KABANATA 30

1K 17 1
                                    

Kabanata 30

PAGDATING sa usapang pag-ibig, hindi natin maiiwasan na masasaktan, o masugatan ang ating puso. Normal iyon, tulad nang laging sinasabi ng iba. Dahil kung hindi ka raw nakaramdam ng sakit, hindi mo masasabi na totoong nagmamahal ka.

Minsan hindi natin sila masisisi kung bakit ganoon na lamang ang kanilang paniniwala. Siguro, dahil subok na at marami na rin ang nakapagpatunay ng paniniwala na iyon.

Iyon ang isa sa bagay na hindi natin maiiwasan kapag pumasok tayo sa isang relasyon. Walang kasiguraduhan kung anong patutunguhan, hindi mo alam kung hanggang kailan. Kung kayo ba hanggang dulo, o siya na ba ang para sa iyo habang buhay.

Pero sa kabila ng walang kasiguraduhan na bagay, hindi pa rin maiiwasan na magmahal ka o sumugal sa ngalan ng pag ibig. Totoo nga ang sabi ng iba, na kapag tinamaan ka wala ka nang kawala! Mahirap ng makalaya. Dahil minsan ang isang kasalanan, maihahalintulad natin sa pag-ibig. Hindi natin namamalayan na nakakulong na pala tayo, sa isang ideya ng mahiwagang mundo pero ang totoo isa lamang itong patibong ng mga taong malapit sa atin, o mas masakit pa iyong nanggaling sa mga taong sobra mong pinapahalagahan.

Dala ng matatamis na salita, mga aksyon na ipinakita. Dahil sa mga iyon, patuloy tayong lumulubog at naniniwala.

Kung sino pa ang mahal mo, sa kanya ka pa makakaramdam ng sakit. Iyong sakit na hindi mo alam kung paano ka babangon, paano ka magsisimulang muli dahil nasanay ka sa mga araw na kapiling siya. Pero tila ganoon naman talaga. May punto talagang hindi sang-ayon ang tadhana, dahil iyong isang relasyon na pinaka-iningatan mo. Pinaghirapan kung paano mo iyon makamit, na parang isang pangarap. Sa isang iglap parang bula na lang na nawala. Natapos na lang bigla!

Parte naman iyon ng buhay, pero sadyang hindi talaga maiiwasan na maalala. Iyong tamis nang pagsasama, iyong alaala na hindi ka lang nag-iisang bumuo kung hindi dalawa kayo. Pero ganoon ang buhay, ang nararapat mong gawin tuwing nadadapa ay bumangon at magpatuloy.

Ang hindi ipakita na hindi mo kayang mag-isa, kung wala siya. Ang kayanin lahat ng pagsubok, nang mag-isa. Dahil tulad nang paniniwala ng iba, isinilang kang mag-isa. Hindi ka dapat dumepende sa iba.

NANG makita ni Alex ang luha sa mata ni Kelly, hindi na siya nagdalawang-isip pa para igaya si Kelly palabas ng building na iyon. Kung hindi lang sana nagmatigas si Kelly, paniguradong kanina pa nila iyon pareho nilisan.

Pero hindi iyon ang tamang oras para magsisihan pa sila, o magtalo pa. Nangyari na, at ang gusto lang ni Alex makaalis silang dalawa ni Kelly sa lugar na iyon. Iyon ang una niyang dapat na gawin.

Kahit pinagtitinginan sila ng mga tao, at iyong mga guard na nasa labas nagtuloy tuloy pa rin sila sa paglalakad. Lalo na noong nakita nila ang sekretarya ni Adam na pabalik na ng building.

Saktong may humintong taxi sa harap nilang dalawa. Pinauna kaagad ni Alex si Kelly bago siya sumunod. Hindi na siya lumingon pa, dahil ayaw niyang mapigilan pa silang dalawa.

"M-Manong sa terminal po," Habol hininga na sabi ni Alex, naglalakad lang naman siya kanina pero hindi maitatanggi iyong kaba na dala niya palabas ng building. Mabuti na lang dahil hindi sila pinigilan ng mga guard, nakadagdag pa na hindi sila naabutan pa ng sekretarya ni Adam.

Napatingin naman siya kay Kelly na nasa tabi niya. "Ayos ka lang?" Puno ng pag-aalala niyang tanong, hindi rin maitago ang pag-aalangan sa kanyang sarili kung dapat ba nitong kausapin si Kelly sa mga oras na iyon. O hayaan muna niya iyon na mag-isip, hayaan na magpahinga ang kanyang utak mula sa mga nangyari.

Nang makita ni Alex si Kelly kanina na umiiyak, gustong-gusto niyang sugurin si Adam pero naisip niya na hindi iyon ang tamang aksyon na gawin. Hindi dahil ayaw niyang lumala ang sitwasyon o natatakot siya sa mga posibleng kahihinatnan kapag ginawa niya iyon. Sadyang iniisip niya lang si Kelly at sa pagkakataon na iyon, sigurado siyang ang lisanin ang lugar na iyon ang gustong mangyari rin ni Kelly. Hindi ang ideya na sumugod sa kanyang nobyo at sa kasama nitong babae.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant