KABANATA 1

5.3K 62 0
                                    

Kabanata 1

IN-END ni Adam kaagad ang tawag pagkatapos niyang sabihin ang mga gusto niyang iparating sa magulang niya. Ang kanyang sekretarya ang kausap niya bago nito ibaba ang tawag, iyon ang magpaparating nang mga gustong niyang sabihin sa magulang.

Babalik na sana siya sa loob ng bahay, nang sakto naman itong mapatingin sa babaeng nakatingin sa kanya ngayon.

Hindi gaanong malapit sa kanya ang tricycle kung saan nakasakay ang babae. Pero alam niyang ang mata ng babae ay nakatutok sa kanya.

"Jaylyn. Faster!" Malakas na sigaw ni Adam.

Napatakbo naman sa balkonahe si Jaylyn dahil sa gulat. "Bakit ba? Ano 'yon?" Taranta nitong tanong kay Adam.

"Do you know that girl?" Tanong niya, hindi man lang niya nagawang balingan nang tingin si Jaylyn nang tanungin niya iyon. Abala siya sa babae, tila ba takot ito na mawala sa kanyang paningin. "Sh*t!" Malutong itong napamura. Nakita ba naman niya kung paano muntik nang mahulog ang babae kung hindi lang ito nakahawak sa hawakan ng tricycle.

That driver should be reported. He doesn't know how to drive slowly.

"Saan ba?"

Ituturo sana ni Adam ang babae kaso hindi na ito nakadungaw sa kanya. Nakabalik na iyon sa pagkakaupo ng maayos sa loob ng tricycle. Mukha yatang nakita na rin siyang nakatingin sa gawi niya kanina.

"Wala na. Nakaalis na!" Tsaka iyon tumalikod at iniwan si Jaylyn.

Inis na napa padyak si Jaylyn. "Tinawag mo pa ako 'di ba?" Puno ng sarkasmong habol ni Jaylyn kay Adam.

Ano 'yon? Iiwanan na lang kapag hindi na kailangan?

"What will I do?" Huminto si Adam para maharap si Jaylyn. "Hindi mo nga nakita." Giit niya.

"Umalis na kasi 'di ba?" Umirap si Jaylyn.

"Exactly."

Mas nadagdagan ang inis ni Jaylyn, muli siyang napa padyak nang iwan siya ni Adam at tinungo na ang loob ng bahay.

PAGKABABA ni Kelly ng tricycle ay hawak hawak pa rin niya ang kanyang ulo. Patuloy niya pa rin itong hinihimas, dahil talagang malakas ang kanyang pagkaka-untog kanina. Damang dama pa rin niya hanggang ngayon ang sakit.

Kung bakit ba naman kasi mababa ang tricycle ni manong? Tapos bigla bigla na nag preno 'di ba?

Hindi na dapat siya nagulat na ganoon ang kanyang inabot. Idagdag pa ang ideya na sa iba siya nakatingin, at hindi sa daan.

Huwag ka kasing tumingin sa pogi, Kelly!

"Hindi naman," Bulong nito na animo'y may kausap talaga.

"Hoy, girl!" Napatalon naman si Kelly sa kanyang kinatatayuan, dahil sa sobrang gulat. Ikaw ba naman ay nagiisip, tapos bigla kang gugulatin. Tumingin siya sa kanyang likod. Masama ang tingin na binigay niya sa walang hiyang may kasalanan kung bakit siya nagulat.

Mabilis niya itong nilapitan, at hindi inaksaya ang pagkakataon para mahampas ang may kagagawan noon. "Bwesit ka talaga! Umagang umaga, eh." Naiinis na sabi ni Kelly. Patuloy pa rin ang paghampas niya rito. Tila nakalimutan niya ang sakit na iniinda kanina dahil sa pagkagulat. Ang salarin ay walang iba kung hindi ang magaling niyang ka-trabaho na si Alexander.

"Tama na, girl. Namumula na ang aking maputing kutis." Maarteng awat naman ni Alex sa kanya.

"Bakit ba kasi nanggugulat ka?" Tanong muli ni Kelly. Unti-unti namang tumawa ang ka-trabaho nito hanggang sa lumakas ang kanyang tawa. Nakakunot naman ang noo ni Kelly. Puno siya ng pagtataka kung ano ang tinatawanan ni Alex.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now