ni Noreen. Hindi mawari ni Kelly kung tunay nga ba iyon, o pakitang-tao lamang. "Can I talk to you?"

Ayaw man ni Kelly sa ideyang iyon, pero ayaw niya rin na lumabas na siya pa ang masama kapag hindi niya iyon pinaunlakan. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa, at pumayag din naman dahil ayaw na niyang tumagal pa rito si Noreen. Hindi niya kayang tagalan ang presensya nito.

"Sure, ma'am."

NASA loob sila ng opisina ng kanilang pinaka-boss. Hiniling kasi ni Noreen na gusto niyang walang makakarinig sa kanilang pag-uusapan at dapat silang dalawa lang. Ayaw naman niyang sa labas sila mag-usap, kaya naki-usap na lang si Kelly sa Manager nila kung pwede bang maki-gamit ng opisina. Pumayag naman ang kanilang Manager kaya hindi naging problema iyon.

"I am Noreen Chavez." Pormal na pagpapakilala ni Noreen kay Kelly.

Bumaba naman ang tingin ni Kelly sa kamay ni Noreen na nakalahad sa kanyang harapan. Naghihintay na tanggapin niya iyon. "Kelly." Simpleng tugon niya at malugod na tinanggap ang kamay ni Noreen.

"I came here to talk to you personally... The first time we had an encounter, I know that I had a bad impression of you." Nanatili lang siyang tahimik at taimtim na nakikinig sa kung ano ang sasabihin ni Noreen sa kanya. "I apologize for that."

"I understand," Ngumiti si Kelly. "We don't live the same life."

Umiling naman si Noreen. "That's not what I meant, Kelly." Sobrang amo ng kanyang mukha, sobrang layo sa una beses nilang pagkikita.

"Sorry, pero kasi may trabaho pa ako." Pag-iiba ni Kelly ng usapan. Ayaw niyang humaba pa ang kanilang pag-uusap, nararamdaman kasi niyang iba na ang patutunguhan noon. "Kung ano iyong gusto mong sabihin, 'yong dahilan kung bakit ka pumunta rito. Sabihin mo na."

"I'm sorry..." Tinanguan lang iyon ni Kelly. "I know what happened between you and Ad--."

Napatayo kaagad si Kelly. Biglang umusbong ang kanyang galit nang marinig niya ang pangalan na dapat ay sasabihin ni Noreen, kung hindi lang niya pinigil. "Kung tungkol lang pala sa kanya, wala akong oras." Pagputol niya.

Hinawakan naman siya ni Noreen sa braso. "Please..." Nakikiusap ang tinig nito, hindi malayo sa kanyang pinapakita na ekspresyon.

Napa-buntong hininga na lamang si Kelly bago muling umupo. "His mom talked to me..."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now