KABANATA 17

1.4K 16 0
                                    

Kabanata 17

BUONG akala ni Kelly hindi siya matatanggap ng pamilya ni Adam. Hindi naman kasi nito masisisi ang magulang ni Adam kung ganoon ang maging desisyon nila. Wala namang magulang na gustong masaktan ang anak nila, tulad na lang nang ginawa ng kanyang ama.

Kaya kung ganoon man ang kahahantungan nila tulad nang unang nangyari sa kanila ni Adam, maiintindihan niya 'yon. Pinalaki siya ng magulang niya na puno ng pagmamahal, isang pagmamahal na kahit anong mangyari alam mong kahit masaktan ang damdamin mo. Maaari kang bumalik at malugod ka nilang tatanggapin.

*Flashback*

"Welcome to our family."

Nang marinig ni Kelly ang katagang iyon hindi maipaliwanag ang kasiyahan sa kanyang puso. Sa wakas, hindi man ganoon katagal silang naghiwalay ni Adam. Naging mahirap din naman para sa kanilang dalawa ang sitwasyon. Iba pa rin talaga ang pagmamahal na tanggap ng parehong pamilya at nakatanggap ka ng suporta mula sa kanila.

"T-Thank you po!" Hindi napigilan ni Kelly ang sariling maluha.

Mabilis naman na niyakap ni Adam si Kelly at inalo ito. Si Mr. Dela Fuente at Mrs. Dela Fuente naman ay ganoon din ang nararamdaman, na hindi nila lubos maisip na darating ang araw na 'to para sa anak nila na si Adam.

"We prepared food... Let's eat." Pagbasag naman ni Mr. Dela Fuente sa yakapan ng dalawa.

"Dad!" Protesta naman ni Adam, masama ang tingin na ipinupukol sa ama.

Napahalaklak lang si Mr. Dela Fuente. "What?" Inosente pa nitong sabi.

Alam na alam ni Adam kapag tinutudyo siya ng ama Tulad na lang nang ginagawa nito ngayon. Alam kasi ni Mr. Dela Fuente na sobrang gusto ng anak ang ideyang kayakap nito si Kelly. Hindi naman kasi iyon maipagkakaila, masyadong halata si Adam.

"You just ruined the moment!" Giit ni Adam.

"Of course not!" Natatawa naman na depensa ni Mr. Dela Fuente. Akmang hihirit pa si Adam, nang nauna nang pumunta sa kusina si Mr. Dela Fuente. Kaya walang nagawa si Adam kung hindi sumunod na lang silang dalawa ni Kelly sa kusina.

*End of Flashback*

Halos tinanghali nang gising si Adam at Kelly. Paano ba naman, hindi kasi maiwan ni Adam si Kelly sa guest room nang hindi iyon makatulog agad. Gustuhin man na sa kwarto sana ni Adam na si Kelly patulugin kaso pinigilan ni Adam ang sarili, dahil tuwing susubukan man nito, naaalala niya ang sinabi ni Mr. Tolentino.

"Huwag na huwag kang matutulog sa tabi ng anak ko!"

Hindi iyon ginawa ni Adam dahil sa puno ng pagbabanta nang sabihin iyon ni Mr. Tolentino. Kung hindi dahil sobrang laki ng respeto nito at ayaw nitong masira iyon dahil lang sa isang bagay na hindi nito kayang sundin.

"Good morning."

Nakatayo si Adam sa baba ng napakahaba nilang hagdan. Mula sa itaas tanaw ni Kelly na walang pinagbago ang itsura nito. Sa simula nang magkita silang dalawa, ang maputi nitong kutis, naglalakihang braso, ang perpektong hugis ng kanyang mukha, makapal na kilay, kayumangging kulay ng mata, matangos na ilong at... ang mapula nitong labi.

"G-Good morning din." Nakangiting bati ni Kelly. Nagpasalamat si Kelly nang ilahad ni Adam ang kamay at iginaya siya nito papunta ng kusina.

Hindi maiwasang mapangiwi ni Kelly sa dami ng nakahanda sa hapag. Mayroong bacon, hotdogs, egg, dalawang klase pa nakahiwalay ang sunny-side up, iba rin ang scramble egg, may bread, juice at syempre fried rice.

Mabuti na lang may fried rice dahil hindi kumakain si Kelly ng bread lang sa agahan. Gusto kasi nito laging mabigat ang pang-umagahan niya. Kahit pa na tinanghali sila ni Adam nang gising, ganoon pa rin dahil wala pa naman laman ang kanyang tiyan.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now