KABANATA 11

1.3K 19 0
                                    

Kabanata 11

"PAPA, papasok na po ako."

Kahit hindi pinapansin si Kelly ni Mr. Tolentino ay araw-araw pa rin siyang gumagawa ng paraan para pansinin siya nito. Tulad na lang kapag nakikita niyang kukuha ng tubig ang kanyang papa, uunahan niya itong kumuha pero iyon nga lang hindi siya papansinin. Palagi lang siyang nilalagpasan ni Mr. Tolentino. Ngunit hindi siya tumigil para mapansin siya nito, kahit man lang hindi niya maibalik agad ng buo ang loob ng ama. At least kinakausap siya kahit papaano. Sapat na 'yon para sa kanya.

Isang linggo na rin simula nang mangyari ang pagsugod ng fiancé kuno ni Adam. Ganoon na rin sila katagal hindi nagkikita at nakakapag-usap man lang ni Adam.

"Tara na." Malinaw na narinig ni Kelly na sinabi iyon ni Mr. Tolentino. "Ihahatid kita ulit, at baka may holdaper na naman diyan sa harap."

Ito ang dahilan kung bakit hindi makausap ni Kelly si Adam kahit pa na gustuhin niya. Gusto kasi sana niyang marinig man lang ang paliwanag ni Adam, pero hindi niya magawa. Hindi siya makahanap ng pagkakataon dahil nga simula nang mangyari 'yon. Palagi na siyang hinahatid ni Mr. Tolentino. Wala naman siyang magawa dahil nga kinukuha niya muli ang loob nito at baka kapag sinuway niya, sumama lang lalo ang pakiramdam nito. Iyon naman ang ayaw niyang mangyari.

Alam naman ni Kelly na ginagawa lang ni Mr. Tolentino ang protektahan siya, pero mayroon pa rin sa isipan niya ang espasyo para makinig sa kung ano man ang paliwanag ni Adam.

"Opo, susunod na." Pasigaw na sagot ni Kelly, dahil agad siyang iniwan ni Mr. Tolentino at nauna na itong lumabas. Kumontra man ay hindi niya magawa, kahit naman kaya na niya ang sarili. Sino ba namang mahigit bente singko na, pero hinahatid pa sa trabaho? Syempre, siya 'yon. Kung iyon ba naman ang paraan para makuha nito muli ang loob ni Mr. Tolentino. Ayaw man niya ay mapipilitan na lang talaga siya. Ganoon din si Mrs. Tolentino, kung may importante lang itong sasabihin kung pansinin nito si Mr. Tolentino dahil hanggang ngayon ay guilty pa rin ito sa nangyari at mukhang dinidibdib pa rin Mr. Tolentino ang ginawa ng kanyang asawa.

"Pasok!"

Napapitlag si Kelly nang padabog na sinarado ni Mr. Tolentino ang pinto ng sasakyan. "Tama ako sa desisyon ko..." Sabi ni Mr. Tolentino nang saktong pagkabukas nito ng makina ng sasakyan.

Naguguluhan naman na tinignan ito ni Kelly. "Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Ang ihatid ka araw-araw."

Napasimangot si Kelly sa ideya na 'yon. "Hindi niyo naman po kailangan gawin 'yon papa."

"At para ano?!" Napalunok si Kelly nang biglang tumaas ang tono ng boses ni Mr. Tolentino. Kung kanina mahinahon lang, ngayon naman mahihimigan sa boses nito ang galit. "Para malapitan ka ng lalaki na 'yon?"

"Hindi po." Nakayukong ani Kelly.

"Kung hindi nga lang ako ang unang lumabas, malamang na nakalapit na 'yon sa iyo."

Ganoon kasi ang nangyayari sa araw-araw, kaya palagi siyang hinahatid. Palagi rin na nauna si Mr. Tolentino na lumalabas, sinisigurado na hindi sila magkaharap ni Adam.

"Papa..." Halos ibulong niya 'yon dahil sa takot na magtanong kay Mr. Tolentino. Inipon niya lahat nang lakas ng loob na mayroon siya, dahil kung hindi niya susubukan hindi nito kailanman malalaman ang kasagutan. "Pwede ko po ba siyang makausap?" Dugtong pa niya, ang tinutukoy ay si Adam.

Seryosong tingin ang ibinaling sa kanya ni Mr. Tolentino. "Papayag lang ako na makausap mo siya kapag..."

"Ano po?" Kahit papaano nagkaroon ng kaunting pag-asa ang puso niya na makausap si Adam. Ngunit tuluyan itong nawala sa sumunod na sinabi ni Mr. Tolentino. "Kung patitigilin mo na siyang ligawan ka." Kasabay noon ang pagbagsak ng kanyang balikat.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now