KABANATA 6

1.7K 24 0
                                    

Kabanata 6

PAUWI na si Kelly, kasama niya ang ka-trabaho niyang si Alex. Duda man siya sa ideyang isasama niya ang ka-trabaho sa kanilang bahay pero wala siyang nagawa ng inumpisahan siyang kulitin nito. Kapag naman kasi hindi niya sinama alam niyang hindi siya titigilan. Gagawin daw kasi ni Alex iyong naisip niyang ideya. Kahit naman walang kaalam-alam si Kelly sa balak ni Alex, ay pumayag pa rin siya. Para lang tuluyan na siyang tigilan.

Nagtext nga si Adam na susunduin daw siya ngunit tinanggihan niya ang binata. Masama mang magdahilan siya kay Adam, pero wala siyang choice kahit naman ang totoo ay kasama niya si Alex. Kapag kasi sinabi niya ang totoo, mahirap na baka magkainitan pa ang dalawa. Iyon naman ang iniiwasan niyang mangyari.

Hindi maganda ang unang pagkikita ni Adam at Alex. Kaya hangga't maaari ayaw niyang masundan pa iyon kung hindi rin naman sila magkakasundo na dalawa.

"Ano ba kasing plano 'to Alex?" Kinakabahan na tanong ni Kelly. Habang papalapit na ang sinasakyan nila na tricycle sa kanilang bahay, mas lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman niya.

"Basta, malalaman mo ang sagot sa tanong mo." Parang balewala lang na sabi ni Alex. Hindi man lang makikita ang kaba sa kanyang itsura, animoy sigurado at talagang pinaghandaan niya ang kanyang plano.

"Pag ito talaga kalokohan, sinasabi ko sa iyo... Kapag pinalayas ako, idadamay kita." Seryosong banta ni Kelly, kaso tinawanan lang siya si Alex.

"Ang OA girl, ha. Palalayasin agad?"

"Hindi mo rin kasi masasabi!"

"Huwag kang mag-alala, kung ganoon man ang mangyari. Bukas naman ang pinto ng bahay namin para sa iyo. Malugod kitang tatanggapin."

Sumama lang ang mukha ni Kelly dahil sa sinabi na iyon ni Adam. Napakagaling talaga ni Alex kapag mga ganitong bagay. Pakiramdam na kabado kana't lahat, pero siya easy lang. "Kung sabihin ko kayang bakla ka--."

"Seryoso kasi 'to!" Mabilis na putol ni Alex. Isa iyon sa bagay na kinatatakutan niya, kaya kapag sinabi na ang tungkol doon iyon na rin ang makakapag pagtigil sa kanya. "Baka pasalamatan mo pa ako..." Mayabang siyang tumingin kay Kelly.

"Siguraduhin mo lang, Alexander!"

Nagbayad kaagad silang dalawa, pagkatigil pa lang ng tricycle sa harap ng bahay nila Kelly. Hindi na siya nagulat nang hawakan ni Alex ang kanyang kamay at mabilis na iginaya sa loob.

Wow, bahay mo Alex? Kung makahila, eh.

"Good evening, papa." Bati ni Kelly nang makapasok silang dalawa. Kasalukuyang nanunuod ng palabas sa telebisyon si Mr. Tolentino. "Si mama po, nasaan?" Dugtong niya.

"Nakanila Mareng Johan." Tugon ni Mr. Tolentino nang hindi man lang binalingan ng tingin si Kelly. Kaya hindi niya pa alam na may kasama siyang bisita. Napailing na lang si Kelly sa pagkahilig ni Mr. Tolentino sa panunuod ng Ang Probinsyano.

"May kasama po ako, papa." Imporma ni Kelly tsaka lumapit para humalik sa pisngi ng ama.

"Good evening po, uncle." Nakangiting lumapit si Alex kay Mr. Tolentino. "Mano po." Malugod naman na inabot ni Mr. Tolentino ang kanyang kanang kamay.

"Alex, tama ba?"

Hindi na nagtataka si Kelly kung kilala ni Mr. Tolentino si Alex. Minsan nang nagawi sa bahay nila ang binata, kahit medyo matagal na iyon ay hindi pa rin siya nakalimutan ni Mr. Tolentino. Sadyang malinaw pa rin ang memorya nito.

"Opo, uncle." Magalang na tugon ni Alex.

"Upo ka," Inimuwestra ni Mr. Tolentino ang malaking sofa sa gilid niya. "Ano bang sadya natin?" Tanong ni Mr. Tolentino, tsaka muling binalik ang tingin sa telebisyon.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon