KABANATA 34

992 13 0
                                    

Kabanata 34

"NANAY, bakit ang aga mo po?"

Kasalukuyang nakaupo si Kelly sa may dulo ng kama, habang siya ay nag-aayos ng kanyang dadalhin na gamit pagpasok sa kanyang unang araw sa trabaho.

Hindi na naging mahirap sa kanya ang pag-apply pa, dahil tulad nang sabi ng dating amo. Tawagan lang niya iyon o kaya naman ay magsabi kay Alex. Ganoon nga ang ginawa niya at hindi na siya nagsagawa pa ng mga interview, natanggap na agad siya.

*Flashback*

"H-Hello po, ma'am..."

Kahit kabado si Kelly ay pinilit pa rin niyang itawid ng maayos ang gustong sabihin. Si Alex kasi ang kausap ng dati nilang amo, inabot lang ni Alex sa kanya ang telepono. Sinenyasan siya na gusto siyang makausap ng kanilang boss. [Hello, Kelly. I am so glad that you have made that decision, and that is to be able to return to my company.] Ramdam niya ang kasiyahan sa boses ng ginang, hindi naman halatang sabik na sabik.

"Uhm... kailangan po kasi ma'am, nahihiya na rin po kasi ako kay Alex." Pag-amin niya. Iyon ang dahilan sa likod nang kagustuhan niyang bumalik sa trabaho. "Kailan po pala ang interview, ma'am?" Dagdag pa niya.

Narinig naman niya ang halakhak sa kabilang linya, na siyang ipinagtataka niya. Sa isip-isip niya, wala namang nakakatawa sa kanyang sinabi. "What do you mean, interview, Kelly? You don't have to do it; you're hired. I'll just let some of my staff on the first branch where you work look for the papers you submitted, and we'll just update your records."

Napaawang ang labi niya. "Talaga po?" Nanlaki ang mata niyang tumingin kay Alex, nakakagulat talaga.

Para kay Kelly, sobra-sobra na iyon. Ang ideyang pabalikin siya sa trabaho nang kahit kailan niya gusto ay malaking bagay na sa kanya, lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Idagdag pa ang ideya na hindi na niya kailangan pang mag-undergo ng interview.

"Of course, you're one of my best employees before Kelly. You deserve that."

Halos kuminang ang kanyang mata, at kagalakan sa kanyang puso. Walang halong biro ang kanyang narinig, totoo na may trabaho na siyang muli. "Nako po! Thank you, ma'am."

Hindi talaga maitago ni Kelly ang kasiyahan na iyon, kahit sino naman sigurong nasa kanyang posisyon. Ganoon din ang magiging reaksyon, lalo na sa hirap na maghanap ng trabaho. Saktong pagkababa ng telepono, agad niyang niyakap si Alex. Natatawa naman na tinugunan iyon ni Alex.

Nasa ganoon silang posisyon ng natigilan silang dalawa, dahil nakatingin na pala sa kanila ang anak ni Kelly na si Riri. Wala na rin ang bata sa dati nitong pwesto dahil nasa harap na nilang dalawa at nakatingala pa.

"Yakap din po Riri, nanay."

Hindi maitatago sa mukha ng anak ang pagka-sabik lagi sa ideyang yakapan, nakalahad na ang maliliit niyang braso kaya naman agad itong binuhat ni Kelly at pinagbigyan ang gusto niyang mangyari.

*End of Flashback*

Itinigil ni Kelly ang ginagawa, at hinarap ang anak. Sinenyasan niya iyon na lumapit sa kanya, kinukusot kusot pa ang mata nito nang mabalingan niya ng tingin. Halata pa ang pagka-antok, pinilit lang ang sarili na bumangon dahil nakita niyang hindi na katabi ang kanyang nanay. Sobrang aga pa kasi, dapat ay natutulog pa ang anak. Sanay kasi itong nakayakap sa kanya tuwing natutulog sila, kaya naman panigurado na naramdaman ng anak na wala na siya sa kanyang tabi kaya siguro naalimpungatan at tuluyan nang nagising.

Nang makalapit ang anak, binuhat niya iyon at pinaupo niya sa kanyang kandungan. "Naalala mo po iyong isang araw na masaya si nanay?"

Kunot ang noo ni Riri na tumingin sa kanya, animo'y parang matanda na nag-iisip. "Noong niyakap mo rin po ako?" Halata ang pag-aalangan ng bata, hindi sigurado kung tama ang kanyang sinabi. Marahan na hinaplos ni Kelly ang buhok ng anak. "Opo, 'yon nga." Pagsang-ayon ni Kelly.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora