KABANATA 52

1K 13 0
                                    

Kabanata 52

"BAKIT ganyan ka?" Wala sa sariling tanong ni Kelly, hindi niya nagawa ng alisin pa ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Adam. Hindi dahil sa mahigpit iyon. Kung hindi dahil sa sakit na nakita niya sa mata ni Adam nang akma niyang tatanggalin, kaya hinayaan na lamang niya.

Ilang minuto rin niyang pinatahan si Adam. Nagkaroon lamang siya ng pagkakataon na magsalita ulit nang makita na medyo ayos na ang lagay noon. Kanina kasi panay ang hagulgol niya, na para bang ibinuhos na niya lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

Hinarap siya ni Adam na nakakunot ang noo. "What do you mean?"

"Na dapat galit ka sa akin, at wala ka sa tabi ko ngayon."

Hindi naman sa hangad ni Kelly na magalit si Adam sa kanya, sadyang hindi lang siya makapaniwala na hindi nito magawang magalit sa kanya dahil sa kanyang mga ginawa. Kung tutuusin kasi si Kelly pa ang mas may kasalanan matapos niyang marinig iyong mga paliwanag ni Adam sa kanya.

Umayos ng pagkakaupo si Adam, pero nanatiling nakatingin sa kanya. "I was mad, and I think it's normal, especially since you left me without uttering any word. But the moment I saw you again, nabura lahat iyon. Maybe only the pain... but talking to you right now, knowing your reasons and being able to let you know the truth... from my side, you don't deserve my anger. Perhaps you deserve my love." Mahaba ngunit malinaw na paliwanag ni Adam.

"S-Salamat," Nahihiyang sambit ni Kelly, saglit lang na binalingan niya ito. Bago binalik ang tingin sa magkahawak nilang kamay. "Malaking bagay sa akin iyon. Kasi, mahirap... na dati araw-araw kong iniisip kung paano nga ba kita haharapin kapag dumating sa puntong magkaharap ulit tayo," Pahapyaw na kwento ni Kelly nang kung paano siya noong panahon na hindi pa nagtatagpo ang kanilang mga landas. "Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko, para maging deserve kita..." Bahagyang natawa si Kelly. Tila hindi pa rin makapaniwala, na kaharap niya si Adam at nakakapagusap sila ng maayos. Idagdag pa ang ideya na si Adam mismo ang lumalapit sa kanya, para lang makapag ayos silang dalawa.

"You gave me enough reason to change, baby."

Napaawang ang labi ni Kelly, tila hindi makabuo ng salita na tatapat sa katagang iyon ni Adam. Dahilan para magbago? Sobra sobra pa sa isang karangalan na marinig iyon ni Kelly. Hindi lahat ng lalaki, pipiliin na magbago dahil sa nagmamahal sila.

"That's why I am here," Pagtuloy ni Adam ng walang marinig na sagot mula sa dalaga. "I told myself to wait for you, but I can't wait anymore... so I decided to go here and win you back."

"Paano mo nga ba nalaman na nandito kami?" Takang tanong ni Kelly, hinarap na niya si Adam na masasabi niyang hindi man lang nagulat sa tanong niyang iyon. "Wala kaming pinagsabihan, kahit ang magulang ko kaya malabong makakuha ka ng sagot sa kanila. Ang napagsabihan lang namin, ang magulang ni Alex at noong nakalipas na ang tatlong taon, nalaman ng dati naming amo..." Pagtuloy na paliwanag ni Kelly. "Sinabi ba sa iyo ni Miss Oliva?"

"Yes," Tipid na sagot ni Adam. "But, she has her reasons..." Dugtong agad ni Adam nang makita ang magkasalubong na kilay ni Kelly.

Napanguso si Kelly. "Ano naman?"

*Flashback*

"SIR, may naghahanap po sa inyo." Bungad ng sekretarya ni Adam sa kanya. Nakaupo lang si Adam sa kanyang swivel chair na parang ang lalim ng kanyang iniisip.

"Who?" Walang emosyon na tugon ni Adam, hindi pa rin nagawang balingan ng tingin ang kanyang sekretarya.

"Miss Oliva, sir."

Napaangat ang tingin ni Adam, kumunot ang kanyang noo. Hindi kasi pamilyar sa kanya ang apelyido na iyon.

Nakuha naman agad ng sekretarya ni Adam ang pagtataka ng kanyang Boss, kaya hindi na niya hinayaan pang mag isip pa iyon. "Sir, dating Boss nila Miss Kelly."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now