KABANATA 19

1.2K 17 0
                                    

Kabanata 19

WALA pa ring pasok si Kelly, iyon ang isa sa bagay na ipinagtataka niya. Ang alam kasi niyang pinaalam ni Adam ay iyong araw lamang ng kanilang pagpunta sa Manila. Iyon pala, isang linggo ang pinaalam ni Adam sa kanyang boss. Kaya naman nang malaman niya iyon, nakaisip siya ng ideya na yayain na lang sa dagat si Adam dahil wala pa naman siyang pasok.

May mga bagay na gusto niyang malaman tungkol kay Adam, na alam niyang si Adam lang ang kayang makapagpaliwanag noon sa kanya. Kapag kasi sa bahay sila nag-usap, alam na niya ang patutunguhan. Wala na naman siyang malalaman dahil simula noong naging malapit si Adam at ang kanyang ama. Parang sila na ang naging magkasintahan. Ang lugar na lang niya lagi, nasa tabi lang ni Adam nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

May malapit kasing dagat sa kanila, na noong bata pa si Kelly doon sila nagpupunta ng magulang niya kung gustuhin man nilang mag picnic o magpahinga man lang. Nakasanayan na nila iyon dahil din sa sarap ng simoy ng hangin ay talagang gugustuhin mong balik-balikan.

"Where are we going?" Nagtataka na tanong ni Adam. Kasalukuyan silang nasa likod ng bahay nila Kelly, at kumukuha ng bisikleta.

Marami kasing bisikleta sila Kelly, dahil noong nag-aaral pa lamang siya na hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanyang bisikleta. Iyon ang lagi nilang ginagamit na mag-ama. Lalo na tuwing hapon, kapag may libre silang oras. Isa iyon sa bonding nilang mag-ama, kaya sila malapit na dalawa sa isa't isa.

"Basta... marunong ka ba nito?" Pagtukoy ni Kelly sa bisikleta. Alas singko pa lang ng umaga, sinadya niya talaga na maaga sila para makita nila ang sunrise. Napakaganda kasi talagang masilayan iyon sa umaga.

"Of course, baby..." Mayabang ang pagkakasabi ni Adam noon. Napairap na lang si Kelly sa hangin. Hindi na bago iyon sa kanya. Hindi pa man sila ni Adam ay may pagkamayabang na talaga ang kasintahan.

"Let me help you," Presenta ni Adam. Umatras si Kelly, para makuha ni Adam ang bisikleta na gagamitin nilang dalawa.

Nang mailabas na nila ang mga bisikleta, tsaka naman nagpaalam si Kelly kay Adam. "Pasok muna ako, may kunin lang ako."

"I'll come with you." Akmang hahakbang na si Adam para unahan siya, nang mabilis naman na humarang si Kelly.

"Kaya ko na, dito kana lang." Hindi na hinintay pa ni Kelly si Adam na humirit pa, mabilis na siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Bago kasi tinawagan ni Kelly si Adam kanina dahil iyon nga ang usapan nila. Tatawag siya kapag tuloy sila sa nabanggit niyang lakad. Nagluto kasi si Kelly nang umagahan na dadalhin nila. Naghanda siya ng fried rice, eggs, at tuyo. Iyong tuyo talaga ang gusto niyang ipa-try kay Adam, panigurado kasi na hindi pa nasubukan ni Adam na kumain noon. Halata naman na hindi maarte si Adam kaya may lakas ng loob siyang ipa-try, sana lang talaga magustuhan nito.

"Let's go!" Nakangiting aya ni Kelly nang makalapit siya. Napalingon sa gawi niya si Adam, at halata sa mukha nito ang excitement.

Inilapag ni Kelly sa basket ng bisikleta ang mga niluto niya, kinuha naman ni Adam ang iba at nilagay din sa kanyang bisikleta na gagamitin.

Akmang aalis na si Kelly dahil siya naman ang nakakaalam ng daan, nang mapansin niya na nakatayo lang doon si Adam. Parang wala pang balak na sumunod sa kanya.

"Bakit? May naiwan ka?" Walang nagawa si Kelly kung hindi i-liko ang bisikleta at balikan ang kanyang nobyo.

Nakangusong umiling naman si Adam. "Can we just use one bike?" Puno ng alinlangan ang mukha ni Adam, halatang nagdadalawang-isip kung maganda bang ideya na i-tanong niya iyon.

Nagtataka naman na tinignan ito ni Kelly. "Bakit? Ayaw mo ba mag-bike?"

"No!" Maagap na tugon ni Adam. Sa mukha pa lang kasi ni Kelly, parang iba ang naging dating ng gusto niyang mangyari. "I will be the one to bike, and you... angkas ka sa likod."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now