KABANATA 41

907 18 0
                                    

Kabanata 41

HINDI na nagtagal pa sa bahay sina Alex at Kelly. Pagkatapos nilang kumain kasama si Lyn at Riri, tinungo na agad nila ang bayan para makapasok sa kanilang trabaho.

Minuto lang din ang kanilang naging byahe, bago makarating sa mismong opisina kung saan nakatayo ang branch ng pinapasukan nilang kooperatiba.

Nang makarating silang dalawa, hindi na sila naghintay pa na mabuksan iyon dahil nakabukas na. Minsan kasi maaga silang pumapasok. Kung minsan naman sakto lang sa oras tulad ngayon. Kung sino kasi iyong malapit sa opisina, at laging maagang pumasok sila ang humahawak ng susi para magbukas tuwing umaga.

Hindi pa man sila tuluyan na nakapasok ni Alex, hindi maiwasan ni Kelly na mangunot ang kanyang noo. Rinig kasi nilang dalawa sa labas iyong tilian ng mga katrabaho nila sa loob ng opisina.

"Anong mayroon?" Baling ni Kelly kay Alex. Nagkibit balikat naman si Alex dahil kahit siya ay walang alam kung ano ang nangyayari sa loob.

Pagpasok pa lang nila, dinumog na agad si Kelly ng kanyang katrabaho.

"Omg, Kelly! Sayang!" Tili noong isang babae niyang katrabaho.

"Oo nga, hindi mo nakita!" Sang-ayon naman ng isa, hindi maitatago ang pagkabigo sa boses nito.

"Babalik naman siya mamaya. Nako hindi ka talaga magsisisi, promise 'yan!" Tila tuwang-tuwa naman na sabi pa ng isa.

Nagkasalubong ang kilay ni Kelly. Ang daming sinabi ng mga kasamahan niya. Ngunit ni isa wala siyang naintindihan, dahil hindi naman sinabi kung ano ang tinutukoy nila.

"A-Ano bang mayroon?" Taka niyang tanong.

"May bago tayong boss! Ang hot!" Sagot ng unang sumalubong sa kanya, para pang nananaginip iyon sa kinang ng kanyang mata.

"Siguro... maraming pandesal iyon," Sambit pa ng isa, nakatingala pa parang inii-magine iyong kanyang tinutukoy.

Mas lalong nalukot ang mukha ni Kelly. "Boss? Paano nangyari iyon?"

Nagkibit balikat naman silang lahat. "Hindi namin alam, kasama lang ni boss natin na dumating dito." Pagtukoy nila sa boss na talagang kilala nila noon pa man sa dating branch kung saan sila nagtatrabaho ni Alex.

Binalingan naman ni Kelly si Alex, na tila nag-iisip din. "Alam mo ang tungkol dito?"

Nakatanggap lang naman si Kelly nang iling mula kay Alex. "Walang nabanggit sa amin, baka biglaan lang." Halata sa mukha ni Alex na wala nga siyang alam. Ipinagtataka ni Kelly iyon dahil kung tutuusin mas nauna naman na nagtatrabaho si Alex sa kanilang dalawa, kaya imposibleng hindi ito nasabihan.

"Babalik naman daw sila mamaya," Tugon naman ng isang lalaki, na masasabi nilang dalawa na iyon ang pinaka may matinong sinabi. "At nga pala Alex, kailangan daw iyong records tungkol sa bagong empleyado na pinapasok mo. Dapat daw ready iyon mamayang hapon sa meeting, gustong makita ng bagong boss na tinutukoy nila." Tinuro pa nito iyong mga katrabaho nilang babae sa kanyang likod.

Tumango naman si Alex. "Sige, salamat sa impormasyon." Ngumiti lang ang kanyang katrabaho, kaya nagawa na lang din niyang ngitian iyon.

POKUS sa trabaho si Kelly, hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang pinagsasabi ng mga katrabaho niya. Ngunit, natigil siya sa kanyang ginagawa nang mabalingan ng tingin si Alex. Kita niya kong paanong aligaga si Alex, kasalukuyang nagkakalkal sa ito kanyang lamesa tila may importanteng hinahanap.

"Alex, may problema ba?" Pag-agaw ni Kelly ng atensyon.

Saglit lang siyang sinulyapan. "A-Ah, wala..."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now